Basta, as soon as I open my eyes from "sleeping", I faced my computer. Again. Ugh. Adikness!
I was fixing my LJ mood theme. Nyah, I'm getting addicted to Onion Head Emoticon nowadays. I would like to have it as my mood theme, but goddammit, after doing it for hours, it didn't work. Darn.
It's 3:30. Since my LJ mood theme doesn't work, I prepared myself to go to school instead. Anung oras na. But, hn, I'm sure there only few of them there. (And Arbu's surely one of them.)
Pumunta na aco sa school. And saw their outside the school gate. As usual, nandun si Arbu. Nandun din si Eday.
"Oi Ivy, di aco makaka'attend ngayon." Adrian said as soon as I approached them.
"ANO!?" I mentally counted the members in there. If Eday won't attend, then it would only be just Arbu, Ponce... and me!
WHAT!? TATLO LANG KAMING CHOIR DITO!?
"Baket di ka aatend ah!?" I demanded to Adrian.
"E mai pupuntahan aco sa Camella e."
"Baket, anong meron sa Camella?"
"Basta."
Matapos co siyang kulit-kulitin, ayon, sinabi niya na rin sa'ken ang dahilan. Ayun, Graduation party daw ni kuya King Mabato.
"Hn. Ang daya mo naman. Pupunta ka dun sabay di ka aattend sa choir." Sabe co sa kanya sa tonong nagtatampo. "Nakakatampo ka!" Dagdag co pa.
"Nagpapaliwanag" pa nga siya sa'ken. Kesyo minsan lang naman daw siya di na'aatend sa choir, kesyo ngayon lang naman daw siya di makaka'attend dahil sa ganiting dahilan, kesyo napangakuan niya na daw na pupunta siya (na dapat e sa April 2) pero na move. Pero binabara co siya ng: "Ewan co sa'yo! Nakakatampo ka.." with matching tampo tone and tulis ng nguso.
Actually, di naman talaga aco ganun nagtatampo sa kanya e. Gustuhin co man e hindi co magawa. E anong magagawa co e kailangan niyang puntahan yon? Echos co lang yung nagtatampo aco. ^^,
Maya'maya, dumating na rin si Rochelle na siyang kasama niya. Amp. Tatlo na lang kame.
Kaya naman laking tuwa co ng makita co si Jaymiriz. Halos napayakap na nga aco sa kanya e. Whoo! Apat na!!
At dumating din si Ablay! WOOT! Lima na kame! Yehey!
At yung limang 'yon, ayun, di na nadagdagan. Amp. Ayaw co na ngang kumnta ngayon e, lalu na dahil dun sa insidente lang week. Kaya lang di naman puede.
Ayaw na nga rin nilang kumanta e. Sila Jaymiriz at Arbu, aalis na dapat.
Aba! Di puede. Ayun, kinapitan co nga para hindi "makawala"
Umalis si Ponce sandali dahil mai pupuntahan "daw" siya sa 7-eleven. Nako, baka hindi na bumalik! Kung sakali, aco lang ang babaeng kakanta. Amp.
Mga 5pm, dumating si Sir Bautista. Wow. Tutugtog kaya? Sana. Para maayus'ayos naman ang kanta namen.
Pumunta na rin kame sa church. Nyay, mai tao na sa taas? Hindi ba kame ang kakanta? Napansin cong pula ang kulay ng altar ngayun. Ibig sabihen special ocassion.
Oo nga pla, Palm Sunday bukas. Kaya ba ayaw kameng pakantahin ngayon. Sayang, nandito pa naman si Sir.
Pero kami naman daw pa rin pala ang kakanta. Kaya pala sila nandito e dahil Palm Sunday nga bukas, so ang homily e yung sasagot ang choir na "Ipako sa krus!" chuva. Hahaha. Katuwa!
Wala pa ngang mic stand yung isang mic. Kaya nung kumanta na e hawak'hawak lang ni Arbu. Ganun siya buong misa. At feel na feel niya naman yung mic.
Okay naman ang kanta namen. Okay din daw sabe ni Sir e. Hay salamat, di kame nagkalat ngayon.
Pagkatapos ng misa e nagkayayaan sa bahay. Nung last last week pa kinukulit nila Eday at Arbu yun e. E sabe co nung last last week na ngayon na lang. Akala co naman hindi matutuloi dahel wala si Eday.
Pero ayun, sumugod pa'ren sila Ablay, Jaymiriz at Arbu. Amp, puro nga lalaki e. Okay lang yun. Haha.
Nyaha. Naging masaya naman ang araw co..
No comments:
Post a Comment