I sang in Sto. Sepulcro Church in Landayan today for the 3pm mass. Mikmik was inviting me a long time ago because they're lacking soprano due to the storms that passed the country. Inanod daw ng baha mga members nila. LOL.
I found time to sing today. I really wanted to be a member of a real church-choir (since the Glee Club is just a school choir). Sabi ni Mik susunduin niya daw ako sa Kodak ng 2PM sharp, kaso nalate ako ng ilang minutes. We saw kuya Darwin and we rode a tricycle to Landayan. Yes, Mikmik payed my fare. Haha.
While on the tricycle, nagkwentuhan kami ni Mik, mostly about Sir Luna. Tapos binaba lang halos namin yung keyboard na dala ni kuya Darwin sa bahay nila, then we went to the Church. Sosyal nga e, de aircon. We went up to the choirbox through the frightening spiral staircase. At bongga ang choirbox nila, ang laki! May mga pews pa. Wala lang, nabonggahan lang ako kasi di ganun yung choirbox sa bayan e.
Di ako kumanta sa ibang kanta dahil hindi ko alam yun. Pero pag alam ko, sumasabay ako. Medyo naiilang pa akong lakasan yung boses ko kasi ang hina kumanta ng mga babae (halos 3 lang kami), sapaw nga ng mga boys. E baka sabihin naman nananapaw ako. Pero pinalapit pa ako ni Kuya Darwin sa mic e. Mikmik told me after mass na ganun daw talaga ang mga girls nila, nabulong, so okay lang na medyo lakasan ko.
Pinad-merienda pa kami sa may kumbento after mass. Sosyal. Ganun daw talaga dun. Tapos nagpractice kami sa may multi-purpose hall sa third floor. Dumating na rin si Bau at tinanong ako tungkol sa Liceo night dahil nga dapat ampon din siya ng Basil. Nagkukwentuhan pa nga sila ni kuya Dar na dapat sila nanalo. Bah, pinagtanggol ko ang Basil ah!
Santo at Balang araw yung pinractice namin. Galing nung boys nila. Pero nahihirapan talaga yung girls. I feel awesome because I received unspoken compliments from them. Pano daw kasi, dati, soprano ang nasasapawan ng boys, pero ngayon, sapaw na daw ng soprano. Dalawa lang kami e. Haha. Tapos umuwi pa yung isang soprano nung nagpapractice na ng Balang Araw, ako na lang. Super taas pa ng nota, buti nasa kondisyon ang boses ko at abot ko. Haha.
Na-excite tuloy akong kumanta sa Simbang Gabi nila sa 16. Dapat umattend si Eday dahil sabi ni Mama, di niya daw ako papapuntahin kung hindi ako susunduin ni Eday. The heck.
--
Next time na yung post ko about sa birthday ko and Liceo night. Pagod na ko e.
Friday, December 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment