Monday, August 10, 2009

Birthday ng Adviser

It was our adviser's birthday. Nung pagdating co sa room, inaayos na ni Jayson yung mga upuan pa-ikot sa room. They didn't attend the flag ceremony para maghanda sa taas.

Pero wala pa yung pagkain at nandun na sa baba si Sir. Kung makikita ni Sir na paikot ang upuan pero wala naman yung handa, edi ang corny nun. Kaya pagkatapos ng flag ceremony, dali-dali na acong umakyat sa taas para sabihin ayusin muna ang mga upuan. Madali-madali kami sa pag-ayos e. Bumaba naman kaming mga officers para sa pagkain at sinabi namin sa mga classmates namin na parang ordinaryong araw lang pagpasok ni Sir.

Mga 20 minutes din kaming naghintay sa may gate. Nang dumating na ang pagkain, tumulong aco sa pagbubuhat ng pasta. Meron din kaming balloon at saka tarpaulin

While walking toward our room, we sang "Happy Birthday".

Honestly, the birthday itself wasn't that... lively. I mean, hindi ganun kasaya. But for me, the day was somewhat awesome dahil super kulitan kami.

Nandun lang aco sa likod, kasama sila Jette, Steni, and the others. Si Jette, tinotopak at ayaw magpa-picture kahit anung gawin namin. Naka-gala uniform kasi siya e, baka daw sabihin na may guard sa picture. Sus! Echos niya lang yun e! x)


Mr. Dela Torre, our adviser.



Muka kasing angek si Jayson e, umalis pa. Blurred tuloy.

Spaghetti at lumpia ang handa. Pero dahil ayaw co ng lumpia, yung maja yung ni-request cong kainin. Naghati kami ni Jette dun sa maja. Masarap naman kasi siya... basta 'wag mo lang titingnan. Pa'no kasi, mukang lugaw yung itsura ng maja. Haha.

Pero masarap talaga siya, pramis. Nagku-kwentuhan pa kami ng mga nakakadiring bagay habang kumakain, akala naman nila mahina sikmura co. Haha! Nakaubos pa aco ng dalawang servings ng maja. Yung spaghetti lang talaga ang halos di co nagalaw.


Aco lang ang nakatingin at nakangiti dito ah. Haha!

Kulitan na kami pagkatapos ng kainan. Picture-picture. Di naman na rin kasi pumasok yung ibang teachers namin e.

Jorvina looking like Haruhi Suzumiya. Hoho. Ankyut!~ Wengkz.

Nako. Si Jette ayaw tumingin! Alisin mo nga yung lobo!

Si Steni ang laki ng bunganga e! XD

Muka kang nangangarap ng gising! Sinong iniisip mo ha? ALAM NA! XD

Super effort aco para makasama sa picture o!

Yatta! Napicturan din si Jette (nasa likod co)! Itchura co naman dito, ang haggard! x]

Woot! Ang seductive ni Luis ah!

Eto pa isa!

Nagkakantahan kami sa may side namin ng kung anu-anop. Super birit aco e. Biglang may nagpatugtog ng "Careless Whisper" sa phone. Sayaw naman kami ni Luis! Haha, super giling e!

Muka kaming abnormal ni Luis dito! Careless Whisper!

Ni-video pa kami ni Koleen. Sayang, di pa naa-upload. Kapag na-ulpload na, ilalagay co yung link dito. XD

**

Nagkuha ng participants ng Word Game para sa Buwan ng Wika ngayon. Sumali aco, at dahil kailangan e tatlo ang kasali, hinikayat co si Steni at Jette. Napasali co din naman sila.

Ang oras ng Word Game e 1:00-3:00. Ibig sabihin babalik pa kami ng 1pm kahit 3pm pa ang balik namin, Biniro aco nila Jette na sa bahay co sila uuwi para malapit lang kami. E ang kalat kasi sa bahay e! Okay lang sana kung di makalat, e siguradong parang dinaanan ng bagyo yung bahay!

Nung una, nagjo-joke lang daw sila. Pero nung nandun na kami sa may eskinita papuntang bahay namin, nauna pa sila sa'kin! E hinihintay lang daw ni Jette si Steni na magyaya na pauwi e, e game naman si Steni.. kaya yun, dun na nga sila sa bahay namin umuwi.

Wala si Mama. Sarado ang bahay. Yung susi ng pinto, nasa may bintana. E nakasarado yung bintana. Super effort acong sungitin 'yon para mabuksan yun. Pati sila Jette nakitulong na rin. Siguro may 10 minutes din kaming nagta-try buksan yung bintana, nang wala sa loob cong hinila yung isa pang bintana. Sheda, bukas pala! Nagpakahirap pa kami!

Sa wakas, nakapasok na rin kami sa bahay. Buti hindi ganun kakalat. Bumili na lang sila ng pagkain sa Jollibee kasi kulang yung ulam na nakahanda para sa'min.

Nang mag-1pm na, bumalik na kami sa school. Susme, ang aga pa nga namin e! Kaya nag-ikot-ikot na lang muna kami.

Maya-maya, nagsimula na rin yung Word Game. Muka lang kaming mga tanga dun. Haha. Pa'no kasi, ang bilis ng oras. Nakaka-shock. Parang mga na-"trauma" ang itsura namin pagkatapos ng isang word.

Sa huli, we ranked 3rd. As expected, 1st ang Basil. Naka-2nd naman ang Gregri. Ang mamaw e, ang daming nasusulat na word! Sayang nga kasi yung dalawa lang na iyon ang kuha para sa Final Round na inter-level na.

Nagpa-ikot-ikot na lang kaming muli sa school. Pwede namang tumambay yung dalwa sa HQ dahil CAT officers naman sila, e kaso kasama nila aco. edi kung sa HQ sila, wala acong makakasama. Weet! Haha! Kaya super tambay na lang kami sa may tapat ng internet room at sinamahang sumimoy si Steni sa kanyang irog. Haha!

Sumali din aco ng Pagsulat ng Tula nung hapon. : )

Nakakatuwa ang araw co. It was awesome. I'm beginning to find new friends. : )

No comments: