Monday, August 17, 2009

Inspired : )

Yohoow! This day is so... inspiring. Yay! I don't know, but I really feel... in l--*shot* inspired. Yeah, inspired.

So, I was wearing a big smile upon reaching our classroom. I don't know what's the reason why I am smiling today so much, I just feel like smiling. Maybe it was because last week was an awesome week and the after-effect still lingers in me?

Koleen and Jette were wondering why there's a big smile plastered on my lips. "Inspired," was the response I could think of. Waha. XD (And they still keep on guessing who my special someone is. 8D )

I also asked Quintero and the others to curl my hair again today (landi talaga! XD).

Halos hindi rin naman namin nakita ang aming adviser ngayon, kahit exam na bukas. =_=

May activity din kami sa Music na dapat e last week pa nagawa. We we're grouped into forur and each group should sing a church song. Dahil mukang hindi naman matatandaan ni Sir kung anong grupo ba kami, kung sino-sino na lang ang nag-grupo-grupo. The group who will perform the best will get an exemption for the 1st Quarterly Exam.

Actually, medyo nakaka-pressure din. As the Glee Club President, our group should do good on this. Syempre, nakakahiya naman kasi kay Sir kung mukang ewan kami. ;___;

I changed our song. I think the former one was kinda lame. We practiced for it during recess and Music time, hanggang sa huli, sabi ni Sir e next week na lang daw kami mag-perform. x]

♥ *shot*

I paid for my tuition first, and went to St. Basil's first before going home to ask for the t-shirt from the Glee Club members. I saw Adrian whirling around, and assumed he's taking care of his "documents". It's actually for the Boy Scout. He'll be candidating to be one of the 10 Most Outstanding Boy Scout. Regional lang muna yung lalabanan niya, tapos kukuha ng lima dun para isali naman sa National. (Yay! I'll be praying for you, Edz! ^^) Grabe, ang busy ng taong yun e.

Pagkatapos cong daaanan ang St. Peter, umuwi na rin aco at natulog.

I went back early to school. Sabi kasi ni Arsie, dumaan daw aco sa kanila before my afternoon classes for her shirt. Nakita co si Jorvina at nagpasama sa kanya papuntang Basil. Super sara naman ng room nila at nung nakita aco ni Adrian, sinabi niyang wala sila Arsie at nanunuod ng Debate. @_@

Matapos makipag-chikahan ng kaunti kay Eday, nagpaalam na rin aco. Pero bago yun, yumakap muna aco sa kanya ng mahigpit. Haay, nakaka-miss si Eday ngayon. Palibhasa ang hectic ng schedule ng taong yun, super busy kaya minsan na lang kami magkita. : )

We checked our quiz on Science today. I was actually wondering what kind of alien-ish things Mrs. Suinan was saying so I asked the others if it was the questionnaire that we answered last Friday. It turned out na iba palang questionnaire ang dini-discuss ni Miss! Kaya pala puro mali kami e! Inulit tuloy namin ulit.

Nakakatuwa nga si Mrs. Suinan e. Nakakabiruan namin siya kaya nakakatuwa. Dati talaga, akala co super serious yun na mala-terror na bawal biruin. Pero nakikipag-asaran pa siya sa'min.

Magaling din siyang magturo. Mabilis nga lang minsan, pero marami talaga acong natututunan sa kanya. Dati, kahit nung hindi pa aco nagha-high school, sabi co, ayoko ng Physics dahil puro computations. Ngayon, ayoko pa rin ng computations sa Physics but I don't really hate the entire subject. Nagiging interesante na nga sa'kin ang mga kung anu-anong law e ('wag mo lang talagang ibigay sa'kin ang puro conversions at computations).

Wala kaming teacher sa Filipino, kaya labu-labo na naman kami sa room. Susme! Super hagalpakan na naman sa mga tawa! XD

May "workshop" nga kanina si Jorvina e. Tinuturuan namin na mag-mukang "matino" at hindi parating mukang si Sisa at Pinkaw. Pero wa epek talaga, in born na topak ng babaeng 'yun. XD

Dumating si Sir Cejero pero pinasa lang namin sa kanya yung notebook namin at hindi na niya kami pinakialaman. Kaya patuloy pa rin ang ingay. Nagpalit pa nga kami ni Ruiz ng sapatos (pareho kaming maliit, pero hindi pa rin talaga ganap na kasya ang kanyang sapatos sa aking lotus feet XD).

At nung pabalik na si Jayson sa upuan niya, nagulat na lang kami ng biglang nadapa. Actually, hindi saktong term ang "nadapa". BULAGTA SIYA SA SAHIG E! Tawanan ang lahat, pati siya e. HAHAHAHAHA! SOCO!! XDDD

**

Nag-PEAC muna co bago umuwi. As I was walking home, I saw Adrian, Gerard, Remo, and Marlon on the other side of the road. Nakita rin nila aco at nagpahintay habang tumatawid sila. Si Remo, umuwi na, habang si Eday e nagyaya namang mag-7-eleven. Actually, anong oras na at kailangan co na ring umuwi, pero minsan co lang naman na makasama si Eday so I gave in.

Sa 7-eleven, napag-usapan namin ang tungkol sa "future". Ang mga activities, ang Liceo, ang college life. Actually, magpi-PNU din si Eday kapag hindi siya nakapasa ng UP, at pareho pa kami ng course sa PNU--Linguistics. Pero sabi co naman sa kanya, I have a great feeling that he has a good chance of passing in UP, lalo na't Baguio naman ang second choice niyang campus at papayagan naman siya dun, so madali nang ilakad sa Diliman if ever.

Syempre, masaya sana kung pareho kaming PNU para may kasama naman aco dun kung sakaling dun nga aco matuloy, but I'm still praying that he--as well as my other friends--will pass in UP, kahit na gusto co e sama-sama pa rin kami. Syempre, di naman pwede 'yun di ba? Ayokong maging selfish. Mas okay sana kung lahat kami ay UP, but I should be realistic. Ang liit ng tsansa co. And I couldn't afford to be selfish, especially when it come to my friends, kaya kahit alam cong magkakalayo-layo kami, I'm praying that they will pass in UP. Maganda naman ang chance nilang makapasa e.

Wala na si Mama pagdating co sa bahay, pumasok na sa trabaho. Nag-alibi na nga lang aco kung bakit aco late umuwi. 8D

May extension pa pala ang masasayang araw co. Haha. Sana parati na lang ganito.

Exam bukas. Todo computer pa rin aco. Hay, PC is just too tempting. Bahala na. Hahaha! XD Good luck na lang sa'min!~

No comments: