Wala naman kaming masyadong ginawa, kaya pinagtulong-tulungan acong kulutan nila Quintero, Ruiz, at Quial. I looked like Valentina from Darna kasi ang pagkulot na uso sa'min, yung parang binubuhol. My hair looked short, and they told me it would be better if I cut my hair. They're presuading me to cut my hair. As if they could convince me.
Sabi co, magpapagupit din aco kapag: [1] may matindi acong dahilan; at [2] may taong super nangumbinsi sa'kin at na-moved talaga aco sa dahilan niya.
Sabi nga ni Jette, pipilitan niya daw aco. Tapos sasabihin niya kila Ayyah, Lea, Adrian, Remo, Alexa and my other close friends to persuade me, too. Haha!
At 8am, Veloso excused me from our class para ayusin nga yung bulletin board. Tinali co yung buhok co kasi muka pa nga acong si Valentina kasi naka-"buhol" pa rin. Remo ang Alde saw me, and they thought I had a haircut dahil muka ngang maikli yung buhok co na parang shoulder-length lang. As if..
Inabot kami ng past 9am dun sa bulletin board na 'yon pero halos wala rin namang nagyari at di rin namin natapos. Kase e..
English time na pagbalik co. Nagqu-quiz sila at nasa question #12 na, humabol na lang aco. Nag-aaalala aco dun sa 1-11 co, buti na lang inulit din ni Mrs. Lopena yung questions nung nag-request acong ulitin. I got 21. Actually, dapat talaga 23 yun e. Ang gulo kasi ni Miss e. Parang feeling co talaga, may mali siyang nasabi.
Tinggal co na rin yung pagkaka-"buhol" ng buhok co nung paakyat na kami sa rooftop ang everyone was "wow-ing" on me. Ang ganda kasi ng pagkakulot e, para daw acong magj-JS! Akalain mo 'yun, gumaganda ang buhok co kapag kinukulot. Muka daw acong tao! HAHA! (But still, I wasn't able to achieve the Taiga look. Tsk.)
Half day lang kami ngayon dahil APTA Induction of officers. Pero babalik din aco sa school ng 2:30 dahil choir aco at may mass para sa Induction. Dapat nga, pupunta kami ni Jayson kila Jorvina (dapat talaga, si Jayson lang. E sabi niya, baka daw "molestyahin" siya ni Jorvs kaya pinasama niya aco. XD) para makita ni Jayson kung pan'o i-reformat yung PC nila Jorvs, na si Jorvs lang ang gagawa, kaso di din natuloy kasi nandun yung tatay niya nandun e ayaw niyang nandun yung papa niya kapag nagdala siya ng kaklase.
Umuwi na lang aco at umidlip. At past 2pm, nasa school na aco. Naka-civilian nga aco e.
Ang awesome ng pagkakakanta namin. Waw. Yung bagong member na 1st year, si Gerald Dulay, ang galing mag-voicing. Palibhasa choir na yun sa kanila e. Pati tuloy yung Ama Namin me voicing kahit dati e wala naman yun.
Hindi pa kami umuwi pagkatapos ng mass. Nanuod muna kami sa program. Nang natapos na ang program, binigyan kami ng merienda. Grabe, ang hyper namin!
Warning: "Green" language ahead. Not suitable for "innocent" and conservative people. XD
Nagkulang yata sa tinidor nun, kaya nanghiram si Siacey ng tinidor sa tapos nang kumain. Nung nanghiram siya kay Dulat, sagot ba naman e, "'Wag na. Lalaki aco, baka mabuntis ka!"
WAW. Grabe. Nagtawanan kami. Pero na-realize co, grabe talaga ang mga kabataan ngayon. I mean, green din naman talaga kami so parang wala lang yun. Kaso first year pa lang yun ah, at bagong member pa. Hindi pa lalagpas sa limang beses na nakasama namin siya sa choir. At si Siacey e third year na. Samantalagang nung panahong first year kami at bago sa High School Glee Club, hindi kami makapalag ng ganyan sa mga "senpai" namin. Oo, may biruan, pero super kuya at ate at "po" kami nun. Hindi kami ganun magsalita sa senpais namin.
Iba na talaga panahon ngayon o. XD
Kumuha pa kami ng pansit, at ng juice. Ang adik e! Kumuha din kami ng lobo! HAHA!
Grabe! Ang hyper namin. Di co lang ma-explain. pero ang kulit namin! XD
We saw Adrian, na galing Los BaƱos dahil may kinuhang documents daw kaya di nakapag-choir. Ang gala talaga, mag-isa lang siya nun ah. Kinuwento co nga sa kanya yung tungkol kay Dulay at sabi niya, in a playful but somewhat serious way, na lagot daw yun sa kanya sa Sabado. Si Eday pa naman, pinapakitaan talaga ng "attitude" at "authority" ang mga taong dapat pakitaan ng "attitude" at "authority". Ganun siya. Kapag sa lokohan, mangunguna 'yon, pero kapag serious, serious.
Hindi naman sa naiinis kami. Para sa'kin, okay lang naman si Dulay. Magaling siya, and he's an asset to the choir. Pero syempre, dapat maaga pa lang e matuto na siyang "rumespeto". Hindi naman sa naiis talaga kami, super natawa pa nga kami sa kanya. Pero syempre, dapat malaman niya kung pa'no pakitunguhan ang mga senpai niya. Aba, kahit pamilya at super close co na talaga ang choir to the point na super harutan kami, dapat malaman ng new members kung saan "lulugar".
And I'll leave that to Eday. Mas kaya niya na 'yon kaysa sa'kin. I'm not good on laying "authority", kaya siya na bahala dun. Magkakasundo rin naman yung dalawang 'yun e, for sure. Good luck na lang sa Sabado. XD
(This post is supposedly centered on how hyper we are today, pero mas parang tungkol sa ito sa mga bagong members. Haha!)
No comments:
Post a Comment