Tuesday, January 20, 2009

average day

haay. hindi ko alam kung matutuwa ba aco o maiinis sa pangyayari sa aking araw. walang nama kaseng nangyaring maganda (well, meron naman. kaya lang mga 'little things' lang e), wala din namang nagyaring super panget. so ang masasabi co lang e ang araw na ito ay isa sa mga 'average day'.

dahil exam pa rin, maaga acong nagising. alas'sais aco bumagon kahit halos 1:30 na rin yata aco nakatulog dahil super 'beautification' aco ng aking blog. grabe nga, naaadik na aco sa pagba'blog. ang dame co na ngang na'impluwenxahan e. sila kat at jayson gumawa na ng blog nila. makapang'hikayat pa nga ng iba! hehehe..

nung nagbibihis na aco e bigla na lang uminit ang dugo ng aking nanai na kakadating lang mula sa kaniang work. so super alis na aco mula sa aming bahai dahil baka aco pa ang mapag'initan. at saka kinakabahan din acong mabengga dahil nag'computer nga aco ng bonggang'bongga kaya nag'disappear na aco sa aming haus kahit hindi pa naka'tali ang aking napaka'gandang buhok.

nandun na ang aking mga kamag'aral, syempre, sa skul nang dumating aco. nandun na din si jayson na umabsent kahapon dahil "nakakain ng peanut butter na mai salmonela".

at grabe ha, di aco halos nag'review! mga hanggang kabanat 19 lang yata ang nabasa co sa bahai sa noli. e kabanata 12-22 ang aming pointers e.

pati ang aking science ay wala ding nagyari. sabe co kagabe sa sarili co, magre'review aco habang nagco'computer. naka'status message pa aco sa YM para magtanong kung sinong mai alam ng chemical bonding na yung at makapagpaturo. ayun, wala ding nagyari. tinamad na acong mag'aral.

madali lang naman ang exam namen sa filipino. puro stock knowledge na nga na naman ang aking ginamet dahil konting review lang ang aking ginawa.

nako, yung science co, grabe! madugo! dahil wala acong dalang periodic table sa kadahilanang di co mahanap kung saang lupalop ng aming kabahayan iyon napapunta, ayon nanghiram pa aco kai jayson. at lintek na, tatlo'tatlo pala yung periodic table ni andrade e!

super hirap talaga para sa'kin yung science. actually, madali lang naman siya kung nakinig lang aco. at dahil hindi aco nakinig ay ayun, di co tuloi maintindihan ang exam. pero okay lang, di naman aco nag'sisisi e. di naman aco yung klase ng taong nag'sisisi sa mga bagai na tapos na.

pero nako, di na aco magugulat kung sakaling bumagsak aco sa science sa exam co na yun. pero wag naman sana. kiung saka'sakali kase e ayun lang ang aking tanging bagsak na exam sa school year na ito.

--

EYELINER

nung uwian na, dahil mai dala si apple na eyeliner, e nag'lagai kame ni kat. aco pa. wala lang, trip'trip lang naman namin yun.

sinita na nga kame dati ni sir dahil muka kulto ang mga babae (at lalaki na din, including quitain) dahil kapag green ang eyeliner ng isa, green din ang sa lahat. kapag blue, blue din sa lahat.

this time, dark blue ang dala ni apple. at naglagai nga kame. wala lang, natutuwa lang aco sa sarili co kapag mai eyeliner aco.

nakita co si lea sa main. mai meeting na naman yata sila. edi tinawag co, yayakapin co sana siya, pero napansin ang aking eyeliner. at ayun, pinagalitan na naman aco

sinisita nga aco ng dalawang iyon e, si ayyah at si lea, kapag umiiiral ang aking kalandian

at dahil dun e mejo nasita na naman aco ni lea. dahil nga mai eyeliner na naman aco.

alam co naman na, bilang kaibigan co, e concern din naman sila sa'ken. kaya lang naman kase e, naturingang kaibigan co nga tapos parang gumawa aco nang krimen! e okay lang kung ibang tao ang gumanun sa'ken dahil di naman nila aco kilala e. kaya lang kaibigan co sila e!

anu bang masama sa pag'a-eyeliner?

sabe nila, muka daw acong... emo. ganun.

jusme, lahat ba ng mai bangs/eyeliner e emo!? grabe ah.

saka para kase sa'ken, 'wag mong paki'alaman ang trip ng iba. trip nila yun di ba, kaya wag mong pinapaki'alaman ang mga bagai na gusto nila. pwede kang mag'bigai ng opinion, but not to the point na super papaki'alaman mo sila. respetuhin mo ang gusto nila as long as hindi ka naman nila ginugulo.

pero sadyang mag'kaiba talaga ang mga pananaw ng mga tao.

1 comment:

rookie-chan said...

uie..
tulungan mo ko dito..
grabe..
ndi ako mawunong nito eh.. hehe.. xD
cge papasok na ku..
7:30 na ehh.. =D