isa pang kapansin'pansing pangyayari sa 2008 ay ang pagsulputan ng mga buntis. oo, puro buntis di ba?
mapa'artista, anak ng artista, kapitbahay, kamag'anak, at ang masama pa, mga teenagers na buntis.
at marami pa sa kanila ang di pa kasal, nag'aaral pa lang na nasa college o ang iba pa ay high school. grabe nga ang mga kabataan ngayon e, mga mulat na ang isipan sa katotohanan sa mundo.
may napanood aco isang gabi sa sine totoo mga teenagers na nabuntis. karamihan e 16 years old below. meron pa ngang 12 years old e. grabe, mas bata pa sa'ken. e aco nga di co ma'imagine ang sarili co na buntis at lumulobo ang tiyan. grabe talaga. tsk.
ang dami na talagang mga kabataan ngayon ang nae'engage sa premarital sex. buntis dito, buntis doon. jusme, every 2 weeks nga yata e may nababalitaan acong buntis. yung iba, kakilala co pa at may mga ka'edad co pa. nako. uso na ba ang buntis ngayon at nakiki'uso?
di naman sa nangba'bash aco nga mga taong nae'engage sa premarital sex, lalo na yung mga teenagers. may mga kaibigan acong nagco'confide sa'ken na sinuko na nga nila ang bataan. honestly, okay lang naman sa'kin. di naman masyadong nagbago ang tingin co sa kanila. e kung ganun ang trip nila e, anu bang magagawa co? wala naman acong karapang husgahan sila. e kung san sila masaya, edi go! buhay naman nila yun kaya wala acong karapang mangilam. nag'aadvice lang aco at nasa kanila na kung tatanggapin ba nila yung advice co.
and sa'kin lang, sayang naman di ba? yung iba nag'aaral pa sa college or even sa high school. may mga matatalino pa nga at may future sana. tapos ganun ang nangyari. pano na yung kinabukasan nila?
isa pa, kawawa naman yung mga magulang nila na nag'pakahirap para lang mapag'aral sila. yung iba nga, may mga matataas na grades at may future din sana. tapos ganun yung nangyari.
and worse, panu yung magiging anak nila? anong klaseng buhay ang mangyayari sa mga batang yon? kawawa naman kung hindi magiging maganda ang kinabukasan nila dahil sa mga teenagers ngayon na masyadong ine'explore ang 'miracles of life'.
sabe nga ng nanay co e kung mabubuntis daw aco e sabihen co agad at panindigan co daw. nako. grabe talaga. di co ma'imagine ah! saka panu naman mangyayari yun e wala nga acong boyfriend at never pa acong nagka'boyfriend. nako. nanay co talaga.
saka wala naman acong balak mag'explore ng mga bagay'bagay noh. bata pa kaya aco, marami pa acong gustong gawin sa buhay co at marame pa acong pangarap. at, hindi naman sa against aco sa pre-marital sex, pero di talaga aco para dun e.
hay nako. hayaan na nga sila. trip nila yun kaya wala naman acong magagawa. mas okey na nga yun kaysa ipalaglag naman nila yung nabubuong buhay sa sinapupunan nila noh. pero ano na kayang mangyayari sa kabataan pagdating ng panahon? tsk.
tsche. may balak ba akong maging pulitiko?
sabe nga e, uso na daw talaga ang buntis ngayon. at ano ba naman ang tendency ng mga pinoy na gawin kapag may uso? edi maki'uso din! ^_~
Thursday, January 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment