Monday, January 19, 2009

exam

haay. grabe. exam week na naman. ka'itsurahan na naman ng test co. haha! =D

first day ng exam k=anina. bale ang ite'test e AP, TLE, Computer, PE at Arts.

AP at TLE nga lang ang ni'review co dahil wala naman acong libro sa Computer. wala din acong libro sa MAPEH pero sa tingin co e di din naman aco magre'review dun kahet mai libro pa aco.=

medyo maaga pa yung pasok co dahil nasa bahai si mama, so mai nag'asikaso kai iverie papasok.

di co na dinala yung AP book "co". pagdating co, tinanong co kung anu ba yung pointers sa AP dahil di naman aco sure dun. takte, aralin 12-14 daw pala!? e yung ni'review co e 12 at 13 lang e.

so todo cram naman aco. di co nga matandaan na diniscuss yun e. aah.. ou, diniscuss nga yata kase mai Mansa Musa chuva acong nakita e.

pumasok na kami sa room dahil nandun na si Sir Payawal. grabe nga, super dami ng late e. grabe.

dahil nga monitor aco, nasita aco dun sa attendance. panu kase, lasog'lasog na. e sabi ni sir ayusin co daw. e naman kase, panung di magkakalasog'lasog e pinang'hahampas nung ibang teacher kapag na'iinis sa'men. kawawa na nga yung itsura e.

habang super cram aco sa pagre'review sa AP, binigai na yung reservation letter. sabe co pa nga e, "nako, tapos hold daw yung clearance co."

naisep co, parang.. hmm, parang nakaka-"depress" (di aco maka'isep ng right term e, basta, less sa depress) aco kung maho'hold aco.

at ayun nga, nung aco na, sabi ni sir. "Ivy, hold ang reservation mo." akala co naman binibiro lang aco ni sir kase super ngiti pa siya saka yung boses parang pabiro. ayun pala totoo. under observation lang aco hanggang friday.

pero sa totoo lang, okai lang sa'ken. di aco na'depress or what. basta, okay lang, parang normal lang.

e sabi naman ni sir sa'ken, ang laki daw talaga (talagang with matching yung sinabi niya e. wala lang, feeling co it makes a difference) yung pinag'improve at pinag'bago co, unlike nung last year at nung umpisa daw. kaya lang ngayon, medyo nawawala na naman daw aco sa sarili at bumabalik sa dati. pero okai lang, totoo naman kase talagang super ingay co at minsan ay di mapigilan ang bunganga co. yung bulong co nga, sa totoo lang, rinig ng buong klase. magugulat na lang aco na magtitinginan sa'ken ang mga classmate pati na teacher co kahet yung katabi co lang yung kausap co.

oh well, mai hanggang friday pa aco.

--

okai lang naman yung AP. madali lang siya, in fairness, pero siguro e mai mali'mali pa din aco kase nakalimutan co yung iba e.

yung TLE namen, okay lang din. madali din. haha! =D

grabe nga sila kat e, open book! nakow.. buti di napansin ni sir. e nasa likod co lang yung mga iyon e, e nasa tapat lang aco ng teacher's table.

--

ang daya nga ni jayson e, umabsent! e ang dami cong sasabihen sa kania e: itatanong co yung tungkol sa play namin, yung bayad sa TLE, papa'edit ng picture, chuva. tapos umabsent lang! wala tuloi acong partner in crime.

sabi nga nila nakaka'miss nga daw si jayson (yeeha!). ayun, tapos chika glaore na nung recess. naungkat pa nga yung sa kanila ni le-ann, klung sila daw ba. blah blah.

todo daldal e. kaya ayun, sa awa ng langit, di aco nakapag'review sa computer.

grabe nga yung computer co e, puro stock knowledge lang talaga, as in, yung sagot co dun. di nga kase aco nag'review. buti na lang marami naman sagot co.

tinanong nga ni sir kung madali lang daw. e an'dameng nagsabi ng mahirap daw. e parang sabi pa ni sir ang dali'dali na nga daw nung exam super reklamo pa. pero in fairness, madali nga siya kung tutuusin, lalo na kapag nag'review ka. e aco di naman aco nag'review pero mai sagot aco na medyo tama naman siguro.(yabang!) kaya madali nga lang medyo.

yung PE at Arts namen, grabe, super pattern. test 1. pabaliktad na abc, tapos test 2, true lahat. false pa sila ng false e true sagot co. haha! buti nga, tama daw yata yung sagot co e. nyahaha! =D

--

di muna kame pina'uwi agad dahil dumaan pa si sir baez. sinabe na yung mga ECS at EVS scholar e wag mag'absent ngayong week dahil mai bibisita na naman yatang chuva. ang saya nga e, from 5000, baka maging 7000 na yung scholarship namen next school year. yehey!

tambay muna kame sa school nila kat at apple. e nakita co sila ayyah, nilapitana aco. sila eday din tinawag aco para ayusin yung "last will" ng seniors sa Gatekeeper. waah! kame na yung tagapag'mana!

medyo ka'guilty nga dahil naiwan co sila apple e. e puro star na kasama co. haay. ang hirap talaga ng conflict sa non'star ng star students. nasa non'star aco pero ang mga tinuturing cong totoo cong kaibigan e nasa star halos lahat. pero anong magagawa co, nami'miss co na sila ng sobra e. haay.

ang kulet nga ni ayyah, tinalian aco ng super high na pigtails. napag'usapan kase namin na mag'cosplay sa bakasyon. e naisip co na si Amane Misa ng Deathnote ang i'cosplay. super tuwa nga siya sa itsura co, jusme.

o, eto kung itsura co with my high pigtails: (nasa bahai na aco nito)






dahil tanghali na, kakain na sila. niyayaya nga aco ni ayyah na sumama sa chowtrip e. e ayoko sana dahil uuwi na aco. e pinilit niya aco e, tapos lilibre niya pa co. hahaha! =D pero miss co na talagang makipag'bonding sa kanila. parang yung di co pag'attend sa choir ng isang sabado--na tanging araw lang sa linggo na nakakasama co sila--e napaka'laking bagai.

ayun, todo kulitan sa chowtrip. todo okrayan. as usual, aco na naman target. buti nga di aco masyadong bad trip kaya okay lang naman.

haay.. namimiss co na talaga sila! sana parating ganito, yung pwede cong maka'bonding yung mga kaibigan co.

No comments: