Friday, March 6, 2009

ang brutal na WOTTAILA

wottaila.

simula ng maibento ang larong ito nila blancia e sumaya ang bawat araw sa room namen. nung wednesday lang ito naimbento, pero naadik na kame sa pagbabato ng bote.

history of name:

originally called wotjhyla. derived from Pope John Paul II's real name, Karol Wotjhyla. the late Pope's name was pronounced as woh-jay-la, while we pronounce our game as wot-tay-la. that's why i changed the spelling.

nagtaka kase kami kung pano pino'pronounced yung name ni Pope. kasama kase sa pointers e. so tinanong namen si Sir. at tuwang'tuwa si jayson kung pano ito binibikas kaya't pina'ulit-ulit nia ito.

this is the proper pronounciation:

WOT-tai-la!!


pataas yung WOT. :]

maya'maya, may sign na silang nagawa sa kamay tapos binibigkas nila iyon pagkatapos. the next dei, naimbento ni blancia ang isang laro at sigaw'sigaw sila ng "wottaila!". so ayun na ang tawag dun.

bow.

**

umaga.

nag'alarm aco ng alas'sais dahil kailangang cong pumunta sa simbahan ng mga 7:30 dahil first friday mass. pero super antok pa aco, di na aco makabangon. mag'aala-una na rin aco naka'tulog kagabe kahet walang internet dahil nag'type aco ng mga chuva.

so balik higaan aco. napagpasyahan cong huwag nang umattend ng misa. sheda. wala nga pala ang mga third year dahil pueo honor na wordsworth eung mga iyon. hayaan na. nandun si ate pam at mga second year.

ang sama e. ganian ang bagong president ng Glee Club. okei lang yun, neks year pa naman effective un e. tulog muna aco.

**

sheda. bangag na naman aco pagpasok co sa school. inaantok pa rin aco at di co madilat ng husto ang mga mata co. ilang araw na acong ganito. sheda talaga. >___>

**

TLE time. wala si Mrs. Herrera. buti na lang. di co tapos yung notebook e. e ngayon daw dapat chechekan yun. ;]

naglalaro ng wottaila sila jilliane. nakisali aco. si honey ang kalaro co. nung una e di co pa masalo pero nang lumaon e kaya co na.

whaha! wottaila novice na aco!!

iba't iba naging kalaro co. maya'maya, sumali aco kila edmarie. marami kase sila e. aco, si ed, si dela peña, si amoranto, si balanoyos, at si jayson ang kasali. maya'maya, dumami na yung bote. mga tatlo. at dumami pa ulit.

hala! kung saan na nagkada'tamaan ng bote. at malas mo kapag sabay pang binato ang bote sa'yo dahel hindi mo n malaman kung anong sasambotin mo kaya natural na sumalpok sa'yo.

grabe! ang saya!

maya'maya, sa kadahilanang nakalimutan co na, e binato co si jayson ng malakas. hindi yung batong pataas kundi paderecho kaya nakakasakit yun. ewan co kung tumama, nakalimutan co.

edo binato niya din aco. di co alam kung sadya o naduling lang talaga siya, pero sa pader tumama.

SPLASH!

ayun, wasak ang bote. nag'shower tuloi kame ng wala sa oras. lalo na si t-pain, basang'basa. shampoo at sabon na nga lang ang kulang e. ;]

**

wala. basang'basa na kami sa pawis. ang ineeeeet!! grabe. nakaka'basaan na ng kili'kili! hahaha! XD

okei lang yung. at least wala kameng mga putok, anghit, o baktol to the 10th power. haha! ops..

pumunta aco sa banio para mag'ayos ng sarili. saka mainet e, kaya naghubad muna aco ng blouse habang nagpapaypay. pumasok din ang iba cong kaklaseng babae. ni'lock na lang namen ang pinto.

chika galore nga kame e. mga kuro'kuro tungkol sa mga amoi galing sa kili'kili nina "pare" at "mare", tungkol sa farewell party na gagawing swimming, tungkol sa wottaila. katuwa. ;]

**

religion. di pumasok si sir cortez dahil pumunta sila ng home for the aged. so pano ba yan? nagyaya uli aco ng wottaila!

pumayag naman si dela pe. kumuha pa aco ng bote sa labas ng bintana. tumawid pa aco dun sa isang parang semento dahil nandun yung mga bote.

sheda nga e, sinaraduhan pa nila aco. tapos tinutulak'tulak pa cu. pag aco nalalaglag, bubong ng central bagsak co. e kala naman nila malalaglag aco. duh! mai harang kaya yun!

nag'laro na kame. inaagaw'agaw lang nung iba para tapos iba na yung magkapartner. maya'maya, si jayson na katabi co.

at ang brutal na version ng wottaila ang paglalaro naman. super hagis e. natatamaan na nga yung bintana. grabe kaya, kung saan'saan na kami natatamaan. todo ilag aco. tsk, matuto acong magsayaw nito e.

salpok dito, sapol dun. tumigil lang kame kase naiinis na sila edmarie.

nag'CR ulit aco para mag'ayos ng sarili. pagbalik co, batuhan ulit.

last na sanang pagbato co. pinulot co yung bote. todo effort aco para itaas at ibato e, ayun pala butas! basa ang teacher's table, pati ang attendance. lawa din sa sahig.

putakte! padating na si ms. macasaddu! super linis na kami ng natapong tubig lalo na aco. ginawa na naming basahan yung notebook at magazine na naiwan ng 4th year (sama). at dahel di co makita ang mop, yung walis ang pinang'mop co. haha! ;)

"natapon yung tubig ah! natapon yung tubig!" sabe co sa kanila para pag nagtanong si ms. e di madiskubreng dahil sa wottaila yung dahilan kung baket mukang palengke ang room.

**

math. nagche'check ng seatwork. pagkatpos naman nun e sinabi ni ms. ang requirements para pirmahan ang clearance.

"ivy, pahiram ng pamaypay ko." sabi ni jayson maya'maya.

"ayoko nga." biro co.

pero iaabot co rin sa kaniya. mga dalawang dipa rin ang layo co sa kania. yung facial expression ng muka co e kung ibabato co. eh inayos niya naman yung kamay niya para sambutin. tapos pinosisyon co naman yung kamay co na katulad sa brutal na wottaila. yung masakit pag nakatama. pinausog co pa si honeylou dahel katabi nia. pinausog din niya nung ayaw umusog.

at hinagis co sa kaniya yung pamaymay. BOOM! sapul sa muka. bandang ilong. aww. sakit nun. napamura pa siya.

napikon yata. =D binato aco ng notebook, dalawa. di naman maxadong masakit. aco pa, e pang'buwaya balat co. natatawa pa nga aco e.

kinuha co yung notebook at akmang ibabato co sa'kania.

"sige! bato mo, ibabato co 'tong bag co sa'yo!"


sheda. galit yata si jayson. pero parang hindi. pero binato co pa rin. sapul siya sa braso.

at padabog na nilagay niya ang notebook sa mesa. nagmura pa ng pagkalutong'lutong.

"tangina!"

wow. galit nga yata.

"galit ka na?"

di sumagot. mukang galit na.

di co na matandaan kung nag'sori ba aco. pangalwang bses co pa lang nakitang naggalit si jayson ng hindi pabiro. at sakin pa. pero kay sama talaga ng ugali co, imbes na ma'guilty, natatawa'tawa pa aco. nakakatuwa kase yung reaction nia e.

di co na muna siya pinansin dahil mukang di rin naman niya aco papansinin e. saka isa pa, nanghihina aco sa pagod dahil dun sa unang brutal na wottaila (yung bote talaga ah). kaya natulog muna aco. luckily, di aco napansin ni ms. macasaddu.

maya'maya, uwian na. grabe, super antok na aco. nanghiram pa aco nga mga notebook dahil wala acong sulat sa LAHAT ng subjects. nauna na rin si jayson. mukang galit nga.

sila apple tuloi kasabay co pagbaba. aco lang tuloi ang umabot dun sa mai kahoy sa parang tunnel papunta sa main, e kadalsan kase si jayson din umaabot dun.

**

naglalakad na aco sa mai corridor ng makita co si gerard sa baba. kinayawan co xa. pinababa niya aco. lagot. di co gusto ang expression ng muka niya.

ang inarangkadahan aco ng bunganga paglapit co.

"hoy ikaw ah! mai atraso ka! di ka pumunta sa misa kanina, nagkalat kami! puro 2nd year lang kami! nagalit pa si father samen! ... wala si ate pam! kami lang! ... ikaw pa nga daw nag'sabe kai eday na mai misa e."


nagdahilan na lang aco na hindi co alam na tuloi nga yung misa. tine'teks nia pa nga daw aco. e wala naman acong celfon.

sabe co na lang di na mauuulit. at saka nagsabi na aco na male'leit acong pumunta sa choir bukas dahil mai practice kami sa play, pero ang totoo e makiki'bertdei lang aco kai giselle.

ang sama co talaga. :]

No comments: