Wednesday, March 4, 2009

WOTJHYLA!

naging masaya rin naman ang araw co. marami din kasing nakakatuwang at kasiya'siyang pangyayari e.

nagising aco dahil sa tunog ng alarm clock. alas'sais ang oras. pero dahil inaantok pa aco dahil anung oras na aco nakatulog kaka'computer, pinatay co lang ito at natulog ulit. so, balik higaan aco. the result? i woke up an hour after!

sheda, male'leyt na aco. 7:20 ang time aco. pero di pa rin aco nagmadali. gaga talaga aco.

7:30 na aco naka'pasok. shemai nga e, nandun na si sir. pero marami pa din naman ang wala. kala co nga papagalitan aco ni sir pero hindi naman.

upo agad aco dahil mejo nahilo aco at sumakit ang ulo co. sheda. siguro dahil kulang sa tulog ang lola nio. buti na lang nawala agad.

nung lumabas si quitain, nag'paalam acong bibili ng clearance folder. pinayagan naman aco. pero ang haba ng pila sa cashier dahil bayaran nga pala ng tuition ngayon, kaya dere'derecho na lang aco sa labas para magpa'xerox ng slumnote co. at pagkatapos ay ipinamigay co na.

kakatuwa nga kase dapat magpa'practice kami nun ng noli. e naging busy na sila sa pag'fill-up nun. pati si sir binigyan co din. whaha. nakakatuwa.

nakaka'tuwa ngang basahin yung mga pinagsasagot nila dun e. pero na'antig talaga aco dun sa nilagai ni mercado sa dedication.

share:

IVY, alam ko mabait ka, matulungin, matalino. Kasi alam ko talaga na lahat sa'yo sumusoporta. Alam ko nandyan naman sa tabi mo mga kaibigan mo. At alam ko Ivy tiwala ako sa iyo sa lahat ng ginagawa mo tama para sa akin. May napapasaya kang tao, at kahit malakas at grabe ang tawa mo. Para sa akin ikaw ang bestfriend ko. At thank you pala Ivy na tinutulungan mo ako noon pa.


natuwa aco sa mga sinabi nia. at mejo naawa din. kase, kahet pala ginaganun co si mercado, kahet hinuhuthutan co ng pera minsan, kahet di co pinapansin, kahet invisible siya sa akin e naa'appreciate din nia yung maliit na tulong na nagagawa co paminsan'minsan. lalo na nung sabihen niang bestfriend na daw aco. kase di ba, wala naman xang kaibigan e. iniitchapwera lang siya, pero para sa kanya e mabaet aco. (owwws)

maya'maya, nag'praktis na din kami sa noli. aco nga si sisa e. bagay naman di ba? haha.

di na bumalik si sir payawal sa room nung umalis siya. di na rin pumasok si mr. bautista. kaya nagbasa na lang aco ng pocketbook habang wala pa yung scene co. hanggang nung nag'practice kami sa filipino time sa court dahil wala kaming room. at natapos co siya nung english time. oha! bongga! less than three hours ang isang pocketbook!

**

halos hindi na rin kami nag'klase. nung science namen e kasama aco sa mga hindi pumunta sa lab kahet sinabi ni ms. noleal at 15-minute late pa yata silang pumunta. nag'kwentuhan lang kami sa room e.

kala nga namen papagalitan kame ni sir payawal kase sumilip siya sa room nung mejo patapos na yung time ng science. edi nagtaka kase konti lang kami. sabi namin nasa lab pa yung iba, na siya namang tunay. siguro akala ni sir nauna kaming umakyat kase di na nagtanong.

**

di pumasok si ms. noleal sa room nung second period nia sa'men. pati si mr. cortez.

nakaupo aco sa mai malapit sa bintana. maya'maya, naulingan co na lang nagsisi'sigaw na naman sila ng "wotjhyla!". ayun, mai naimbento na naman palang bagong kalokohan ang aking magagaling na kaklase.

ANO BA ANG WOTJHYLA?

ito ay isang laro kung saan ibabato mo ang isang bote ng mineral water na mai tubig sa iyong kalaban at kailangan masambot niya ito. kapag di niya ito na'salo, talo siya at mai puntos at nagbato.

matapos ang ilang sandali, na'impove ang laro. mai 'net' na: upuan na hinelera sa gitna at pinatungan pa sa itaas ng isa pa. dapat hindi bababa sa upuan na iyon ang bote o lumagpas sa gilid nun dahil outside na.

nagkaroon na rin ng ibang rules. at ng panel of judges na binubuo ni jayson (jaking) at amil (jakwin). naging sportscaster din aco.

parang mga tanga nga lang e. nakalimutan na ang scoring nag lumaon. at tuwing natatapos ang isang 'set', sumisigaw kame ng wotjhyla!

mai tournament nga daw bukas e. at nung kinuwento namen kai ms. macasaddu, sabi namin sa kania e finals sa friday. sa time nia.

adik talaga ang mga kaklase co. lakas trip!

**

kahapon.

di aco nakapag'post kahapon gayung unforgettable din naman ang araw na iyon kaya ngayon co na lang ilalagay.

umaga. filipino time. relaks na relaks aco sa aking upuan habang nagbabasa ng isang libro na hinram co kai honeylou dahil wala naman masyadong ginagawa nag biglang sabihen ni sir na mai nag'eexcuse sa'ken.

meeting daw ng glee club.

anu kayang pagmi'meetingan? paglabas co e bumulaga ang mga ng aking ka'choir. habang naglalakad e sinabe nilang election daw ngayun ng officers.

election na? wow. bongga. maaga pa naman para dun, pero Glee Club naman talaga ang pianaka'maagang maghalal ng officers sa lahat ng clubs e. hindi pa tapos ang school year e mai ganian na dahil mai kanta tuwing bakasyon.

so punta kami sa stage. katabi co si jayjay at ayyah. tuloy pa rin aco sa pagbabasa ng libro.

habang 'naghahanda', narinig cong sinabi ni remo, "si ivy kjfhgdkjhfk.

hindi malinaw kung anong meron aco e. parang, "si ivy president ah." or something like that.

"hoy, anong ivy!?" tanong co. wala naman sila. sheda.

okei mukang pagkakaisahan pa aco ah.

at tama nga. ninominate aco ni jayjay. close na nga daw e. ang iba pang na'nominate ay si ayyah at arsie.

grabe, ang gulo nga e. "WHOOOOO!" nag-"WHOOOOO!" at palakpakan ng palakpakan.

kalandian pa nga e, with matching speech pa.

at ayun, yung nag'botohan. aco nga nanalo. adik, parang bonding moment lang kase ang gulo.

nagbotohan pa. eto nga ang line-up:

PRESIDENT: Ivy Bernadette Nobleza (chorva!)
VP For Academic Affairs: Arsie Mauricio
VP For Activities: Remo Manikan
VP For Affairs: Adrian Espiritu
SECRETARY: Abigail Rodil
TREASURER: Jessica Tapia
REP. 1st year: wala pa
REP. 2nd year: Ponce
REP. 3rd year: Gerard Mendioro
REP. 4th year: Chrsitine Alde


katuwa nga e. eto na yata ang pinaka'magulo at pinaka'masayang election na naranasan co. at dapat nga di na nagbotohan dahil lahat ng mga nanalong iyan, lahat ang boto e.

pagkatapos e pinag'usapan ang tungkol sa swimming. sa april 5. sa pacita.

katuwa. president aco. adik! ;]

**

di co muna masyadong pinapangalandakan na president aco ng choir. wala lang. di co lang feel ipagsigawan. nagulat na nga lang aco kanina na alam ni mikmik at russel.

sana talaga maayos ang choir neks year. aba. aco na ang president e! ;]

No comments: