Monday, March 16, 2009

Still Depressed

Damn. Bakit ba ganito ang mga pangyayari sa buhay co? An'dame na namang mga bagay na nakaka'inis. An'dame na namang bagay na nangyayari sa'ken na di maganda. Sheesh..

Okay. So I have problem with my school and with my family. Sometimes, I wish I could just disappear, or escape in this kind of situation for just a day. Pero syempre, imposible naman yun di ba? At wala naman acong magagwa kundi harapin ang lahat ng problema.

So, di pa rin kami nagpapansinan ni Jayson. Ayun, sabe niya di naman daw siya galit sa'kin. Kaya lang nararamdaman co naman e. Ang awkward nga e. Kasi, magkatabi lang ang upuan namin, nasa iisang room kami, pero di kami nag'uusap. Nakaka'asiwa. Jeez.

Exam day ngayon. Magkatabi na naman ang upuan namin. Ilang inches lang yata yung pagitan namin pero di man lang kami nag'papansinan. Sa totoo lang, dapat talaga ita'try co siyang kausapin kanina. Saka nanghingi din aco ng sign na kapag dala niya yung pamaypay na lime green na puro sulat ng pangalan at mga codenames co (na siya rin ibinato co sa kanya kaya kame nag'away), e kakausapin co siya. Dala niya nga yung pamaypay. Kaya lang sabi ni Apple sa'ken na hindi naman daw pinanuod ni Jayson yung DVD ng Saw na ang tagal nilang kinulit'kulit sa'ken. Inagaw niya pa nga 'yon kay Apple kase gusto niyang mapanuod yun e. Tapos wala naman daw siyang pinanuod kahit isa.

Na'discourage tuloy aco. Napatunayan cong galit pala talaga siya. Grabe, ang lalim palang magdala ng sama ng loob ng taong yun. Naiinis aco sa kaniya, naiinis din aco sa sarili co. Psh.

Gustong'gusto co na nga siyang kausapin e. Kaya lang sasabihen na naman nun sa'ken, "Di nga ako galit." kahet kitang'kita mo naman yung coldness sa mukha niya.

Ganun na lang ba iyon? Ganun na lang ba basta'basta mawawala yung pagkakakaibigan namen na ilang taon din in'establish? Ngayon lang ngang third year kame naging ganito ka'close e. Tapos ganun na lang mawawala yun?

'Pag naiisip co yung conflict namen, gusto co na talagang umiyak.

**

Isa pa itong iringan namen ng nanai co. Ayun, nag'away na naman kame nung weekend. Parati naman e. Kaya minsan, ayoko ring nandito si Mama sa bahay. Pa'no kase, parati na lang acong sinesermunan ng walang kabagay'bagay.

Binura nga niya yung account co sa computer. So nabura rin lahat ng files co. Buti yung mga word documents e nabura, buti na lang mai backup sa flash drive. Kaya lang sayang yung mga pictures co na hindi co pa naa'upload sa Friendster o sa Multiply. Pero di bale na yun, di co na rin masyadong pinaghihinayangan. Kaya lang ang nakaka'asar e yung pagbura niya dun sa account co. Bakit niya kailangang burahin di ba? Account tuloi ng kapatid co ang gamit co ngayon.

Tapos sabi pa, wala daw acong sasamahang swimming. Mai swimming kase kame sa Glee Club at sa section namen e. Nagbayad na nga aco ng P70.00 para makapag'down. Sayang naman kung hindi aco sasama.

Basta, pipilitin co talagang sumama. Aco nga ang super nagpilit at nangulit sa mga kaklase cong sumama e, tapos aco pa ang di sasama.

Marami pa kaming pinag'awayan ni mama, di co na lang ilalahad dito yung iba. Basta, akin na lang yun.

Minsan nga, parang mas pinanahalagahan niya pa yung ibang tao kaysa sa'kin e. Alam co naman yun. Nararamdaman co naman e. Saka di lang naman aco nakakapuna nun e. Tapos ang dami-dami niya pang expectations sa'kin. E ano bang magagawa co kung hanggang doon lang ang kaya cong gawin, alangang ipagpilitan co pa. Buti pa yung mga simpleng nagagawa nung ibang tao e nakikita niya, pero kahet anong gawin co e niya naman napapansin. Isn't it unfair?

I only wish to be happy, that's all. Pero bakit ba parang mailap ang kasiyahan sa'kin? If only I could disappear. Sana mawala muna aco kahit sandali, para mapansin naman ng mga tao kung ano ang ginagawa co para sa kanila.

If Death visits me at this very moment, I would gladly welcome him. I'm already prepared, and it's better to die when you are prepared than clinging on life when Death comes on you way.

No comments: