Wednesday, June 10, 2009

Classroom Officers Election

June 9, 2009; Tuesday

Sheda, ba't ba ang aga cong pumasok? Isip-isip co nang makarating aco sa school.

Pa'no ba naman kasi, nakalimutan cong wala nga pala acong ka'close sa section co. Kaya ayan, dun muna aco nag'stay sa may bandang gate, naghahanap ng kakilala para may maka'chikahan naman at di aco mag'mukang tanga. XD

Nasa may bulletin ulit aco, pinagkakatitigan yung enrollment lists, baka sakaling magbago 'yon at malipat aco ng section. Pero wa epek ang pagtitig co.

Nakita co sila Andrade at iba pang Stevenson. Super chika nga kami e. At nung nag'bell na, umakyat na kami ni Jayson sa room namen. Ayun pala bababa din dahil magfo'formation sa quadrangle. Siguro may announcement.

Kaya ayokong mapunta sa 'last' section e, nasa dulo kami ng line-up. Sheda. And as expected, nasa unahan aco ng pila namin. Parati naman e.

Si Sir Diola ang nagsalita. Maghihigpit na nga daw. Parang hindi naman bluff lang yun para matakot kami--loko-loko kasi talaga ang batch namin e--kasi nafi'feel mo rin naman ang paghihigpit sa atmosphere. Nagbigay din siya ng paalala tungkol sa pagka'college namin; sheda, August nga yung mga examinations. Sheesh, kailangan nang mag-isip ng course.

"Kung hindi ka nag'review [sa review center], 'wag mo nang pangaraping mag'UPCAT." Sabi ba naman. Sayang daw kasi pera, di ka naman papasa. Ouch naman.

Pagkatapos ni Sir Diola, si Sir Cejero naman ang nagsalita. Mostly tungkol sa buhok yung pinag-usapan--proper hair cut and proper haircolor. Paulit-ulit cong sinabi sa sarili co na magpapa'itim na aco ng buhok.

Di naman ganun ka'halata yung kulay ng buhok co, kapag tinapatan lang ng araw. Pwede pa nga acong maka'lusot e, kaya lang papa-itiman co pa rin. Kasi, syempre SSG officer aco. Nakakahiya naman kung muka acong balasubas. LOL.

Speaking of SSG, hindi pa rin aco 'lumalantad'. Nung tinanong nga kung sino yung mga SSG officers, di aco nag'taas ng kamay e. Kasi, ayun nga, kahit nandun na yung maganda cong pagmumuka sa bulletin board, marami pa ring mga estudyanteng hindi pa nakaka'alam na aco na ang pinalit kay Angel. I'm sure maraming mga bulungan at pag-taas ng kilay sa likod co. Tsk.

Pagkatapos ng announcement, in'inspect naman yung mga buhok namin; yung boys sa mga fourth year advisers na lalaki, at dun naman sa mga adviser na babae yung girls. Grabe nga, super okray ni Sir Luna yung mga lalaki.

"O bakit ganian ang buhok mo? Australiano ka ba?" Narinig cong sabi nia isang beses.

Nung turn na namin para tingnan ang buhok, hindi aco nasita. Naglakad lang aco, tapos yun na. Ewan co kung dahil hindi aco napansin o hindi naman ganun kahalata yung buhok co o dahil yung nasa unahan cong babae e tadtad ng hikaw sa tenga at siya ang pinutakte. Nevertheless, maswerte pa rin aco. :)

Pagdating namin sa room, aayusin na daw ang seating arrangement. Sheda, ang aga naman. Naiilang pa naman aco sa mga kaklase co. Alternate nga daw, boys and girls. Sana naman matino yung katabi co.

Luckily, si Roldan ang katabi co. Tapos si Louis nasa harap co lang. Nasa fourth row aco, alphabetical kase e. Ang panget nga, nasa may dulo aco, sa tabi ng bintana. Pero okay na rin, at least 'pag bored na aco at tinatamad nang makinig sa teacher, pwede mag'sight-seeing na lang aco sa plaza. Hahaha.

Nag'election na kami. Dapat nga may partido pa e. Super sabi naman aco na nomination na lang. Naku, ang corny e.

Ayun, si Jayson ang ninominate na president. At ninominate naman niya aco! As if naman manalo aco sa kanya. Si Sencio naman ang Bero ng section namin; siya kasi yung parating tinuturo. Nino'nominate nga siya parati e, at parang wala lang din kasi siya lang yung kalaban ng isa pang nanonominate e.

Sa huli, eto ang resulta ng walang kakwenta-kwenta naming eleksiyon:

President: Jayson Corpuz
Vice-President: Louis Loyola
Secretary: Eirish Plata
Treasurer: Karen May Rufo
Auditor: Romel Sencio
P.R.O.: Ivy Bernadette Nobleza
Sgt. @ Arms: Bedia & Quial
Muse: Geli Enero
Escort: Mikko Casacop
Monitor: Glor

Haha. Nagkaroon pa aco ng posisyon! Yung wala pang ginagawa! XD Pero sa totoo lang, as SSG officer, dapat mataas ang pwesto mo sa klase nio. Parang dapat President ka. Feeling co lang 'pressured' aco dahil dun nga, sila Eday talagang parang sinasabi na ganun. E aco naman kuntento na acong maging ordinaryong mag'aaral, di naman aco naghahangad ng posisyon sa klase. Hay.. Ang hirap din ng nag'eexpect sa'yon ang mga tao. (Gumaganun o!)

Diniscuss lang namin yung handbook. Nung recess, kami ni Ayyah yung magkasama, pa'no kasi sabi co kay Jayson sa extension muna kami ayaw niya naman. Ang corny naman kasi e, yung star lang ang fourth year na nasa extension, lalo tuloy naging isolated. Tsk.

Pumunta na aco sa main para sana pumasok na sa room co, pero naharang naman aco nila Kathy. Ayun, magkakasama kami at nagchikahan. Si Balanoshi nga pala, nagpagupit na ng buhok, pero trim lang naman. Kaya lang may kasunduan nga kami nung third year na kung anong gagawin sa buhok ng isa sa'min (straight/gupit), e gagawin din ng isa.

Ayan, dapat tuloy magpagupit na rin aco. Mahaba na nga buhok co, halos hanggang bewang na. Puro split ends naman yung dulo! Haha. Kanina ngang nagdi'discuss si Sir dela Torre, nakakalikot aco ng mga split ends co e. XD

Ang daya nga e, di naman nagpakulay si Balanoyos nung nagpa'kulay aco. Pero magpapagupit na rin aco.

Nakakatuwa nga kasi kahit hindi na kami magka'kaklase, nandun pa rin yung bonding ng Stevenson. Hindi kasi ganito nung second year e; halos nagkalimutan na ang mga magka'kaklase. Pero ngayon, eto, magchichikahan pa rin kami, nagbo'bonding, nagpapasinan. Nakakatuwa. Sana hindi ito mawala. :)

Ayun, dahil sa kakachika co, nandun na si Sir dela Torre sa room namin nung pagpunta co. Buti na lang di aco nag'iisa.

At 'yun.. pinagpatuloy ang pagdi'discuss ng handbook. Nung tinamad na siguro, pinabayaan na lang kami. Haay.. Nakaka'antok. At ayun, nakatungo na naman aco at natutulog. XD

Nung uwian, kasama co si Lea. Tambay daw kasi muna siya sa school, e wala naman siyang kasama. At aco naman, hinihintay sila Eday para i'confirm kung tuloy yung workshop mamaya.

Tinanong nga ni Charlson kung nagtaas aco ng kamay nung tinanong kung sinong SSG officers, sabi co hindi. E sila daw nagtaas. E nahiya naman kasi aco, alangang magtaas aco ng bonggang-bongga. Tsk, nakaka'paranoid maging SSG, nakaka'pressure. Lalo na't PRO "lang" aco. =/

Tuloy nga daw yung workshop sabi ni Eday. Umuwi na rin aco at nag'lunch, tapos bumalik na rin sa school.

Ang konti nga nila sa stage. Akala co naman naghihintay pa ng ibang staffers, ayun pala di tuloy ang workshop. Sa Thursday na lang daw ng hapon yung exam para malaman kung anong magiging postion mo sa Gatekeeper--ira'rambol na kasi ngayon--tapos sa Friday yung seminar. Lilipat talaga aco sa Feature Writing. Kaya lang naisip co, baka kapag nag'feature aco e hindi na aco makasama sa presscon, e ang dami nang feature writer e. Ah, bahala na.

Pumunta kami sa room ng St. Basil. Tina'try co ngang sagutan yung reviewer ni Ayyah sa Math na pinahiram daw yata ni Kriselle. Grabe, dugo ilong co. Wala acong maitindihan kahit isa! Di co nga alam yung mga signs dun e. Sheda.. Wala na, di talaga aco papasa sa UP! Haha! Kapal kasi ng muka cong mangarap e!

Ayun, si Eday, ina'atake na naman ng sakit niya! Nagsasasayaw na naman na hindi mo alam kung epileptic ba o may sayad at may deperensya sa pag-iisip o nasobrahan sa talino o talagang malandi lang siya. Woot! Kala mo sinong serious pero kapag nakita mo, hala ka! Bigla na lang magsasasayaw! Haha! Tawa nga kami ng tawa e! XDDDD

Umuwi na rin kami, hanggang 4pm pa naman paalam co sa nanay co pero mag-aalas dos pa lang. Bumili na lang aco ng pangkulay ng buhok! Waha! Itim na siya! Pero yung kamay co naman, itim din! Di co matanggal yung matsa nung pangkulay sa kamay co. Muka tuloy acong mekaniko. Sheesh, pa'no kaya 'to bukas?


Oha, purong Tagalog ang wika ng post na ito o! Balik Tagalog na naman siguro aco. =D

No comments: