Thursday, June 11, 2009

Pressured

Ngayong araw, nag-isip kaming mga officers kung pa'no ide-decorate yung room namen. Sheda, wala na naman ngang ginagawa e. Ang ingay pa nung mga classmates co.

Nag-isip kami ng mga offences sa lalagyan ng fine para hindi na magka'class fund. Ang corny kasi e, class fund pa. At dahil wala namang ginagawa ang P.R.O., aco ang magbebenta ng papel at mapupunta yung pera sa fund. Uso kasi hingian sa'min ng papel, kawawa tuloy yung nagdadala kasi buong klase ang nahingi sa kanya. Si Honey supplier ng Stevenson nun e. XD

Recess, sabay ulit kami ni Jayson. Sumabay din sa'min si Lea. Ang daming tao sa canteen, sheda. Naiirita talaga aco sa uniform ng first year. 'Kala mo di taga Liceo de San Pedro dahil naka-long sleeves. Tapos ang init pang tingnan.

Dahil nga marami pang tao sa canteen, tumambay muna kami sa faculty. Adik si Lea, lahat ng tao sinasabihang umattend sa drills something ng mga CAT bukas. Nung kumonti na yung mga tao sa canteen, bumili na kami.

Wala pa si Sir dela Torre 'pag balik namin sa room kaya tambay muna sa labas. At nung bumalik na, wala na kami masyadong ginawa.

Nung uwian, nandun si Ayyah sa labas ng room namin. Nagkwentuhan sila nila Jayson at Jorvina ng tungkol sa KHR. Di naman aco maka'relate kasi hanggang episode 3 pa lang yata yung napanood co. Kaya ni-try co na lang sagutan yung English reviewer ni Ayyah for UPCAT.

Bumaba na kami ni Ayyah sa locker area. Pumunta muna sila ni Lea sa extension habang aco e nagsasagot. Bumaba si Sir Bautista mula sa Music room, almuni pa nga yata yung kumausap sa kanya.

Nung paalis na siya, maya-maya sabi sa'kin.

"Ikaw ba president? (I nodded.) Ikaw ang president? O bakit wala kang ginagawa? Umpisa na nga school year, di ka man lang nakikipag-coordinate sa'kin. O sa Tuesday may misa, kayong tatlo na lang!"

Tumango lang aco. Umalis na si Sir, habang aco naman ay tigalgal.

Ha? Isip-isip co. Super shocked aco. Ang sarcastic ng pagsasalita niya.

Parang ang tono ng pagsasalita niya e wala acong inaatupag sa Glee Club. Na wala acong ka'kwenta-kwentang President. Na wala acong silbi.

Ganun ba talaga aco? Dammit.

Kulang pa ba yung in'exert cong effort sa nakaraang bakasyon na hindi naman dapat aco ang namamahala sa Glee Club dahil sa June pa aco effective. Kulang pa ba yung mga ginawa cong pag-attend, pagkanta kahit halos lilima lang kami, pagpupumilit na ayusin ang choir? Kulang pa ba lahat ng ginawa co?

Oo, siguro nga maliliit lang na bagay 'yon, pero nakagawa din naman aco ng pagbabago kahit papano, di ba? Ngayon nga lang kami nag'salmo e.

Shit.

Inis na inis aco sa sarili co. Parati na lang acong failure. Sa Gatekeeper, wala acong kwenta. Sa SSG, aco ang weakest link. Tapos dito, dito sa tanging field na nag-eexcel aco, sa organization na minahal co, sa club na pinagsilbihan co ng ilang taon, PALPAK pa rin aco?

F*ck! Failure ka, Ivy! Failure! Wala kang kwenta! Wala kang silbi!

Di na nawala yun sa isip co. Sinubukan cong ipagpatuloy sagutan yung reviewer, pero cong naiisip ang bagay na 'yon. Ang tanga co. Ang loser co.

At nang bumalik sila Ayyah, di co na naiwasang maiyak.

Ang loser co talaga.

Okay lang naman sana sa'kin e. Open naman aco sa critisms. Aco yung klase ng taong bihirang ma-offend. Okay, ganun yung tingin nila sa'kin. Kaya lang ang sakit kasi pinipilit co naman umayos, pinipilit co namang may ma-contribute sa school co, tapos kahit ano palang gawin co hindi maa'appreciate. O sige, siguro nga wala acong ginawa. AMPNESS. Wala acong kwenta.

Dumating sila Eday kaya naman tumungo aco. E eto namang si Charlson, sinabing umiyak aco. Tanong naman sila kung bakit aco umiyak.

"Wala. Kasi hindi niya masagutan yung mga tanong." Palusot ni Ayyah. Toinks.

But I felt better later. I should feel better. Di ba sanay na aco sa ganito? Hindi na bago ang mga bagay na ito.

Magla-lunch na sila kaya naman umuwi na aco.

--

Okay na aco pagbalik co sa school nang 1:15. Erased na ang mga bagay na 'yon. Dapat lang.

Naka-pink blouse aco at brown tokong. E kasi naglalaba na sa bahay kaya sinabay co na yung ginamit cong uniform.

"San ka magtuturo?" Tanong ni Cheche sa'kin ng nakita aco.

LOL. Muka ba acong teacher?

Nasa room daw sila ng St. Basil (4th year star) kaya naman pumunta na aco dun. Nung nasa tunnel na acom kasunod co na si Sir Luna. Super madali aco ng lakad e, nag'eecho pa yung maingay na tunog ng high-heeled sandals co. =>

At ayun, naasar acong muka daw acong teacher. Haha.

Di daw pala tuloy yung grammar test ngayon. Gagawa ng article. Sheda. Basta, magsu-switch talaga aco sa Feauture Writing. Ayoko na sa Sports, wala nang nangyari sa'kin dun.

Umalis na rin si Sir Luna kaya labo-labo na. Kanina kasi kulang na lang di kami huminga. Haha. Pero kahit na ganun naman si Sir, mas gusto co pa rin siyang maging English teacher. Sayang nga lang at hindi.

Matapos ang humigit-kumulang tatlong oras, natapos din naman ang mga articles. Dadalin daw yun kay Ms. Navia sa Los BaƱos at siya ang pipili kung anong magiging posisyon namin.

Pumunta na kami sa Main at hinintay si Sir Luna. Nag'chikahan at nagtawanan. Lumabas na kami pero hinintay pa namin si Ms. Rasdas kaya 6:00 na aco nakauwi. Nung pag-uwi co, nasabi co na kay mama yung tungkol sa leadership training sa Baguio sa September. Yes! Okay lang sa kanya!

Kahit naman may hindi magandang pangyayari sa araw na 'to, okay na rin aco. Okay lang 'yun. Papatunayan co sa kanila na may magagawa din aco. :)

1 comment:

Anonymous said...

Sanayan lang 'yan :]

Once you get used to everything, it won't hurt anymore.

Cabel