Showing posts with label emote. Show all posts
Showing posts with label emote. Show all posts

Wednesday, June 17, 2009

Club Elections

Maaga na naman acong pumasok dahil novena. Haay, sana tuloy-tuloy na ang maaga cong pagpasok.

Aco pa lang at si Eirish ang tao sa room. Ginawa co na lang yung ibang assignment sa Filipino. Maya-maya e nagbabaan na, St. Gregory ang nag-lead ngayon.

Pagkatapos ng novena, nagsermon si Sir Diola dahil may natanggal na soap dispenser (yung parang sa mall; sosyalen kami nu). Buti na lang umulan kaya alisan kami sa quadrangle para sumilong.

Club elections nga pala ngayon. Hmm.. ano kayang club na sasalihan co? So may SSG na aco at The Gatekeeper (school organ), pati Glee Club na aco ang may hawak. Member din aco English, Science, at Computer club pero member lang talaga. Mamaya pipilitin cong makapasok sa limang kukunin na 'representative' ng section namin sa elections.

Wala pa si Sir dela Torre nang tanungin kung sino yung former members ng English club. Akala co naman mag-eelection na kaya nagtaas aco ng kamay. Nung first year pa kasi aco member pero hindi naman aco nag-participate sa elections last year. Hayaan mo na.

Pumunta kami kay Mrs. Lopena. Ayun, inutusan kaming puntahan yung mga sections na handle niya para magtanong ng mga interested na sumali sa Lingua Franca. Sheda, sana pala di na lang aco sumama. =/

Una naming pinuntahan yung Fourth Year St thomas Aquinas. Ampness, si Dianne lang yung sumali. Sheda, kaya ayokong kausap ang fourth year sa mga ganito e.

Sinunod namin yung mga first year, then yung iba pang fourth year.

Grabe, konti lang yung nagsisalihan. Pa'no ba naman kasi, ang naiisip ng mga estudyante kapag English Club, kailangang mag-English ng bonggang-bongga. Syempre sasabihin nosebleed. Ang mahirap kasi sa mga estudyante ngayon, na-stereotyped na na mahirap magsalita ng English e. E hindi naman tina-try.

Pagkatapos naming magtanong ng mga gustong maging members, bumalik kami kay Mrs. Lopena. At sabi niya, ibigay namin kay Ms. padilla yung papel. So pumunta kami sa faculty. Pagkatapos sabi naman ni Ms. Padilla sabihin kay Sir Luna na kunin yung list ng members ng other sections.

Pumunta kami sa St. Gregory. Todo discuss si Sir Luna. Ampness, bakit ba naman kasi hindi siya ang naging teacher co sa English e?

Nagtuturuan pa kami kung sinong magsasabi. Sa huli, aco ang nag'excuse.

"Sir, excuse po."

He gestured for us to wait. Ang nung humarap na siya, sabi, "Whot?" (What?)

Sumagot aco. "Sir, sabi po.."

"Whot?" ulit niya. Okay, so dapat English?

"Um, Sir, Ms. Padilla t-told us... to ask you if you could get the list of the English Club members in the section... you handle." Sagot co naman, trying to answer fluently. Medyo nag-stammer lang aco. Nag-"aahh.." pa yung mga estudyante.

"Okay." Sabi niya at balik sa pagtuturo. Ampness.

Bumalik na kami sa room. Habang yung iba e ine-excuse dahil sa club elections. Sheda, gusto cong sumali sa Science club, ayaw naman magpa-palit ni Sencio. Wala kasi aco sa room nun e, naghahanap ng ng members for English club. =/

--

It was past 11am when we decided to go to the extension building where the election would be taking place. Pero nag-eelection pa ang Computer club, mukang kakasimula pa lang.

Nakita co pa nga si Sir Bau. Sabi co sa kanya, magmi-meeting sana ang choir. He agreed and said later would be fine. And he will be there.

Pumunta muna kami sa Main kasi parang na-overheard namin na sa stage na lang mag-eelection ang English club.

Naghintay kami pero wala naman. Tumambay muna kami tuloy sa tapat ng room ni Sir Liwag at kinulit siya. Haha.

After some few minutes, bumalik aco sa extension. Magsisimula na rin siguro yung election ng English Club kaya pumunta na rin kami sa baba.

Napag-uusapan namin nila Eday yung mga pwedeng maging presidents ng mga choir. Si Ginnique ang malamang na mag-president. And Adrian nominated her. Nung may nagnominate din kay Eday, nag-decline siya dahil president na siya ng Math club. Nako, ayaw talagang magkabangaan ng dalawang ito.

Pero sheda, ninominate ni [put a bad adjective here] na Ana Jane na 'yun si Veloso. Ampness, lokohan ba ito?

English ang speech nila. Maganda naman yung pagkakadeliver ni Ginnique. Si Veloso.. ayun, kuntodo English.

Unang nagboto kay Ginnique. Ampness, 50+. Mukang di kakayanin. 'Wag naman sana.

At nung kay Veloso na, sheda, mukang lalagpasan pa si Ginnque. Nagkakaron na nga ng "kaguluhan" yung mga teachers e. Sa huli, si Veloso din ang nanalo. AMPNESS.

Wala na, nakakatamad na.

to be continued...

Thursday, June 11, 2009

Pressured

Ngayong araw, nag-isip kaming mga officers kung pa'no ide-decorate yung room namen. Sheda, wala na naman ngang ginagawa e. Ang ingay pa nung mga classmates co.

Nag-isip kami ng mga offences sa lalagyan ng fine para hindi na magka'class fund. Ang corny kasi e, class fund pa. At dahil wala namang ginagawa ang P.R.O., aco ang magbebenta ng papel at mapupunta yung pera sa fund. Uso kasi hingian sa'min ng papel, kawawa tuloy yung nagdadala kasi buong klase ang nahingi sa kanya. Si Honey supplier ng Stevenson nun e. XD

Recess, sabay ulit kami ni Jayson. Sumabay din sa'min si Lea. Ang daming tao sa canteen, sheda. Naiirita talaga aco sa uniform ng first year. 'Kala mo di taga Liceo de San Pedro dahil naka-long sleeves. Tapos ang init pang tingnan.

Dahil nga marami pang tao sa canteen, tumambay muna kami sa faculty. Adik si Lea, lahat ng tao sinasabihang umattend sa drills something ng mga CAT bukas. Nung kumonti na yung mga tao sa canteen, bumili na kami.

Wala pa si Sir dela Torre 'pag balik namin sa room kaya tambay muna sa labas. At nung bumalik na, wala na kami masyadong ginawa.

Nung uwian, nandun si Ayyah sa labas ng room namin. Nagkwentuhan sila nila Jayson at Jorvina ng tungkol sa KHR. Di naman aco maka'relate kasi hanggang episode 3 pa lang yata yung napanood co. Kaya ni-try co na lang sagutan yung English reviewer ni Ayyah for UPCAT.

Bumaba na kami ni Ayyah sa locker area. Pumunta muna sila ni Lea sa extension habang aco e nagsasagot. Bumaba si Sir Bautista mula sa Music room, almuni pa nga yata yung kumausap sa kanya.

Nung paalis na siya, maya-maya sabi sa'kin.

"Ikaw ba president? (I nodded.) Ikaw ang president? O bakit wala kang ginagawa? Umpisa na nga school year, di ka man lang nakikipag-coordinate sa'kin. O sa Tuesday may misa, kayong tatlo na lang!"

Tumango lang aco. Umalis na si Sir, habang aco naman ay tigalgal.

Ha? Isip-isip co. Super shocked aco. Ang sarcastic ng pagsasalita niya.

Parang ang tono ng pagsasalita niya e wala acong inaatupag sa Glee Club. Na wala acong ka'kwenta-kwentang President. Na wala acong silbi.

Ganun ba talaga aco? Dammit.

Kulang pa ba yung in'exert cong effort sa nakaraang bakasyon na hindi naman dapat aco ang namamahala sa Glee Club dahil sa June pa aco effective. Kulang pa ba yung mga ginawa cong pag-attend, pagkanta kahit halos lilima lang kami, pagpupumilit na ayusin ang choir? Kulang pa ba lahat ng ginawa co?

Oo, siguro nga maliliit lang na bagay 'yon, pero nakagawa din naman aco ng pagbabago kahit papano, di ba? Ngayon nga lang kami nag'salmo e.

Shit.

Inis na inis aco sa sarili co. Parati na lang acong failure. Sa Gatekeeper, wala acong kwenta. Sa SSG, aco ang weakest link. Tapos dito, dito sa tanging field na nag-eexcel aco, sa organization na minahal co, sa club na pinagsilbihan co ng ilang taon, PALPAK pa rin aco?

F*ck! Failure ka, Ivy! Failure! Wala kang kwenta! Wala kang silbi!

Di na nawala yun sa isip co. Sinubukan cong ipagpatuloy sagutan yung reviewer, pero cong naiisip ang bagay na 'yon. Ang tanga co. Ang loser co.

At nang bumalik sila Ayyah, di co na naiwasang maiyak.

Ang loser co talaga.

Okay lang naman sana sa'kin e. Open naman aco sa critisms. Aco yung klase ng taong bihirang ma-offend. Okay, ganun yung tingin nila sa'kin. Kaya lang ang sakit kasi pinipilit co naman umayos, pinipilit co namang may ma-contribute sa school co, tapos kahit ano palang gawin co hindi maa'appreciate. O sige, siguro nga wala acong ginawa. AMPNESS. Wala acong kwenta.

Dumating sila Eday kaya naman tumungo aco. E eto namang si Charlson, sinabing umiyak aco. Tanong naman sila kung bakit aco umiyak.

"Wala. Kasi hindi niya masagutan yung mga tanong." Palusot ni Ayyah. Toinks.

But I felt better later. I should feel better. Di ba sanay na aco sa ganito? Hindi na bago ang mga bagay na ito.

Magla-lunch na sila kaya naman umuwi na aco.

--

Okay na aco pagbalik co sa school nang 1:15. Erased na ang mga bagay na 'yon. Dapat lang.

Naka-pink blouse aco at brown tokong. E kasi naglalaba na sa bahay kaya sinabay co na yung ginamit cong uniform.

"San ka magtuturo?" Tanong ni Cheche sa'kin ng nakita aco.

LOL. Muka ba acong teacher?

Nasa room daw sila ng St. Basil (4th year star) kaya naman pumunta na aco dun. Nung nasa tunnel na acom kasunod co na si Sir Luna. Super madali aco ng lakad e, nag'eecho pa yung maingay na tunog ng high-heeled sandals co. =>

At ayun, naasar acong muka daw acong teacher. Haha.

Di daw pala tuloy yung grammar test ngayon. Gagawa ng article. Sheda. Basta, magsu-switch talaga aco sa Feauture Writing. Ayoko na sa Sports, wala nang nangyari sa'kin dun.

Umalis na rin si Sir Luna kaya labo-labo na. Kanina kasi kulang na lang di kami huminga. Haha. Pero kahit na ganun naman si Sir, mas gusto co pa rin siyang maging English teacher. Sayang nga lang at hindi.

Matapos ang humigit-kumulang tatlong oras, natapos din naman ang mga articles. Dadalin daw yun kay Ms. Navia sa Los Baños at siya ang pipili kung anong magiging posisyon namin.

Pumunta na kami sa Main at hinintay si Sir Luna. Nag'chikahan at nagtawanan. Lumabas na kami pero hinintay pa namin si Ms. Rasdas kaya 6:00 na aco nakauwi. Nung pag-uwi co, nasabi co na kay mama yung tungkol sa leadership training sa Baguio sa September. Yes! Okay lang sa kanya!

Kahit naman may hindi magandang pangyayari sa araw na 'to, okay na rin aco. Okay lang 'yun. Papatunayan co sa kanila na may magagawa din aco. :)

Friday, May 1, 2009

Of Conflicts and Contentment (MMD returns)

A/N: Pwahahaha. Natatawa aco sa title ng post co. Wala lang, may "of" kase e. Di co naman alam kung baket kailangang lagyan ng "of" ang mga title ng mga literature pieces, nakigaya lang aco. Inggetera. Hahaha. Bleh! By the way, back to the business. ;)

WARNING: I ranted so much in this post. And gave much details about me. So if you don't want to hear my whining and cannot understand me, please go away.

--

We had our choir practice today. Adrian suggested it last Saturday so we can improve our way in singing in masses. If you'll just hear how we sing in every mass, you'll know why we need a practice.

Not that we are bad singers. Of course, we are (Yabang!). But the problem is, our singing style as a choir simply… sucks. Well, we've won lots of competition, but whenever there is a mass, we usually don't get it right. And the priest is kinda getting annoyed with us, we know that, as well as the other church people and parishioners.

So I organized the choir practice today. I was calling Adrian the whole week if he wants to continue the practice (he's the Vice President for Affairs, anyway, and I need his opinion about this), but when I called him again last Wednesday, I remembered that he was actually in Pangasinan because of the boy scout camping. Damn, how come I forget about that? Nakakahiya tuloi sa mga tao sa bahay nila, tawag aco ng tawag.


Pero nung tumawag aco, hindi daw pwede sa bahay nila. She suggested Arsie's place. Kaya tinawagan co si Arsie, na fortunately e pumayag namang dun mag'practice. So magpa'practice talaga kame. I mentally reminded myself to call Adrian in the evening.

I asked permission to my mother about the practice before she went to work. So this is our conversation:

Ivy: "Ma, may practice kami bukas sa choir ah. One o'clock."

Mama: *getting ready for work* "Magligpit ka muna ah. Baka naman one o'clock ka pa magising. Magligpit ka, ayokong madatnang makalat ang bahay. Yung mga damit.."

Ivy: "Oo."

After few seconds.

Ivy: "Kila Arsie kame ah." (half-whisper)

Mama: "Ano!?"

Ivy: "Kila Arise kame magpa'practice."

Mama: "San na naman yon!?"

Ivy: "Sa Fiesta Homes nga. Kila Ayyah.."

Mama: "Ay nako, tigilan mo co ah! Wag ka nang umattend sa practice na yan!!"

Ivy: "Baket?!" *on the verge on sobbing*

Mama: "Basta 'wag kang aattend!"

Ivy: *sulks at the corner but is determined to attend the choir practice no matter what*

WHAT!? I cannot go to the choir practice that I organized!? Nooooo! Hindi pwede! I am the president. Ano na lang sasabihen ng mga ka'choir co? Na ang president nilang nagpatawag ng practice ay siyang di pupunta? No. I should go.

I was really, really annoyed yesterday. Good thing the mangas I read comforted me. XD

But really, I was thinking ways to ask my mom to let me attend the practice. I was praying mentally—the thing I never did for kinda long time now (long story).

I kinda cleaned the house. I folded the clothes. Yes, it was petty things but I don't usually clean so that's kinda big deal for me. Please, please. I need to go to the practice. Pretty, pretty please.

I slept at five in the morning because of online stuff and Plurking. I told Iverie to wake me up as soon as she woke up as well.

**

The next day…

I woke up at 11:30. Kinda early. But still, I am planning to do some cleaning first para payagan naman aco ni mama. I cleaned a little before I even eat my brunch.

Before I ate my brunch, I gathered my guts to talk to my mother, who was about to sleep.

"Ma.."

No response.

"Ma?"

Still, no response.

"Mama.."

When she didn't responded, pumunta aco sa tabi niya. I know she could hear me. Maybe she knows what I would say so she's ignoring me.

"Ma, aattend aco sa practice."

"Hindi!"

"Dalina." But she close her eyes again.

Kinulit co siya ng kinulit para gumising. At ayun , nagising nga. Pero ayaw talaga acong payagan. She's using the "mother-voice".

"Mama, dalina. Payagan mo na aco. Di pwedeng wala aco dun."

She simply ignored me. I was already crying. Bakit ba parati na lang ganito? When I asked her for a concrete reason, she just said that I'm not allowed to go. And there. She ignored me again and closed her eyes.

I was desperate to go that I become disrespectful toward my mom… again.

"Gusto mo parati na lang tayong ganito e, no? Sana pala di co na lang sinabi sa'yo na kila Arsie kame magpa'practice! Gusto mo pa yung nagsisinungaling sa'yo e!" I yelled.

"Talaga! Matagal ka naman nang sinungaling di ba?!"

Nagpilit pa rin aco. Amp. Nakaka'inis. Bakit ba parati na lang ganito? Bakit ba ang hirap magpa-alam ng ganitong mga bagay sa nanai co? Bakit ba hindi siya katulad ng ibang nanai na kayang intindihin ang mga anak nila?

Dumating ang pinsan co. Esakto namang sinabi co, "Bakit si kuya, pinapayagan mong umalis? Bakit aco hindi!? Buti pa yung ibang tao e, mabait ka! Bakit di mo magawa yun sa'men!?"

I know I struck a chord there. Sapul. Na'guilty din aco kase nagamit co yung pinsan co. Kasi naman, nakaka'inis. Bakit pag si kuya, pwede? Pupunta nga siya sa girlfriend niya at dun matutulog, pero okay lang. Ilang araw di uuwi nang di nagsasabi at pagkauwi niya e parang wala lang. E bakit sa'kin?

Oo nga, pinsan co naman kasi siya. Lalaki naman kasi siya. Pero di ba, ang unfair din? (Look, I'm not saying it's my cousin's fault, okay? I'm referring to my mom.) dapat, kung bawal sa'kin, bawal din sa ibang tao. Kasi ganito yun e: Bakit mabait siya at maayos makitungo sa ibang tao, pero 'pag sa'min hindi? Mas mabuti pa nga yung mga pamangkin niya at ka'officemates niya e, nabibiro nila si mama. E aco? Kelan co ba naka'usap yung mama co na parang kaibigan co? Wala acong matandaan. She insisted on so-called respect, but I give that because she doesn't respect me, too. She doesn't understand me at all.

Ang dami co nang opportunity na napalampas dahil sa walang-kwentang paghihigpit niya. Yung school-paper namen na ilang taon cong pinagsilbiha—mas matagal pa aco kila Eday at Ginnique—di aco sure kung tataas ang position co next school year dahil hindi co mabigyan ng time 'yon dahil sa paghihigpit niya sa oras co. Di naman sanaghahangad aco ng mataas na position pero di ba, saying pa rin? Gusto cong mag'aral ng college sa Manila pero ayaw niya. Ano namang mangyayari sa'kin kung dito aco sa San Pedro mag'aaral? Wala. Gusto cong mag'review sa UPCAT pero di co binaggit sa kaniya dahil di niya naman aco papayagan. (Well, I was thinking of the fees too.) Ang dami cong napalampas na opportunity na pwede co sanang maabot kung di siya naghigpit. Ito na nga lang, eto na nga lang Glee Club ang tanging masasabi cong achievement. Ang Glee Club na ilang taon acong nag'serve. And Glee Club kung saan nandito yung talent co, nandito yung specialty co. Hahayaan co na naman bang lumampas ang pagkakataon na mapaglingkuran ang Glee Club bilang isang president? This is so unfair!

Bakit ang mama ni Eday? Bakit ang mama ni Ayyah? Bakit ang mama ng mga kaibigan co at mga kaklase co? Naiintidihan nila ang mga anak nila. Parang kaibigan lang ang turingan nila. Bakit sa'ken, hindi? Alam cong hindi tamang mag'compare. Alam cong meron aco na wala sila. Alam cong mas maswerte pa rin aco kaysa sa iba. Pero hindi co maiwasang magtanong. Bakit? Bakit ganito? Bakit ba ganitong klaseng pamilya ang nagisnan co?

"Bahala ka sa buhay mo! Wala acong pakialam sa'yo! Umalis ka kung gusto mo!!" My mom yelled at me.

Kinulit co pa ring siyang gumising. I'm already determined to go no matter what. The reason why I want her to wake up is because ayoko na ng ganito. Ayoko na ng ganitong kapag may dapat acong ipagpaalam e dapat pa kaming mag'away. Ayoko na ng ganitong nagtitiis acong sundin ang gusto niya dahil kailangan co siya bilang nanai. Ayoko na ng ganitong kailangan acong magtiis kung pwede naman acong sumunod na gusto co talagang sumunod. Ayoko na ng ganitong nagagalit aco sa kanya at nagtatanim ng galit sa puso co. Ayoko na ng ganitong nag'iisip aco kung pa'no makaka'alis sa buhay na ito. Ayoko na ng ganito.

I know, I sound bad. Sorry. I'm just ranting my heart out.

When she kept on ignoring me, I gave up. Siguro nga hanggang dito na lang ang buhay co. Siguro nga hindi na mababago kung ano ang sitwasyon niya ngayon. Because she, herself, is refusing to accept me. Sometimes, aco naman yung ganun. Siguro nga, we're hopeless.

I ate my brunch crying. I took a bath crying. But I have to cheer up. I have to leave all of this here in my damned house. House. It's called house, not a home.

Dumating sila Arbu at Jasmin pero hindi co na sila pinapasok. Mai conflict e. Pinabalik co na lang sila sa Kodak para dun kami maghintayan. Di pa rin kase aco tapos mag-asikaso ng sarili co.

Argh. Nagbabalat pa rin yung muka co. Amp. Napansin nga nila e.

Nabanggit co na katakut'takot pa ang nangyari bago aco nakapunta ditto, tapos ilan lang kame, lima (excluding Ayyah and Arsie)? And I can't help my tears from crying. Maybe I just can't pretend to be happy when I'm not. Maybe I just can't hide my true self. Napaka'transparent co kasing tao e.

I'm so silly. Dapat di aco umiyak. And I'm so silly, I was laughing while crying dahil natatawa aco sa sarili co.

Change topic nga. Pinag'usapan namen ni Jayjay yung I:U kase nga offline ngayon. Amp.

Hinintay lang namen si Mikee kila Jas. Tapos pumunta muna kame kila Arsie.

Ayos naman yung practice namen. Medyo nawawala lang sa focus dahil sa mga usapan. Pero okay lang naman. Sana maayos bukas.

Nag'merienda kames a rooftop after that. At nag'usap kame ni Ayyah. Ayun, nag'kwento nga aco tungkol sa mama co. Amp. Naiyak na naman aco.

Pero nawala na rin yun. Nag'kwentuhan kase kame tungkol sa manga/anime/I:U. At 6:00 na aco naka'uwi dahil namitas pa kame ng apple-mango sa kanila. Haha. Mai pasalubong aco sa kapatid co.

Di kame nag'usap ng mama co pagkauwi. Ang problema, pa'no bukas, e mai meeting nga ang music ministry. Dapat nandun aco dahil president nga co. Amp.

MMD na naman. Multiple Mood Disorder. Sobrang down talaga aco. Sheeet. Habang tina'tayp co nga 'to, umiiyak aco. Buti Iori-niichan PMed me kaya nagging Masaya aco kakatawa sa mga sinasabi niya amidst the depression. At saka kontento na rin aco kase nagawa co yung tarabaho co bilang President ng Glee Club.

Bahala na…

Sorry if I ranted on this looong post. I just really need to tell what I feel and what I hide inside. Para kasing sasabog na aco e. Sorry for too much ranting and angst.

Friday, March 27, 2009

My Hug-Collecting Day

My Hug-Collecting Day : Ang Huling Pagsasama'sama sa Room E-301


"Time moves swiftly, especially when we enjoy it. And before we know it, we have to say goodbye, in order to start a new beginning."


March 26, 2009; Thursday

Last day.

Nagising aco ng maaga dahil balak cong maagang pumasok. Whoo, 10:30am aco nagising! That's a feat for me, considering that we only have afternoon classes.

Pero ayun, ang usapang pagpasok ng 11:00, naging 12:30. Ano ba namang aasahan nio sa'ken?

Pero pagdating co dun, kaunti pa rin ang mga tao. Siguro wala pang sampu. Mamaya pa siguro magdadatingan.

Room E-301. Ang room na sampung buwan din naming ginamit. Mami'miss ko ang mga alaalang nabuo sa loob ng silig na ito. ;'[


Ang kalat ng room. Labu'labo na ang mga upuan e!


View sa labas ng room. Tsk, tsk. Bintana pa lang, parang sinalanta na. Sino bang mai gawa ng basag nian? Si Patriarca ba?


I feel like crying. This is our last day in this room as a Stevenson. And when I looked around, it seemed... different. The decorations are gone, the sunshine coming inside the room because of the now bare window, the chairs in messy positions.

Oo, makalat nga ang classroom namen dati pa lang. But this messiness is different.

It's because classes will soon be over.

Nostalgia takes over me. Matatapos na ba talaga? Hindi co matanggap. And funny, I could feel this strange pain in my chest.

But this isn't the time for this kind of stuff. I don't want to ruin the last moments.

So sinulit co na ang pakikipag'bonding. Super kwentuhan nga tungkol sa TV5 e. Whoo! Mga ka'shake! TV5 NA KAME!!

Grabe nga e, hibang na hibang sila sa SA (Special A). Nako, ang dame co nang nahuhumaling dun. Pero di co talaga siya magustuhan e. @____@

Maya-maya, kinuha na rin ni Andrade yung laptop. Mai presentation daw kase. Siguro mga pictures ng Stevenson.

Ang presentation na pinakita e collection ng pictures namen simula nugn June. Bawat isa e meron dahil alphabetical order; meron ding mga group pictures at stolen shots. Sheda, nilagay pa yung isa cong mejo stolen shots na muka acong aso! Sama!

Yung mga kanta nga e parang tanga lang. Batang-bata ka pa, tapos yung "Tatanda, at lilipas din ako.." Adik nga e.

Sumisigaw din kame ng WcDo kada pinapakita yung picture nia. Na halos karamihan e katabi si Jayson, kaya siya nga daw si Jollibee.

Pero habang pinapanuod co yun, habang nakikita co yung mga pictures namen na nagpapakita kung anong klaseng taon ang nangyari sa third year life namen, di co maiwasang matawa... at malungkot.

Sheesh. I hate this feeling. Masayang balikan ang mga alaala, pero ang nakakalungkot ay babalikan mo ito sa mga panahong may matatapos na, babalikan mo ito kase baka wala ka nang pagkakataong balikan pa itong muli. Habang nakikita co yung mga pictures namen, mga kahit nagtatawanan kame at nag'aasaran sa mga kaitsurahan, alam cong pare'pareho kami ng nararamdaman.

At eto na naman, I could feel the strange pain again in my chest. And the invisible hole in it started to grow larger.

Pagkatapos ng presentation, nagpatugtog na lang. At yari, nandian si Bro. Ador. Lagot. Hulasan ang mga tao e; kanya'kanyang upo. Pinag'evaluate kame ng mga teachers.

Haha. Kay Ms. Noleal aco. Buti na lang lumipat aco sa tabi ni Apple. Nilagai co talaga dun na hindi siya marunong dumisiplina ng estudyante at kinakaya'kaya lang siya, at wala talaga kameng natutunan sa kanya. Haha. Ang bad co. E totoo naman e. Saka di naman masyadong brutal ang words na ginamit co.

I started collecting hugs after that. Alam co lahat ng babae e nayakap co. At eto, nalulungkot na naman aco habang niyayakap co sila.

The hole in my chest becomes larger and larger, tearing it to pieces.

Last day na namin itong magkakasama'sama sa room. At ang sakit. Ang sakit na maghihiwalay'hiwalay na kami. Nagyon pa naman masaya na acong kasama sila, nasasanay na acong sila ang nakikita.

Pero ano bang magagawa co? Hindi naman puedeng masunod ang mga gusto mo. At lahat ng bagay ay nagtatapos. Kailangan 'yon, kailangang magtapos ang mga bagay upang makapagsimulang muli.

Nayakap co na ang halos lahat ng mga babae. Teary-eyed na aco, pero pinipigilan co lang. Ayokong umiyak. Ayokong magpakitang nalulungkot aco. I tried to hold the tears until I can.

Niyakap co din ang ibang boys na naging ka'close co tulad ni Manza at Jaynard.

At nilapitan co si Jayson.

"O ano, galit ka na naman ba sa'ken?" tanong co sa kanya.

"Hinde ah."

"Nako, kakabati lang natin e magkaka'away na naman tayo."

"Hinde, hinde nga aco galit. (Pero mukang asar yata) [...] Pa'no naman kase, tumawag ka sa bahay e tulog na aco nun!"

Tulog ah.

"Tulog? Sus. If I know, nagga'Grand Chase ka pa nun!"

At nakipagbangayan na naman aco.

Yayakapin co sana siya pero ayaw nia. Ang daya. Di huwag. Hmpft.

Niyakap co pa ang iba. Embracing them tightly as I can. I still don't want to let go. I hate this part. I hate letting go to the precious things I've learned to love. But I have to. I have no choice. Why am I feeling such strange pain? OA co naman. Pero I can really feel it. I can feel the pain.

And the tears I was trying to hold back were stubborn. I could feel the stinging feeling in my eyes. And before I knew it, umiiyak na aco.

I hugged Apple, trying to conceal the tears. But they noticed. And the tears kept on coming. I continue to cry as if there's no tomorrow.

And the hole grew rapidly, eating my heart up. The piercing pain becomes more and more pronounced. I could feel it, and it hurts. It hurts like hell. Damn, I'm so stupid for letting the tears flow but I cannot stop. I was too painful.

Siguro nga OA lang aco, siguro nga masyado lang talaga acong pathetic. But the tears just came; I didn't summoned them.

Ganito talaga kapag matatapos na ang isang masayang kabanata sa buhay mo.

How many times had I experienced departure, endings? Many, many times already. And each time I have to let go, the same feeling comes. But still, I'm not used with that feeling; I still don't want to deal with them. I hate this, I hate it.

Akala pa nila si Jayson ang dahilan ng pag'iyak co. Duh. Adik ah. Kaya sinisisi pa nila si Jayson.

"Ikaw kase Jayson e, di mo niyakap!"

I want to roll my eyes at that moment.

Niyakap tuloi aco ni Jayson habang nakatalikod aco. Nakayakap din kase aco kay Apple e.

Niyakap co din pati si Andrade, kahit inasar co siyang basa na naman siya at parang nilabhan ang damit.

Nakita co na lang, pati si Balanoshi at Jaynard ay nahawa na sa kaartehan co.

Bagong iyak. Am'panget co.

Ang arte co noh? Di kase talaga mapigilan e.

Muka nga acong tanga, natawa aco habang naiyak. Natatawa kase aco sa sarili co dahil nakakatawa naman talaga. Pati nga yung pader sa mai electric fan e niyakap co e. Dumating na rin si Sir. Nag'usap-usap tungkol sa swimming. At ayun, kasama na si Jaynard. At si Jayson ay hindi pa rin. Nako.

Nakita rin ng iba na naiyak na nga co. Ayun, natatawa sa'ken. Hay.

Bago umalis, niyakap co rin si Sir. At sabe ni Sir, "May bukas pa."

Syempre, iba na ang bukas.

Today is my Hug-Collecting Day.

At nung niyakap co si Sir, naiiyak na naman aco. Tumahan na aco e. Kaya ayun, inasar nila aco ng, "IYAKIN! IYAKIN!"

Natatawa na lang aco. Okay lang, totoo naman e.

Nakita pa nila MacMac at Olid na naiyak aco. Nabanggit co na gusto cong kunin yung pangalan ng Stevenson na laminated sa labas. At kinuha nga! Haha. Sssh. Wag kayong maingay na nasa akin ah. Sa'tin-sa'tin lang to!


Thank you Olid sa pagkuha. Wag kayo maingay ah. Basta, ebindesya, ikaw ang kumuha.


Nung uwian, sinamahan namen si Apple bumili ng ulam nila at bumili ng pangkulai sa buhok. Pati nga aco ibinili e. Kulay red. Tapos nag'7-11 muna kame. Libre ni Manza dahil may gift check siyang P100. Ineksakto nga namin e. Dumating din yung iba, pagkatapos ay nagkakayayaan silang mag'SM.

Ang saya ng araw na ito pero ang lungkot din. This is our last day together. I feel sorry for the things I wasn't able to do, but I don't regret anything. Even they caused me pain.

Sunday, March 22, 2009

Just A Week To Go

"Everything has its own ending. And whether we like it or now, we have to let go of the things we learned to love to move on to a new beginning."



Isang linggo na lang. Isang linggo na lang at isang school year na naman ang magtatapos. Matatapos na ang school year 2008-2009, mai mga ga'graduate na naman, habang kami, iiwan na ang aming Junior life.

Ewan co ba, maisip co lang ang bagay na iyon e nalulungkot na aco. The mere idea of ending gives an unknown pain in my chest. Para bang sasabog ang dibdib co.

Ayoko sa lahat ay ang mga pagtatapos. I hate goodbyes, I hate endings. I hate it when we have to let go, I hate the words of goodbye. Dahil kahit sabihin pang walang mababago, I know something would change. And slowly, after the goodbyes, evryone will continue with their own life, and soon, it was as if no one would remember that chapter of their lives.

Patapos na ang taon, pero parang walang umiintindi masyado sa bagay na ito. Nagtatawanan pa rin kami katulad nung umpisa at kalagitnaan ng taon, nag'aasar na parang walang bukas. Siguro ayaw muna nilang maisip na matatapos na ang taon, o kaya naman ay wala talaga silang pakialam kahit matapos na ang lahat. It easier this way, hindi co masaydong malapit nang dumating ang katapusan. But I know the end is fast approaching, and I could just savor the moments 'til it last.

Sa totoo lang, natutunan co na ring mahalin ang section co. Eto ang pangalawang pinakamasayang school year para sa akin, pangalawang pinakamasayang section na kinabilangan co. Napalapit na sa puso co ang mga classmates co, ang adviser co, ang mga teachers co. Kahit sabihin pang ilang beses din kaming nagkaroon ng mga conflict, nagkaroon ng mga alitan at awayan, nagbarahan at plastikan, iba pa rin yung bonding moments that we've shared. Iba pa rin.

Pero ngayon, matatapos na naman ang isang kabanata sa buhay co. Pero anong magagawa co? Ganun talaga. May mga bagay na nagtatapos upang makaroon tayo ng bagong simula. May mga bagay na dapat iwan sa nakaraan upang maka'usad sa hinaharap. At sa loob ng isang linggo, magtatapos na ang school. Katulad ng parating nangyayari. Sana lang, kahit matapos na ang school year, hindi matapos ang samahan, at hindi makalimutan ang mga alaala naming nabuo.

Tuesday, March 10, 2009

I Am Fuckin' Depressed, I'm Warning You

dammit.

dammit.

dammit.



okay. so the first three words of my blog post are offensive. now what? to the hell i care!

i am so miserable, so pathetic. dammit, i feel so depressed! dang.

so i am stubborn. so what? i refused to listen to their words. i chose to remain in the darkness, i chose to be pessimistic.

and now, i am becoming a wretch. i am becoming a bad companion to those people around me. i am so lame to talk with, i am so dull and lifeless. yeah, and soon, everyone will hate me.

darn, right now, i don't care. i just want to shut the fuck off. i just want to close my eyes and feel numb. i wanna be left in an emptiness and fall into a slumber so that when i woke up, things would be fine.

but that cannot happen. i am living in reality, and no one can't escape it.

dammit. i hate it. i hate myself. i hate being me. damn.

"And now, I shut down from the world. I am pathetic. I am miserable. I would shut myself away from my friends, I would shut down from my peers, I would shut myself away from everyone. I am such a bad company, a stupid girl who brings chaos to everyone. Sorry. I'm so foolish."

Friday, January 16, 2009

friends *

damn, i feel so... so annoyed with the people around me. and yet, i could tell them that they're annoying me already, to stop them what they are doing and saying to me, no matter how much i wanted to.

simply because i've got no chance to tell them.

and whenever i am speaking to these people, i forgot my irritation to them, i forgot what i am going to say to them.

i am not being plastik, honestly. the truth is, i am becoming the real me whenever i am with them. the happiness, the laughter, the smiles, the words. everything is real, genuine. not a single superficial action.

and the reason why i forgot everything is because all i could think of is how happy am i, how glad am i being with them.

because these persons are actually the ones i considered as real, loved friends, my most important persons.

damn, what should i do? damn damn damn.


END.

conference

kanina, nagkaroon kame ng conference sa online forum na kinabibilangan co.

masaya naman ang naging siumla. nagbibiruan pa nga kame. pinlano din kung anung gagawin sa valentine's day at sa aniversary ng IU.

kaya lang bigla na lang acong nabad'trip.

panu kase, ang plano e ia-RP yung mga characters ng Ouran. kung taken na lahat ng characters, pwedeng kahet wala dun ang i-RP mo.

naiinis din aco kase nung tinanong kung sino ang mai alam sa Ouran chuva, sabe co. "me?"

tapos yung friend co sabe, "I know you don't know it."

sabe co, di aco marunong mag-RP dahil hindi naman talaga. okai lang naman sana dahil maganda yung idea. kaya lang nga, mag'iisep pa aco kung sinong pwede cong i-RP.

tapos mai nag'sabi, si Ryuuk na lang daw ang i-RP. sabe co, sino yun, kung ayun ba yung death god sa death note. tapos nagtatawanan na nga kame dahil yun nga yun. okay lang naman kase biruan naman lang e.

tapos na'puntirya na naman yung aking height. actually, di naman na sensitive subject yun dahil tanggap co nang maliit aco at niloloko co din naman ang sarili co dun sa height co.

ewan co ba, bigla na lang pumutok ang butse co.

at dahil english naman ang language na ginagamet namen kapag nag'uusap kame, binanatan co sila ng:

"tsche. i don't care if i am small. i know that i am much taller than i am, than most people see."

siguro medyo nabigla sila dun sa banat co. naglokohan pa din.

ya-chan: ivy, you'll get nosebleed chuva cheness eklavu

Iori: *looks down at Chbivy* [...]

(sayang pala, sana ni'copy co yung conversation)

di co na matandaan yung comment ng iba o kung nag'comment pa sila. basta, sige pa din yung topic tungkol sa i-RP co si Ryuuk. sabe co nga kai ayyah, "You are so mean!", "I'll knock your head off when I see you tomorrow!", at "Don't even dare to show your shadow!" basta yun na yun. pero ang totoo, naiinis na aco.

naiiyak na nga aco e. naiinis kase e. minsan talaga, mai time na magiging sensitive na lang aco pag'dating sa height co.

come to think of it, di co naman feel na pinag'tutulungan aco o "alone" na naman aco. nabwiset lang talaga co kase... kase... di co na maalala kung anung dahilan. basta, ewan co ba. di co naman masabe na walang kadahi-dahilan kung baket aco naines dahil alam cong meron. pero di co ma'pinpoint kung ano.

kaya di na aco nag'reply sa kanila. after few mintues. natapos na din ang conference.

--

sa totoo lang, di naman aco nagalit sa'kanila. naiinis lang talaga aco.

lalo na kai ayyah.

alam co na mai possibility na mabasa nia ang blog entry na ito pero isusulat co pa din ang tungkol dito.

nakakainis kase e, alam mu yun, feeling co parati nia na lang acong... di co maisep ang proper term e. minamaliit? hindi naman. parang... di nia lang masyadong kino-consider yung feelings co pag naglolokohan na dahil masayadong nake-carried away. don't get me wrong, di aco galit sa kania. minsan lang talaga, nakaka'inis na.

ilang beses na nga acong nagsabe na, "di co muna siya papansinin" o "di muna aco masyadong maglalalapit" sa kania. mga bagai na ganun.

pero kapag nagkita na kame, kapag nag'PM na siya sa'ken sa YM, kapag tumawag na siya sa'men, wala na. makikipag'lokohan na ulet aco, tatawa na ulet aco, makikipag'usap ng normal na parang walang nangyari.

di naman masasabi na pina'plastik co siya. di aco plastik na tao. lahat ng pinapakita co ay totoo, bukal yun sa loob co. habang nag'uusap kame, o kahit sino pang kaibigan co, kahit mai tampo aco e mawawala na. tapos, pagka'tapos ng usapan namen na iyon, wala na. okay na aco. wala na acong tampo. manya'yakap na ulet aco na parang walang nangyari.

at kahet ilang beses co pang sabihen sa sarili co na kakausapin co sila tungkol sa bagai na pinagtatampuhan co. katulad na nga lang nung nangyari nung tuesday.

pero di co pa din masabe. hindi dahel sa pinanghihinaan aco ng loob na sabihen, kundi dahil di aco nabibigyan ng pagkakataong magsalita.

kapag mag'uusap kase kame (plural term to ah) e wala na, iba na yung topic. at nakaka'limutan co na ang tampo at inis co. at kahet sabihen co pa na sarili co na maging malungkot aco sa harap nila (scripted e no) e di co pa din magawa. kase kapag kasama at kausap co yung mga kaibigan co e masaya na aco, wala na acong ibang iniisep kundi sila at yung kasiyahan co dahil kasama co sila.

i guess i just cannot resist my real, beloved friends. the persons that i considered the most important ones in my life.