Maaga na naman acong pumasok dahil novena. Haay, sana tuloy-tuloy na ang maaga cong pagpasok.
Aco pa lang at si Eirish ang tao sa room. Ginawa co na lang yung ibang assignment sa Filipino. Maya-maya e nagbabaan na, St. Gregory ang nag-lead ngayon.
Pagkatapos ng novena, nagsermon si Sir Diola dahil may natanggal na soap dispenser (yung parang sa mall; sosyalen kami nu). Buti na lang umulan kaya alisan kami sa quadrangle para sumilong.
Club elections nga pala ngayon. Hmm.. ano kayang club na sasalihan co? So may SSG na aco at The Gatekeeper (school organ), pati Glee Club na aco ang may hawak. Member din aco English, Science, at Computer club pero member lang talaga. Mamaya pipilitin cong makapasok sa limang kukunin na 'representative' ng section namin sa elections.
Wala pa si Sir dela Torre nang tanungin kung sino yung former members ng English club. Akala co naman mag-eelection na kaya nagtaas aco ng kamay. Nung first year pa kasi aco member pero hindi naman aco nag-participate sa elections last year. Hayaan mo na.
Pumunta kami kay Mrs. Lopena. Ayun, inutusan kaming puntahan yung mga sections na handle niya para magtanong ng mga interested na sumali sa Lingua Franca. Sheda, sana pala di na lang aco sumama. =/
Una naming pinuntahan yung Fourth Year St thomas Aquinas. Ampness, si Dianne lang yung sumali. Sheda, kaya ayokong kausap ang fourth year sa mga ganito e.
Sinunod namin yung mga first year, then yung iba pang fourth year.
Grabe, konti lang yung nagsisalihan. Pa'no ba naman kasi, ang naiisip ng mga estudyante kapag English Club, kailangang mag-English ng bonggang-bongga. Syempre sasabihin nosebleed. Ang mahirap kasi sa mga estudyante ngayon, na-stereotyped na na mahirap magsalita ng English e. E hindi naman tina-try.
Pagkatapos naming magtanong ng mga gustong maging members, bumalik kami kay Mrs. Lopena. At sabi niya, ibigay namin kay Ms. padilla yung papel. So pumunta kami sa faculty. Pagkatapos sabi naman ni Ms. Padilla sabihin kay Sir Luna na kunin yung list ng members ng other sections.
Pumunta kami sa St. Gregory. Todo discuss si Sir Luna. Ampness, bakit ba naman kasi hindi siya ang naging teacher co sa English e?
Nagtuturuan pa kami kung sinong magsasabi. Sa huli, aco ang nag'excuse.
"Sir, excuse po."
He gestured for us to wait. Ang nung humarap na siya, sabi, "Whot?" (What?)
Sumagot aco. "Sir, sabi po.."
"Whot?" ulit niya. Okay, so dapat English?
"Um, Sir, Ms. Padilla t-told us... to ask you if you could get the list of the English Club members in the section... you handle." Sagot co naman, trying to answer fluently. Medyo nag-stammer lang aco. Nag-"aahh.." pa yung mga estudyante.
"Okay." Sabi niya at balik sa pagtuturo. Ampness.
Bumalik na kami sa room. Habang yung iba e ine-excuse dahil sa club elections. Sheda, gusto cong sumali sa Science club, ayaw naman magpa-palit ni Sencio. Wala kasi aco sa room nun e, naghahanap ng ng members for English club. =/
--
It was past 11am when we decided to go to the extension building where the election would be taking place. Pero nag-eelection pa ang Computer club, mukang kakasimula pa lang.
Nakita co pa nga si Sir Bau. Sabi co sa kanya, magmi-meeting sana ang choir. He agreed and said later would be fine. And he will be there.
Pumunta muna kami sa Main kasi parang na-overheard namin na sa stage na lang mag-eelection ang English club.
Naghintay kami pero wala naman. Tumambay muna kami tuloy sa tapat ng room ni Sir Liwag at kinulit siya. Haha.
After some few minutes, bumalik aco sa extension. Magsisimula na rin siguro yung election ng English Club kaya pumunta na rin kami sa baba.
Napag-uusapan namin nila Eday yung mga pwedeng maging presidents ng mga choir. Si Ginnique ang malamang na mag-president. And Adrian nominated her. Nung may nagnominate din kay Eday, nag-decline siya dahil president na siya ng Math club. Nako, ayaw talagang magkabangaan ng dalawang ito.
Pero sheda, ninominate ni [put a bad adjective here] na Ana Jane na 'yun si Veloso. Ampness, lokohan ba ito?
English ang speech nila. Maganda naman yung pagkakadeliver ni Ginnique. Si Veloso.. ayun, kuntodo English.
Unang nagboto kay Ginnique. Ampness, 50+. Mukang di kakayanin. 'Wag naman sana.
At nung kay Veloso na, sheda, mukang lalagpasan pa si Ginnque. Nagkakaron na nga ng "kaguluhan" yung mga teachers e. Sa huli, si Veloso din ang nanalo. AMPNESS.
Wala na, nakakatamad na.
to be continued...
Wednesday, June 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment