June 10, 2009; Wednesday
Dahil ayaw talagang maalis nung pinang-kulay co sa buhok co, pumasok aco na ang kamay e kulay itim. =>
Sheda, inis na inis aco. Lahat na ginawa co para matanggal yung kulay, wala pa ring nangyari. Super tago tuloy aco ng kamay pagpasok co. XD
Pagdating co sa school, magkakasama na naman ang mga Stevenson dun sa may gilid. Wow, nakakatuwa naman. At ayun, nadiskubre din nila yung kamay co. Tawa nga sila ng tawa e. XD
Maya-maya, nag-bell na kaya super takbuhan kami papunta sa aming kanya-kanyang section. Gaah. Novena na. Pa'no co hahawakan yung novena e ang ganda ng kamay co? Sa huli, naki-share na lang aco kay Keirulf kahit pa may novena booklet pa aco. Sheda, sana hindi na lang aco bumili. Pwede naman palang next week na e. =/
Umakyat na rin kami sa room matapos ang ilang announcement. Haay, nakaka'antok.
Nagtawanan din sila Louis nung nakita yung kamay co. Gulat sila e. Muka daw acong nag-repack ng uling. =3
Maya-maya, pinapunta yung mga class officers sa extension builiding para sa overall election. Ang kapal nga ni Jayson e, pinapangalandakan na Secretary daw ang posisyon niya. As if naman may papatol sa sulat niya.
Nagsama-sama na yung mga magkakapareho ang posisyon. P.I.O. nga aco at ang iba pang mga P.I.O. e sila Rochelle, Baban, Zacky, Espinosa at Veloso. Sabi nga aco daw isa sa tatlong tumakbo. E ayoko. Kasi, si Rochelle ang makakalaban co. Siguradong mananalo na yun. Saka ayoko ngang mag-speech, edi nakita ng sambayanang pipol ang aking mga kamay. x)
Bumalik na rin kami sa room pagkatapos. Yung ibang officers sa section co, tumakbo.
Binigay na daw yung schedule. At sheda, HINDI SI SIR LUNA ANG ENGLISH TEACHER NAMEN!!!! Waaaah! Super laglag ang balikat co e. BAKEEET??!! Ang daya! Lahat ng hiniling cong teacher, walang natupad except kay Sir Del Rio. Bakiiiiit?
Nakakainis. Okay lang na hindi co na maging teacher yung iba e, basta maging teacher co si Sir Luna. Bago yung English teacher namen e. Sheda talaga. Dismayadong-dismayado aco e. Kasi kahit naman mahigpit si Sir Luna, maraming acong matututunan dun. Mas gusto co na yung mga terror at mahihigpit na teacher na marami kang matututunan kaysa dun sa mga teacher na maluwag nga, wala ka namang mainitindihan sa lesson. Sana talaga maayos magturo yung Mrs. Lopena na yun.
Umalis si Sir dela Torre para daw kumuha ng chalk. E maya-maya, naglalabasan na yung ibang section. Hindi naman kame sinabihang bumaba, kaya yung time na papunta na kami sa extension, nagsisimula na palang mag-speech yung mga candidates. Center of attraction tuloy kami. Naku, simula pa lang e, bumabandera na kami.
Matapos ang speech nila, bumalik kami sa room para bumoto. Then, recess na.
Nung recess, di muna kami bumalik agad ni Jayson sa room. Tambay muna kami kasama si Louis at Lea malapit sa room ng St. Thomas, yung section ni Lea. Puro anime nga ang usapan e. Tapos tinawag naman ni Ms. Rasdas si Lea dahil time na pala. Takbuhan tuloy kaming tatlo ni Louis at Jayson sa room namin. Ayun, nandun sa si Sir. Di naman kami pinagalitan.
Nagbilangan na ng boto. At aco naman, natulog.
Marami dun sa mga binoto co, hindi nanalo sa section namen. Patay. Pero hindi, sure naman acong panalo sila sa overall e.
Bumalik ulit kami sa extension for the announcement of winners.
President: Ginnique de Grato
Vice President: Adrian Espiritu
Secretary: Radz Yambot
Treasurer: Remo Manikan
Auditor: Gaban
P.I.O.: Rochelle Medrano
P.O.: Reynaldo Ablay & Arsie Mauricio
Muse: Anciano
Escort: Rodil
Tatlo sa binoto co ang hindi nanalo: Secretary, Muse, at Escort. Pero okay na rin. Deserving naman yung mga nanalo.
Ang balasubas talaga ng klase co. Kami pasimula ng ingay e. Lalo na yung mga boys. Gaaah. Di co Alphonsus! *hides*
Uwian na rin. Tumambay muna aco sa school kasama sila Charlson. Si Angel, kinausap ni Sir Buboy tungkol sa SSG. E di ba nga aco ang pumalit kay Angel. At ayun, babayaran co daw sabi ni Eday yung P250 na hindi co binayaran nung leadership training kasi sabi niya 'wag na daw acong magbayad. Loko-loko kase e.
Sabe co nga kila Remo at Chalson, feeling co ket-ket lang aco sa SSG e. Nandun din si Angel yung sinabi co yun. Kasi naman, dapat ng si Angel ang nandun sa pwesto co. Pero sabi nila, okay lang naman yun. Kahit naman 'inaaway' nila aco, masaya naman kasi nandun aco. Lalo na't pupunta sa Baguio, may maingay daw. :)
Somehow, that made me feel good.
Tumambay kami nila Eday sa locker area pagkatapos. May pangalan na yung sakit ni Adrian: "Eday Syndrome". LOL. Niloloko nga ni Charlson na aatakihin na. Kaya naman ang serious ni Eday. So dalawa yung phase ng sakit niya. Phase 1 e super serious, phase 2 naman yung nagsasasayaw at super hyper to the point na muka nang epileptic. Haha!
Sinagutan co nga yung libro ni Adrian na MSE. Grabe, wala acong matama sa Math! Dun na lang tuloy aco sa English. Haay, weakness co talaga sa English yun identifying errors, vocabulary, at spelling. Iniisip co ngang course, B.S. Englsih o kaya I.T. na lang. Pero mas preferred co talaga yung B.S. English. Nyaah. At least may naiisip na acong course ngayon.
Twelve o'clock, umuwi na aco kasi magla'lunch na sila.
Somehow, kahit dyahe ang araw co, kuntento na rin aco. :)
Thursday, June 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment