I was really feeling bad yesterday that I immediately slumped on the sofa after taking off my P.E. uniform. I was planning to just snooze off a bit, I slept the whole night away. My stomach was grumbling when I woke up at the middle of the night, but I didn't care to eat dinner. And heck, neck and forehead felt hot.
Oh great, so I have a little fever. Blame it to my sore throat. Dang, kapag masakit talaga ang lalamunan co, pati buong katawan co sumasakit. So my life really depends on my voice, eh?
I woke up unusually early this morning. I was planning to review Math, but I end up in the couch again. I really feel weak. At para pa acong binugbog sa sobrang sakit ng katawan co. Salamat sa pesteng sinat co.
When called Ayyah, she told me not to attend the choir and just rest. As if I would let a stupid fever prevail me from attending the choir.
So naghanda na aco papunta sa school. Umuulan pa nga e. Nung papunta na aco sa school, umaambon pa. Mama told me to bring an umbrella, pero sira naman yung payong. Kaya sumugod aco sa ambon. Ang galing co nu? May sinat pa aco ng lagay na 'yan. Sadista talaga. (Btw, my mom didn't know that I'm running a temperature. She'll surely make me stay in the house if she does.)
Alas dos na pero wala pang lima ang choir members sa school pagdating co. Yung Batingaw naman nasa may stage. Akala co ba alas-dos ang practice? Ang ba-bait talaga.
Dapat magre-review kami ni Ayyah. Pero tinatamad aco. Nakakatamad talagang magbasa ng mga numbers. Worse, numbers na may kasamang letters. Tinitingnan co pa lang, tinatamad na aco. (Pa'nu kaya aco magkakaroon ng pag-asa sa UPCAT nito? XD )
Dumating si Remo at ginawa ang narrative report ng Banyuhay Club. In Filipino ah. Talagang napatunayan cong mas mahirap gumawa ng mga sulatin sa Tagalog than English. XD
Nako, baka hindi nagawa ni Abby yung narrative report ng Glee Club. Tinatamad pa naman acong gawan. =D
Dumating naman si Gerard na iika-ika. Ayun, napilay ang paa dahil sa volleyball. Katangahan kasi, tumalon tapos na-bend yung paa niya. Di tuloy siya makapglakad ng maayos.
Kaya nang dumating si Sir ng alas-tres, inakay pa siya pataas. Dun kami sa room nila magpa-practice kase nga yung Batingaw e ginagamit yung stage.
Late nang dumating ang mga galing sa review for the UPCAT. Di rin kami masyadong nakapag-practice ng maayos kasi pina-practice ni Jasmin yung chords ng mga kanta.
Somehow, I felt better. Though I'm still a little bit hot, I feel okay. Maybe this is really my own medicine: the sight of school and my friends. I couldn't afford to feel weak when I feel happy being with them. (Woot, ang drama.)
We went to the church at five. We sang well, thankfully. Maaga ring natapos ang misa, though wala acong masyadong naintindihan sa homily. ;p
Paglabas namin sa simbahan, nagulat na lang kami nang makita namin si Lumbania na parang nagwawala. Sa'ming choir nakatingin. Hala, anong meron??
Nakatingin lang kami sa kanya habang akala mo e maghahamon siya ng away. Of course we all wondered to whom he is angry with, until I heard Joselle mumbling taunting words habang nagtataray sa kanya.
So si Joselle pala ang hinahamon niya. Ex daw kasi ng ate niya si Lumbania, na niloko lang nito. Kaya ayun, nagalit si Joselle at "inaway" niya.
Eto namang si Lumbania, akala mo lalaki ang hinahanap kung maghamon e. Parang handang-handang makipagbabagan.
Buti na lang umalis na rin siya. Inawat ni Marian kaya medyo nawala na rin ang tensyon. Sus, akala pala nila si Eday ang kaaway. Haha! At nagawa pa naming pagkatuwaan si Joselle at ang sitwasyon.
Hinatid muna nila Ablay si Joselle sa sakayan para makasiguradong hindi na siya aabangan ni Lumbania. At pagkatapos, pumunta na kami sa 7-eleven.
Para kaming nagpu-prusisyon dahil nga iika-ika si Gerard. Moonwalk e. Ang sarap pagtawanan e! Haha! Ang bad co talaga! >:)
I treated Adrian this time. Parati naman kasi niya acong nililibre. Saka feeling nice aco ngayun e. =D
The 7-eleven was filled with noise because of us. Puro tawanan dahil sa mga okrayan, kulitan, biruan. Our table was full of plastic and cups and junk food clutters.
But it felt good, laughing like this with the people that I consider as friends. I love laughing like this, laughing like there is no tomorrow, laughing so loud that my stomach and jaw hurt, laughing with the people I love.
Anong oras na rin nung magkayaan kami umuwi. Sabi pa naman ni mama umuwi aco ng maaga. We parted in groups. I was with Bart, Jayjay, Eday and Gerard because they would be coming back to the main building, at dun ang way co. Sila Ayyah naman umuwi na.
Dahil tinatamad pa rin naman acong umuwi, sumama na rin aco kila Gerard. Pero nakita niya sila Jago, at nagpahintay muna siya sa'min dahil ihahatid niya daw ito. Ihahatid. Nang ganun yung paa niya. Nice. Pustahan tayo, pagapang na iyong babalik.
So we waited. Tawanan pa rin kami ng tawanan. Nagpapa-tangkaran pa nga etong mga lalaking 'to. At si Eday, dahil malandi, nabubog ang paa! Hahaha! Magpapatangkaran pa kasi. Buti na lang di na aco sumali (kung sabagay wala naman acong laban sa kanila XD).
Ang tagal pa naming naghintay. Wala. Nasagasaan na siguro yun si Gerard. Nagulungan yung isa pang paa. Gagapang na talaga 'yun pauwi.
Dahil ang tagal-tagal ni Gerard, umuwi na rin aco. Mag-aalas-otso na sa orasan namin (advance kasi e), buti na lang di aco pinagalitan ni Mama. :)
It was such a wonderful day, kahit sininat pa aco at masama ang pakiramdam. God is really good to me. ^^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment