Friday, March 20, 2009

Finally

Ang daming naganap ngayong araw na ito. They made me feel frustrated, but despite that, I'm very happy. At last, I think the depression is over.

Play na ng Noli. Grabe, excited na aco. Maaga acong nagiseng para ihatid ang kapatid co sa school, pagkatapos ay nagbukas ng computer at nag'Plurk (love it!

Sheesh.. Late na aco. Sabe kase 8am pumunta sa school para makapag'practice pa. 9am na aco nakapunta. Am'bigat-bigat ng dala co kase bukod sa mga costumes, dala co din yung kurtina nameng malaki kaya mas lalong bumigat. Kaya ayun, pagdating co sa room na nasa katuktukan pa ng extension e lawit na dila co.

Di pa naman sila nagpa'practice. So pinakuha co kay Andrade yung laptop ng school na hinihiram kai Ser para maayos na ang aming sound effects. Puro nga Mozart yun e.

Inayos co na yung mga background music namen. At habang inaasikaso co yung pagpili ng mga sounds, ayun at nag'aayos naman ng speakers na gagamitin si Jayson. Sheesh.. Ayun, di pa rin kame nagpapansinan. Gustong-gusto co na nga siyang pansinin kaya lang naiilang aco. Pff.

Maya-maya, dumating na rin si Sir at nag-"practice" ng play namen.

Nakakainis nga e. Lahat na lang ng practice namen, puro balasubas. Wala na kameng matinong practice. Nakaka'asar kase ang daming interruptions. Psh.

Aco naman si Sisa, todo bigai. Adik e. Na-"antig" nga daw ang damdamin ni Sir. Di co lang alam kung kaya cong umiyak sa actual play; sabe kase nila umiyak daw aco.

Pinag'lunch na kame. Di muna aco nag'lunch dahil maaga pa at wala pa yung baon co. Inaayos co pa rin yung sound effects. At nung kakain na aco ng lunch, ewan co ba pero wala acong gana. Pero gutom aco, tinatamad lang talaga acong kumain. So matapos ng mga tatlong subo e niligpit co na rin ang baon co.

Nagbibihis na ang ibang mga section. Kaya kami ay nagbihis na rin. Nagulat pa nga aco sa itsura ni Andrade as Padre Damaso dahil talagang nag'iba yung itsura niya nang maglagai siya ng pekeng balbas using an eyeliner. Kamuka niya si... Hudas? Later na'realize namen na kamuka niya yung mga maskara sa Moriones Festival.

Nagbihis na rin aco as Sisa. Isang cream polo shirt at paldang mukang pang'labandera ang suot co. Ang luwag pa nga ng palda; super lawlaw at kita na yung shorts co kaya nilagyan co na lang ng pardible. Ni'try co pa ang itsura co kapag baliw na co kaya ginulo co ang buhok co at nagtali ng plastic sa katawan at buhok co.

Matapos makapag'asikaso, umakyat na kame sa Auditorium. Una ang Browing. Hmm.. okey lang yung sa kanila, pero di ganun kaganda. Sunod ang Wordsworth na talagang bonggang'bongga. Pero sa totoo lang, sa tingin namen e kaya naming talunin yun. Maganda kase ang mga props nila at lahat sa eksena e gumagalaw talaga at di lang basta nakatunganga--bagay na kulang sa'men. Pero kaya namin yun.

Bumaba na rin kami pagkatapos ng Donya Concolacion at Sisa scene ng Wordsworth. General practice kase. Asar nga kase sinasabihang practice na e ayaw pang magtata'tayo. Nagsisisigaw pa aco.

To my dismay, ang gulo ng aming "general practice". Dapat nga dere'derecho na, pero ang dami pa ring interruptions. Si Lopez nga e ilang beses cong sinigawan at binungangaan dahil parang tanga na nakatunganga at di alam kung saang scene papasok.

Asar talaga. Ang gulo.

Scene co na. Sabe co kay Valdez, na gaganap na Pedro, e totohanin na ang sampal. Naka'ilang ulit din kami kase sabe co lutungan yung sampal para masakit at para maiyak aco, e mahina pa'rin.

Dun naman sa next scene kung saan mababaliw na si Sisa e nabanas talaga aco. Panu kase sila Morada na siyang Guardia Civil e mukang tanga lang sa paghuli sa'ken. E sabe co umayos na e. Ayun, super sigaw tuloi aco at nag'emote pa.

"Para naman kaseng tanga e! Sabe ngang umayos na di ba? Alam niyo nakaka'frustrate kayo. Nagkakandahirap na yung iba nating kaklase tapos yung iba pa sa inyo ayaw magsiayos. Nakaka'frustrate talaga kayo. Ginagawa na nga ng iba yung lahat para umayos itong play naten tapos kayo ganian pa. [...] O ano, edi totoo na acong umiiyak!?"


Umiiyak na kase aco nun. Tahimik lahat e. Walang nagsasalita. Drama co. Nakaka'asar naman kase, nakakabwisit kaya.

word of the day: frustrate

Ewan co, mai kinuha yata aco sa mai bandang lalagyan ng portfolio. Tapos lumapit aco kay Almandral para tumutok sa electric fan. At natatawa'tawa aco habang umiiyak dahil natatawa aco sa sarili co. Natatawa na rin si Almendral sa'ken.

"E kase naman e, nakaka'inis sila." Sabi co habang umiiyak'tumatawa.

Pumunta aco sa CR para mag'ayos ng sarili. Pam'busabos na nga damit co, lalo pa acong nagmukang busabos kakaiyak. Haay, am'babaw talaga ng luha co kapag galit o naiinis aco. Pero kapag kailangang umiyak tulad ng sa role co as Sisa e di aco maiyak. Asar.

Back to normal ang Stevenson pagbalik co. Parang di sila tumahimik kanina nung nagalit aco. Parang di man lang naantig ang mga damdamin at na'guilty. Hay, tigas talaga ng mga muka. Pero kahet naman ganian sila, labs co sila.

Okey na sana aco, nainis lang aco kai Karen na gaganap bilang Consolacion dahil sabe cong sabihen na ang mga lines nia e sabi niya sa play na dw talaga. Ayun, nabanas na naman aco.

"Bala kayo. Tinatamad na acong mag'practice." Inis na sabi co sabay punta sa likod.

Umakyat aco maya'maya para manuod sa iba pang nagpe'perform at para magpalamig na rin ng ulo. Wala, mas maayos pa rin ang sa'men compared sa ibang section. Confident nga kame e. Nagku'kwentuhan kame nila Andrade at Manza na kami at Wordsworth lang magkalaban. Mai chance pa nga na matalo namen ang Wordsworth dahil maraming unique na part sa'men.

Malapit na kame. Actually kame nga yung last na magpe'perform. Wala na ngang masyadong nanunuod sa ibang section at maingay na. Icu'cut din daw pag mahaba dahil hangang 30 minutes lang daw. Inasikaso na namen ang kailangan.

Dan dan dum dan..

Kami na.

Oha. Unique ang scene 1 namen. Ang ibang sections e pare'parehong may nagsasabi na "Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Jose Rizal chuva chenes eklavu.." samantalang sa'men e si Rizal talaga ang nagsasalita na ginagampanan ni Manza. Nabasag pa nga yung plato co nung nadapa ang katulong na si Edmarie.

Bongga, lahat sa'men mai sound effects.

Katuwa nga nung Araw ng mga Patay Scene. Inaayos kase ni Jayson yung mga puntod e biglang bumaba na yung kurtina kaya biglang pasimpleng tuwid siya ng tayo.

Katuwa din ang Suyuan sa Asotea Scene kung saan kunyaring nag'kiss si Jayson at Amil.

Langya, baklang-bakla talaga si Quitain as Crispin. Nagtatawanan nga yung mga audience at niloloko siya.

Scene co na. Parang tanga, kumatok agad si Valdez as Pedro e di pa nga aco nakakapagsalita. Okey din yung paghaltak at pagsampal niya sa akin kahet di masyadong malakas.

Sheda nga, mali yung lyrics nung kanta cong 'Sa Ugoy ng Duyan". Umulit yung 1st two lines. Pero di naman siya halata.

Okay naman ang performance co. Kaya lang di aco naiyak.

Bongga din ang Pangingisda scene namen dahil unlike sa ibang section na parang tangang nakipag'klaban sa buwaya sa sahig, meron kameng cellophane na mukang dagat. Aba, aco yata nakaisip nun!

Pagkatapos nung scene na yun, biglang sabi ni Sir, "Cut na!"

Cut na? Lahat kame nagtaka kung baket ang bilis. 10 minutes pa lang yata yun. Grabe kaya! E sabe daw ng judges e cut na. Anu ba yon?

Nabuo tuloi ang mga ispekulasyon. Maganda daw kase yung sa'men kaya ayaw nang ituloi dahil baka matalbugan ang star. Sheda, asar talaga lahat.

Misa na tuloy agad ang sunod. May black make-up na aco kaya muka na acong busabos. Eto picture co:







Di ba, muka talaga acong busabos?

Pagkatapos e yung scene namen ni Karen. Tinamaan rin aco nung jumping rope na latigo although di masyadong masakit. E sabe co sa kanya lakasan niya e.

Pagkatapos nun, ending na agad. Asar talaga. Tumataas pa nga yung palda co nung patay na co e.

Bumaba na kame. Asar na asar ang lahat sa'men e. Lalo na nung nalaman namen na third placer lang kame. Di naman sa di kame tumatanggap ng pagkatalo, kaya lang alam naman namen na hindi iyon ang nararapat na place namen, lalo't Browning ang secong, Wordsworth ang first. Tanggap pa namen na natalo kame ng Wordsworth kaya lang Browning?

Dapat second sana kami kung natapos lang namin. May chance pa nga sigurong matalo ang Wordsworth nun. Asar talaga. Nung kame nga magpe'perform, naglabasan yung mga estudyanteng kani-kanina lang e nagkukwentuhan at walang ginagawa habang yung ibang section ang nagpe'perform. Tahimik rin sila. Nag'akyatan din ang mga teachers. Kase, expected nilang maganda. At maganda naman talaga sana, kundi lang na'cut. Asar. Eto mahirap sa school namen e, mga star sections lang ang pinapahalagahan. Pano magkaka ayos ang mga star ang non-star kung mismong teachers ang nagsasabong sa'men?

Ang dameng na'frustrate at na'dismaya. Asar talaga..

**

Pumunta na si Sir sa room at mejo napag'kwentuhan nga ng tungkol sa play. Sigaw nga ng sigaw ang lahat ng "LUTO!!" e. E ganun talaga e, basta para sa'emn kami ang nanalo. Rematch na lang, yung buo! Haha!

Nag'announce na ng mga best. Eto yung mga aattend sa recognition:

Leadership Awardee: Emmanuel Lexriel Andrade
-pinag'isipan daw talagang mabuti ni sir kase nga maraming conflict regarding sa pagiging president niya.
Most Industrious:Jayson C. Corpuz
-di man lang naglilinis ng room yan ah, partida. Haha.
Most Cooperative: Edmarie Macasinag
Best in Conduct: Jaynard Arpon
Best in Religion: Ivy Bernadette C. Nobleza


At last! Sa loob ng anim na taon co sa Liceo, makaka'akyat na rin aco sa stage on a recogintion day!! Haha!!

Pero sa totoo lang, alam co nang may award aco kaya di na aco masyadong nag'react kanina. Sinabi na kase yun sa'ken ni Sir Cortez dati e. Palibhasa hanga parati sa reporting co.

**

Uwian na. Matatapos na ang araw. Di pa rin kami nagpapansinan ni Jayson. Sabe nga daw nila Almendral, aco na lang daw talaga ang hinihintay ni Jayson na pumansin sa kania. Two weeks din kaming no pansin sa isa't isa.

Pero pinangako co sa sarili co na hindi matatapos ang week na ito na hindi kami nakakapag'usap. Kinalabit aco ni Kathie at sinabi ngang kausapin co si Jayson. Di muna kame bumaba, hinihintay pa namen siya. Nung lumabas na siya, lumabas na rin aco.

I gathered all my guts to talk to him. Hinawakan co ang braso niya at sinabeng, "Ui, bati na tayo."

At ang sagot? And ine'expect co: "Baket, di naman kase aco galit sa'yo e. Kulet."

Pero di na ito yung serious na "di aco galit sa'yo" unlike before. It was Jayson's usual way of talking. Good sign.

"E baket di tayo nagpapansinan?"

"Aba.. Di nga aco galit [...]"

Nagbibiro na rin siya. At kami, pinutakte ng asar. Puro "aiyeee...".

"Basta ah, bati na tayo. Bati na tayo ah!" Sabe co kay Jayson.

At paulit-ulit siya na hindi naman daw siya galit sa'ken. Ni'dare pa ni Honey si Jayson na yakapin aco. And to my surprise, he did! At para i'emphasize ang kaliitan co, nag'crouch pa siya para yakapin aco. :))

Niloko co pa nga siya habang naglalakad kame na tungkol sa satus message niya sa YM dati at yung sinabi niya rin dati sa mga classmates co.

Ang pagtitiwala ay isang mahalagang bagay sa buhay ng ito. Dapat itong pakaingatan dahil kapag ito'y nawala, di na ito mababalik pa. Pinapatawad na kita pero hindi na maibabalik pa ang dati kong pakikisalamuha sa iyo. ^^ wengks. ang drama ko.


Nanahimik naman siya tungkol dun. Anu daw yun.

Bati na kami. Bati na kami. Finally. At last. Sana, di magkatotoo yung sinabi niya status message niya. Sana kung anu man yung nasira sa'men e maayos.>

But at least, my depressions has ended. And I'm glad. :)

6 comments:

Anonymous said...

eh? bket "0 comments" ung dpat pindutin? hehe, tpusin m0 na ung p0st m0!. hehe, c0mment k ren sken!. hehe

~chibivy ♥ said...

@honey:

tapos na yung post co. ganian talaga yan kase wala pang'comment e. nagco'comment din kaya aco sayu!"

h0ney. said...

hehe,, aun, tapos na din pala et0, hehe, ang dame talgang nnyre sen nit0ng day ne etetch nu,. naku an drama m0 plagi padting kay JAYSON eh nu, nagulat tlga ak0 nung niyakap ka nia, as in d ko aakalain na tinotoo nia ung cnbe kung un ,. hehe =D, kamusta nam un dba?. WAHAHA

~chibivy ♥ said...

@honey:

Oo nga e. Syempre, isa din naman si Jayson sa mga close friends co; anim na taon din kaming magkakilala. Sayang naman kung basta na lang namin itatapon yung samahan namen nang ganun-ganun na lang. Kaya kahet super nahihiya aco (meron pa pala aco nun!), e nakipag-ayos na rin aco sa kanya. Kaya nga tuwang-tuwa aco nung nagkabati kame e.

Nagulat nga rin aco nung niyakap niya aco e. At in'emphasize pa ang kaliitan co. Di naman kasi siya yung klase ng tao na touchy e. Ganun naman yun, minsan malakas ang tama! =D

~~RoNNeL_ArBu~~ said...

ahhh.....Nag Bati Na pala Kau ni Jayson.....^_^

~chibivy ♥ said...

@Arbu:

Oo, matagal na. Kaya lang ewan co ba. Parang mai nagbago na. :(