"Amidst the sadness, there are people who'll give you joy. People who would make you smile and laugh as if there is no tomorrow. People who would help you forget your problems. People who are called friends."
May general meeting ang Music Ministry ngayon. So kasali kami sa meeting. Muntik na nga acong di makapunta dahil sa conflict namen ni Mama pero buti na lang e nakapunta pa rin aco.
Grabe nga kagabi e. Medyo maaga'aga din acong nagpasyang matulog, 2am (Maaga na rin yun para sa'kin no!). Pero di pa rin talaga aco makatulog, grabe. Pagulong'gulong na aco sa kama pero di talaga aco makatulog. So in the end, binuksan co ulit yung computer at nagbasa ng manga hanggang finally, antukin din aco ng bandang 5am.
Buti nagising aco ng 7am. Tinawagan co agad si Eday para ipaalala yung meeting. Kaya lang tulog pa daw. Tsk. Pa'no yan? Tulog pa rin si Adrian? Hindi ba niya naalala yung meeting? Amp.
Nagluto na lang aco ng ipangla'lunch co mamaya. Wala din naman acong aasahan sa mama co e.
Pero habang nagluluto aco, dumating si mama. Di co naman ine'expect na dadating siya ng maaga e. Di pa rin kame nagpapansinan. Okay na rin ito, at least makaka'alis aco ng maayos.
Nung dumating aco sa Kodak, di Arbu at si Mikee pa lang ang nandun. Sheda, di rin nagsi'datingan yung iba. Si Arsie, male'late pa yata. Pumunta na lang kame dun sa mai simbahan, at least nandun na kame.
Dapat nga, pupuntahan co na lang si Adrian sa bahay nila para maka'habol pa rin siya kung sakaling tulog pa nga. Ang kaso, magsisimula na yung meeting, e nakakahiya naman kung lalabas pa aco ng room na iyon.
Nakaka'antok, grabe. Pa'no naman kase, wala pang dalawang oras ang tulog co noh! Kaya hindi co na rin naiwasang mapaidlip ng konti. Hihi. ;)
Pagkatapos nung video na pinanood sa'min about kung ano ang pwede at hindi pwedeng kantahin sa simbahan, nagtanong si kuya Roman (yung parang MC) kung may questions. At ayon, puro tungkol sa Glee Club ang mga reklamo. Expected co naman na iyon considering yung mga kapalpakang ginawa namin e.
At lunchtime, sabay-sabay kami nila Arbu at Arsie. Nu ba yan, di aco talaga makakain ng maayos. Ilang araw na acong ganito, ayaw tanggapin ng bibig co yung pagkain kahit gano pa aco kagutom. Kahapon nga, hindi na aco halos kumain e. Kagabi ang kinain co lang e sopas. Amp, grabe. Nu bang nangyayari sa'kin?
Pagkatapos naming mag'lunch, nagkwentuhan muna kami. Ayun, kung saan'saang topic ang napuntahan naming: Glee Club, school, mga star and non-star, pati nga si Eday na nanahimik sa kanilang bahay e nadawit sa usapan. Mga 1pm na rin kami bumalik sa Simbahan.
Nagpa'photocopy kami nung koya tungkol nga dun sa diniscuss nung umaga. Dahil tungkol naman sa mga kantang pangkasal ang diniscuss, di na aco masayadong nakinig dun sa video. Ni'review na lang ulit ni kuya Ramon yung mga nasa videos. Madami'dami rin acong natutunan. Nalaman co na bawal pala talagang gamitin yung dalawang Bridal March (Yes, kung anong naiisip mo, ayun yon.) dahil sa totoo lang, yung isang pinakagamitin na Bridal March e ginamit sa isang opera dati na ang purpose niya e para sa paghahanda ng bride sa honeymoon . And the second most popular e ginamit e sa isang opera din whereas ayun yung ginamit sa kasal ng mga elemental bodies. Kaya mali pala yun. Bawal din palang gamitin yung mga theme songs echos sa kasal dahil di naman daw yun church songs. Respeto na lang daw sa simbahan at sa matrimonial rite.
After that, yung questions at suggestions na naman about sa choir at sa misa. At yung Glee Club nga yung pinaka'maraming pagkakamali. For instance, yung pagpa-"patintero" nga ng choir at lector sa Great Amen at "Sapagkat". Nangayari na kasi yun sa'min e. So tuloi, required kaming (lahat ng choir) kantahin ang lahat ng kanta pwera na lang sa "Salamat" at kung sasabihin ng pari na i'recite.
Bawal na rin pumalakpak after Mass kasi mali naman daw talaga yun.
Tapos yung mga salmista. Since hindi naman kami nagsa'salmo, di kami kasama sa pagkakamali ng mga salmista. Pero kami lang ang choir na hindi nagsa'salmo e. Kaya ayun, tinanong kung anong gagawin naming dun. Ang sabi co naman e balak na naman na talaga naming mag'salmo sa next mass naming (which is true dahil napagplanuhan na namin yun). Okay daw, at least mai progress naman kami kahit papano.
Tinanong din yung mga kanta kung pwede bang kantahin yung particular song na iyon. Ang daming nabago dito. Tinanong co yung "Wag Kang Mangamba" namin kase iba yung tono ng ibang choir sa tono naming. Yung tono pala nila yung talagang original at style lang ni Sir Bautista yung nakasanayan na naming na namana pa namin sa dating choir.
Marami din kaming na'discuss. Okay naman ang ibang choir, friendly naman sila kahit papano sa'men kahit na nga marami kaming pagkaka'mali. Ang mga obvious lang siguro ang pagka'inis sa'men e yung mga lector. Pero okay lang.
Pagkatapos ng meeting, napagpasyahan naming puntahan si Eday sa bahay nila. Magbibihis pa nga lang nung pagkadating namin e. Nandun nga lang kami sa bungad ng compound nila. As usual, ayaw kaming papasukin sa loob ng bahay nila. Pero siguro dahil sa pangungulit at pagpaparinig naming at dahil nandun na rin kami, pinatuloi na kami sa bahay nila. Kami nga lang dalawa ni Arbu kasi si Arsie uuwi na.
Yes! Sa halos mag'aapat na taon na magka'kilala at magkaibigan kami ni Eday, nakapasok na rin aco sa bahay nila. Di kase talaga nagpapa'punta ng tao sa kanila yun e. Halos magkapit-bahay na nga kami nun pero ayaw pa rin acong papuntahin sa kanila. Achievement co na ang maka'pasok sa bahay nila. Pwahahahaha! XD (Hyperbole!)
Grabe nga e. Ang daming medal sa kanila. Kinder to grade 6 at bukod pa yung sa high school. At kay Adrian ang lahat ng iyon! Well, ano pa bang ie'expect co. sa matalinong estudyante na katulad ni Eday, di ka na dapat manibago nun. But still, kung aco si Eday o ang mga magulang nila, parang feeling proud talaga aco makita co lang yun.
Nagkwentuhan pa kami. Ang harot nga ni Eday e. Ayun, napagk'kwentuhan naming yung cellphone niyang nanakaw dahil na Budol gang siya. Sabe co nga sa kanya, ang tali'talino niya pero nabobo siya sa bagay na yun. Pero di co rin naman siya masisisi kase may power of hypnotism yung mga kawatan nay un e.
Tapos hinulaan namin yung mga badges na na'acquire niya sa boy scout. Out of 21 badges, naka'12 na hula din aco. Tinanong co kung anong grade ang ibibigay niya sa'kin kung sakali and he said 85. Not bad uh, considering na hindi naman aco boy scout at hindi co naman napag'aralan kung ano talaga ang mga badges na yun.
Alas'kwartro na kami umalis sa bahay nila. Nagyaya pa nga silang mag'kwek e wala naman acong pera. Wala na talaga acong pera, P25 na lang yata yung laman ng pitaka co. Di naman kasi aco binigyan ni mama ng pera e (at hindi aco humingi). Imagine, yung P50.00, nagkasya sa'kin ng dalawang araw? Matipid naman kase acong tao, lalo na kung kailangang magtipid.
Pero nagpilit sila. E wala naman acong magawa. Kunsabagay, kasya pa naman yung pera cong pang'kwek.
Pagkatapos namin, binayaran ni Eday yung dalawang kwek na nakain co. Wow ah, generous. Wala lang, nakakatuwa lang na nilibre niya aco. Kunsabagay, kung mai pera naman talaga si Adrian e talagang manlilibre siya. Babawi na lang aco sa susunod.
Pumunta na kami sa simbahan pagkatapos. Tatlo nga lang kami e. Imagine, tatlo! Kapag walang ibang dumating, break ang record co na limang members lang ang nag'choir sa misa. (Originally, dapat nga duet lang kaming dalawa ni Arbu e. Buti nandian si Eday.)
Nandun nga si idol co e, nakanta para sa rosary. Nandun din siya kanina nung meeting. Ang idol na tinutukoy co e yung babaeng bulag na choir member (PEACE choir). Pero kahit mai kapansanan siya, grabe, ang ganda ng boses niya. Ang galling niyang kumanta at ang taas pa. Mai parati lang siyang kasamang matandang babae tuwing nakanta siya. Pero grabe talaga, idol co siya! Super!
Umakyat na kami sa choirbox habang nagro'rosary para makapag'practice kami ng mga kakantahin. Pinapractice co nga yung mataas na ending sa Opening Song namin at Papuri. Wish co lang magawa co.
Dumating si Mau. Hay salamat, nadagdagan din kami. Pagkatapos ng rosary, kinuha na nila Arbu at Eday yung mic sa baba.
Parang ang anxious nga naming ngayon e. Kinakabahan kami na di naming alam kung bakit.
Nagsimula na rin ang misa. Sheda, di co nagawa yung high ending ng opening song. Nawala aco. Buti na lang di masyadong rinig. Amp. XC
Bago mag'Papuri, umakyat si Sir. Yes! Nandian pala siya. Ang akala niya daw pala, wala kami.
Pagtapos ng Papuri, dumating si Jaymiriz na namumutla. Masama nga daw kasi pakiramdam niya e. Sinabi co din kay Sir yung mga napag'meetingan at yung dapat at di dapat kantahin. Sa'min kasi nagsimula yung implementation nun e. Sinabi co rin yung tungkol sa Salmo, kaya magsasalmo nga daw next next Saturday. At ang magsasalmo? Ako! Sheesh.
Naging okay naman ang kanta naming kahit lima lang kami. Halos kaming dalawa nga lang kami ni Eday ang productive kasi si Jayjay masama nga pakiramdam, si Arbu ewan co kung kumakanta ba, at si Mau e nawawala. Pero okay lang naman.
Dahil May, mag'aalay ng bulaklak sa dulo ng misa. Nag'stay pa muna kami sa choirbox kahit si Sir ay umalis na. Pinaalalahanan niya na lang kaming maging maaga next next Saturday para ma'practice ang (una naming) salmo.
Nagkwentuhan nga kami sa choirbox e. Ang sama namin. =D
Si Eday, baka daw sasali sa Bebot. Yung Beboy e contest ng mga (tunay na) lalaki sa pageant na pambabae. Ni'recruit nga daw siya ni Ella. Sabi co sa kanya talagang susuportahan co siya e. kaya lang sa San Roque daw yata yung location. E sabe co kay Eday, yun nga lang, magkaka'issue na naman sa school tungkol sa sexuality niya. Oo nga daw. Pero ano naman ba, e alam namin na talagang TUNAY na lalaki si Eday. (Wow!)
Natapos lang ang kwentuhan nung natapos na ang pag'aalay ng bulaklak kay Mama Mary. Bumaba na kami. Si Mau umuwi na pero sila Eday e niyaya pa acong mag'gala. Kumain daw kaming kwek. E wala na nga acong pera e. Pero kinulit'kulit nila aco; sila daw bahala sa'kin. Aalis na dapat aco pero si Eday hinila pa aco nung patawid na. Wala na acong nagawa.
Imbes na mag'kwek muli, nag'goto na lang kami. Dinagdagan na lang nila Jay at Eday yung pera co. Yung sa'kin nga mai laman, yung kay Arbu wala e. Ahahaha.
Ayun, nahuli aco sa pagkain. Wala nga kasi acong appetite ngayon. Nagpatulong na lang ac okay Arbu at Adrian na ubusin yun. Haha.
Ala'siete na nga aco naka'uwi e. Sabe nga ni Eday, hayaan co na lang daw. Kasi hindi rin naman kami magkakabati ni mama kung uuwi aco ng maaga. Edi lubos'lubusin co na daw. Saka kung sa bahay lang daw aco, magmu'mukmok lang aco, maiisip co lang lalo ang mga problema co kaya malulungkot aco. At least kung lalabas daw aco e magiging masaya aco. B.I. nga e. Haha. Pero sa totoo lang, mai point siya. Tama naman di ba?
Nabanggit ni Arbu yung tungkol sa Impossible Quiz na pinasa co sa kanya. Na'curious nga si Eday na laruin, sabe niya tuloi pupunta siya sa'min dahil wala naman silang internet. Parang napag'usapan naming na weekday ng gabi pumunta kasi di aco komportableng makiharap sa mga tao kapag nandiyan nanai co e. Ewan co sa kanya kung totoong pupunta yun.
Naging masaya aco sa araw na ito. Kasi kahit nga mai conflict sa bahay, nakalimutan co yon kahit papano dahil kasama co yung mga taong nagpapasaya sa'kin. Salamat sa kanila. I somewhat feels that I am loved.
2 comments:
I hope maayos na yung conflict between you and your mom. :)
And yes. I really feel happy when I'm with my friends. They make your problems go and it's just fun whenever I'm with them. Yay. :)
@Ariane:
Nako, parati naman kaming may conflict ng nanai co e. =p Edi hayaan na lang. >__<
Oo nga. Sila ang nagpapasaya sa'kin when I'm feeling down. I'm glad I've found REAL friends. : )
Post a Comment