Friday, June 26, 2009

Ingles Na Mabangis!

Warning: Pang-ookray sa teacher. Please spare my life!

Wala namang masyadong nangyari sa araw co. Ordinaryo lang, pero may mga nakakatuwang nagyari.

Katulad na lang nung Filipino time. 'Di nga aco masyadong nag-recite nun kasi hindi co binasa yung kwento, yung first part lang. It was so unlikely of me, I mean, not reciting and not having read what was told to be read. Kasi, arrogance aside, hindi aco sanay ng hindi nagpaparticipate sa reciatation, hindi confident na sumagot at umiiwas na matawag. Ang awkward ng feeling.

Tapos di rin aco sanay na walang alam sa mga stories sa libro, lalo na sa English at Filipino. Usually kasi, pagkabiling-pagkabili ng libro lalo na sa dalawang subjects na 'yon, sinusuyod co na ang libro poara magbasa ng mga kwento. Well, nabasa co na yung libro co sa Filipino, pero hindi yung istoryang "Ang Dalaginding". Ang awkward din ng feeling.

Anu ka ba Ivy! Di ba sabi mo magtitino ka na ngayong year? Ayusin mo naman buhay mo!

Nakakatawa nga si Ms. Bulilan. Palibhasa tungkol sa pag-ibig ang maikling kwento, ginanahan tuloy magkwento tungkol sa lovelife. With matching actions pa kaya kami tawa ng tawa. Lalo na yung tawa niya (ask Jayson for demonstration).

Nagquiz kami sa Math kaya di natuluyan check-an yung assignment na di namin malaman kung Honesty ba o Goodness ang tamang sagot.

27/30 ang score co. Okay na rin, kaya lang may itaas pa sana yung score co dahil alam co naman kung yung tamang sagot sa mga mali co. Kaya lang dala ng katangahan at ng pagiging absent-minded, namali aco.

Nung English na, alisan yung mga magagaling cong kaklase para sumali sa audition sa Batingaw. 'Di co naman sila masisisi kung ayaw nilang maklita si.. ahm, yung english teacher namin. (Di co na ilalagay yung pangalan, though alam co naman na wala ring magagawa 'yon kasi kilala rin ng mga tao kung sino siya).

Grabe. Jusme, everyday e palala ng palala yung english niya. At english teacher siya nun ah. At dahil mabait acong estudyante, narito ang listahan ng kanyang mga malulupit na english:

[Nung Monday yata 'to]
"Do I clear myself?"
- Sige! Ikaw na malinaw!

[June 25; nagbasa ang isang group sa harap]
"Clap yourself!"
Translation: Ipalakpak niyo ang sarili niyo!
- Anu daw?? Pa'no yun??!

[June 26; discussing a lesson]
Example of a sentence: (written on the board)
"The dog is barking at the verb."
Translation: Ang aso ay kumakahol sa pandiwa.
- WUT!!? 0.0

Grabe. Super tawanan kami kanina dun sa nakasulat sa verb. Super okray namin siya habang nagdi-discuss, palibhasa e nagdi-discuss. Nung nagtanong na kung may mga questions kami, eto namang si Jayson e sinabi kay miss. Ayun, natawa din siya sa sarili niya. Tawanan kami e. Pero pagkatapos nun mukang uminit ang ulo. Haha!

Bakit di pa kasi si Sir Luna ang naging teacher namin e. Di co pa rin talaga matanggap. Almost 9 months din kaming magtitiis sa magaling naming English teacher. XD

1 comment:

Anonymous said...
This comment has been removed by the author.