Wednesday, January 14, 2009

topak

01.13.09

grabe! super kakainis ang araw na ito. super lungkot ng mga nangyari, super... disappointed aco sa events, lalong-lao na sa mga tao sa paligid co. dammit.

actually, masaya naman ang simula ng araw co. super happy co ngayon. tawa na naman aco ng tawa (as usual) na parang wala nang bukas.

hanggang sa mag'AP na.

pinaghahandaan namin yung play namin sa AP. nag'groupings na. maswerte pa nga aco dahil kahet papano ay mga matitinong members yung napuntahan cong group. si jayson ang leader namen, na pinagpapasalamat co dahil nababanas na aco sa pagli'leader palage.

ang ipe'play namin ay tungkol sa greek gods ang goddesses ng greece, cleopatra ng egypt, at alexander the great ng rome. luckily, greece ang napunta sa'min. e ayun yung gusto ng lahat na makuha. nag'hihiyawan pa nga kame na dapat sa'men mapunta ang greece dahil nasa amin si andrade.

greece (grease)=Andrade Cebo-ano

kaya super hiyaw talaga kame dahil ang nakuha ni jayson dun sa pina'agaw na papel e Greece. pero first naman kameng magpe'perform. okay lang, at least maganda yung play namen. sabe co kase sana kung di greece e egypt ang makuha namen para maganda.

at pina'punta na kame sa kaniya'kanya nameng grupo para mapag'usapan ang "en gradeng" play. share naman aco ng ideas co. enthusiastic pa aco dahil masaya aco nang araw na iyon.

sa likod co, naghaharutan sila araojo at olid.

at ayun, napasama aco sa harutan. at nainis aco. feeling co... nabastos aco.

actually, wala naman talagang nangyari. humawak lang si olid sa balikat co habang nasa likod co siya at gumawa ng... ng... ng di kaaya-ayang tunog. at ayun, nainis na aco. hinampas co si olid ng pagkalakas'lakas: isa sa ulo, isa sa balikat. at si araojo: isa sa likod. alam cong malakas talaga kase lumagutok yung pamaypay sa balat nila, saka napa-"aww.." yung mga nakakita. kawawang pamaypay ni jayson.

at bumaling na ulit aco sa mga ka'grupo co. tahimik aco.

shet. wala na, nabad'trip na aco.

...

...

at nag'init na yung mata co. may mga luha na. pinunasan co na sila bago pa tumulo sa pisngi co. at binirahan co sila ng walk'out palabas ng room. kahet pa narinig cong tinawag aco nila jayson.

derecho aco sa CR dahil malapit lang naman yung, sa tabi lang ng room namen. ni'lock co na yung doorknob, tutal wala namang magsi'CR dahil may klase pa ang third year. at dun aco humagulgol ng iyak.

actually, di co alam kung baket kailangan cong umiyak e. wala naman talagang nangyari ng masama o talagang grabe. mas grabe pa ng yung paghaharutan at balyahan namin nila araojo at ponan nung monday e.

pero wala, naiyak na talaga aco.

habang umiiyak aco, ang naiisep co lang, "baket ba binabastos aco ng mga lalaking iyon? baket sa iba naman di sila ganun? baket, babae din naman aco ah! nakakainis! aco ba ang nagbibigay ng dahilan para bastusin nila aco? bwiset talaga ang mga lalaki sa mundo!"

alam co naman ang sagot dun sa mga tanong co sa sarili co e. di naman aco normal na babae. or rather, di aco ang typical na babae. tingin co nga e hindi naman talaga babae ang tingin sa'kin ng mga lalake. magaslaw aco, galawgaw, maharot, magulo, at lalong-lalo na, mukang bata. umabot na nga aco ng third year pero hanggang ngayon e nakikipag'balyahan at nakikipag'hampasan pa rin aco ng tambo sa mga lalaki e.

kaya siguro ganun. sabihen na lang natin na... medyo mas komporatble na ang mga lalake na biruin at lokohin aco kaysa sa ibang lalaki dahil nakikisabay din aco ng asaran at tuksuhan.

kaya siguro hindi na din aco masyadong kina'iilangan ng mga lalaki na okray'okrayin. kase nga, makikipagsabayan aco ng asaran.

pero dahil ba doon, dahil masyado na silang komportableng lokohin at asarin aco, nawala na yung respeto nila sa'ken?

siguro nga aco din ang mai kasalanan. kase magaslaw aco, makulet, maharot, mukang bata. haay.

nature co na nga ang ganito e. since the beginning of my exixtence in earth e malapit na talaga aco sa mga lalaki, yung mga kaklase cong lalaki. yung malapit in the sense na kakulitan at kaasaran. mga mortal enimies. at the same time, best buddies.

No comments: