Sunday, March 22, 2009

Just A Week To Go

"Everything has its own ending. And whether we like it or now, we have to let go of the things we learned to love to move on to a new beginning."



Isang linggo na lang. Isang linggo na lang at isang school year na naman ang magtatapos. Matatapos na ang school year 2008-2009, mai mga ga'graduate na naman, habang kami, iiwan na ang aming Junior life.

Ewan co ba, maisip co lang ang bagay na iyon e nalulungkot na aco. The mere idea of ending gives an unknown pain in my chest. Para bang sasabog ang dibdib co.

Ayoko sa lahat ay ang mga pagtatapos. I hate goodbyes, I hate endings. I hate it when we have to let go, I hate the words of goodbye. Dahil kahit sabihin pang walang mababago, I know something would change. And slowly, after the goodbyes, evryone will continue with their own life, and soon, it was as if no one would remember that chapter of their lives.

Patapos na ang taon, pero parang walang umiintindi masyado sa bagay na ito. Nagtatawanan pa rin kami katulad nung umpisa at kalagitnaan ng taon, nag'aasar na parang walang bukas. Siguro ayaw muna nilang maisip na matatapos na ang taon, o kaya naman ay wala talaga silang pakialam kahit matapos na ang lahat. It easier this way, hindi co masaydong malapit nang dumating ang katapusan. But I know the end is fast approaching, and I could just savor the moments 'til it last.

Sa totoo lang, natutunan co na ring mahalin ang section co. Eto ang pangalawang pinakamasayang school year para sa akin, pangalawang pinakamasayang section na kinabilangan co. Napalapit na sa puso co ang mga classmates co, ang adviser co, ang mga teachers co. Kahit sabihin pang ilang beses din kaming nagkaroon ng mga conflict, nagkaroon ng mga alitan at awayan, nagbarahan at plastikan, iba pa rin yung bonding moments that we've shared. Iba pa rin.

Pero ngayon, matatapos na naman ang isang kabanata sa buhay co. Pero anong magagawa co? Ganun talaga. May mga bagay na nagtatapos upang makaroon tayo ng bagong simula. May mga bagay na dapat iwan sa nakaraan upang maka'usad sa hinaharap. At sa loob ng isang linggo, magtatapos na ang school. Katulad ng parating nangyayari. Sana lang, kahit matapos na ang school year, hindi matapos ang samahan, at hindi makalimutan ang mga alaala naming nabuo.

3 comments:

h0ney. said...

w0w,. ikaw na super em0te, ak0, din, mami-miss k0 t0ng secti0n nten, huhu.. :(

~chibivy ♥ said...

@honey:

Oo nga e. Nararamdaman co na kase ang pagtatapos ng school year. Parang ayoko pa. Parang kailan lang nung first day of classes, nung nangangapa pa tayo sa pagpakilala sa isa't isa. Tapos matatapos na agad? Haay. Wala na, next year di na magiging ganito ka'dikit ang bonding naten e. =(

h0ney. said...

huhu,. kea nga eh, kaya nga ung SWIMMMING nlng ang last b0nding m0ment nten ayaw pang sumama ng iba, haiist kanis nman oh!!