Friday, May 8, 2009

DCSS-SSG Leadership Taining

After so many conflicts, I was able to join the Leadership Training. Whew! Ang dami pang dramahan bago aco makatuloy nun!

Sabi ni Adrian, 3pm daw ang assembly sa school. I was even ready before 3pm. Kaya lang sabi co baka naman masyado acong maaga. Muka nga acong tanga e. Iniisip co, "What if hindi pala talaga aco kasama?", "What if nananaginip lang pala aco nung time na pupunta sila Eday sa bahay?". Haha. Paranoid.

Dahil feeling co e maaga pa, una cong dinala yung big bag ang pillow co, leaving my body bag and other things behind.

Pero pagdating co, nilalagay na nila yung mga gamit sa van. Hala! Late na ba co? Dali'dali acong bumalik ng bahay at kinuha yung iba co pang gamit.

Pero hindi pa naman pala aco late. Actually naghintay pa kami ng iba e.

Sayang nga kasi si Wani, hindi makakapunta. So wala nang P.I.O. Sabi kasi ni Sir. Kapag di ka umattend ng Leadership Training, tanggal ka na. E yung pwesto co as 4th year representative, ewan co lang kung aco na talaga yun. >__>

Si Bing na lang ang hinihintay, yung 2nd year representative namin. Pinuntahan na nga nila Gerard at Eday e. At pagbalik nila, ayun, di nila kasama si Bing. Pa'no daw kasi, nakahanda na yung mga gamit pag'alis, nakabihis na rin. Talagang aalis na lang. Kaso yung tatay niyang masungit, ayaw siyang paalisin. Yung mama kasi yata niya yung kausap niya tungkol sa Leadership Training e, e wala pa.

Kaya ayun, umalis kami ng hindi kasama si Bing. Sayang talaga. >__<

No comments: