Thursday, March 19, 2009

I ♥ Plurk

Nyaha! May na'discover na naman acong bago!

It's called Plurk, a free social networking and micro-blogging service that allows users to send updates (otherwise known as plurks) through short messages or links, which can be up to 140 text characters in length.

Updates are then shown on the user's home page using a timeline which lists all the updates received in chronological order order, and delivered to other users who have signed up to receive them. Users can respond to other users' updates from their timeline through the Plurk.com website, by instant messenging, or by text messaging.

-oha, the power of wikipedia!

Just look at the pink and brown box sa right ng blogsite co. That's my Plurk. Cute noh? Pwede ring i'edit ang color nian.

Nawiwili na nga aco sa kania e. Ang cute kase e. Wala lang, nakakatuwa.

Try nio! Tapos invite nio co as friend ah. chibivy ang name co.

Click here to try Plurk.

Monday, March 16, 2009

Still Depressed

Damn. Bakit ba ganito ang mga pangyayari sa buhay co? An'dame na namang mga bagay na nakaka'inis. An'dame na namang bagay na nangyayari sa'ken na di maganda. Sheesh..

Okay. So I have problem with my school and with my family. Sometimes, I wish I could just disappear, or escape in this kind of situation for just a day. Pero syempre, imposible naman yun di ba? At wala naman acong magagwa kundi harapin ang lahat ng problema.

So, di pa rin kami nagpapansinan ni Jayson. Ayun, sabe niya di naman daw siya galit sa'kin. Kaya lang nararamdaman co naman e. Ang awkward nga e. Kasi, magkatabi lang ang upuan namin, nasa iisang room kami, pero di kami nag'uusap. Nakaka'asiwa. Jeez.

Exam day ngayon. Magkatabi na naman ang upuan namin. Ilang inches lang yata yung pagitan namin pero di man lang kami nag'papansinan. Sa totoo lang, dapat talaga ita'try co siyang kausapin kanina. Saka nanghingi din aco ng sign na kapag dala niya yung pamaypay na lime green na puro sulat ng pangalan at mga codenames co (na siya rin ibinato co sa kanya kaya kame nag'away), e kakausapin co siya. Dala niya nga yung pamaypay. Kaya lang sabi ni Apple sa'ken na hindi naman daw pinanuod ni Jayson yung DVD ng Saw na ang tagal nilang kinulit'kulit sa'ken. Inagaw niya pa nga 'yon kay Apple kase gusto niyang mapanuod yun e. Tapos wala naman daw siyang pinanuod kahit isa.

Na'discourage tuloy aco. Napatunayan cong galit pala talaga siya. Grabe, ang lalim palang magdala ng sama ng loob ng taong yun. Naiinis aco sa kaniya, naiinis din aco sa sarili co. Psh.

Gustong'gusto co na nga siyang kausapin e. Kaya lang sasabihen na naman nun sa'ken, "Di nga ako galit." kahet kitang'kita mo naman yung coldness sa mukha niya.

Ganun na lang ba iyon? Ganun na lang ba basta'basta mawawala yung pagkakakaibigan namen na ilang taon din in'establish? Ngayon lang ngang third year kame naging ganito ka'close e. Tapos ganun na lang mawawala yun?

'Pag naiisip co yung conflict namen, gusto co na talagang umiyak.

**

Isa pa itong iringan namen ng nanai co. Ayun, nag'away na naman kame nung weekend. Parati naman e. Kaya minsan, ayoko ring nandito si Mama sa bahay. Pa'no kase, parati na lang acong sinesermunan ng walang kabagay'bagay.

Binura nga niya yung account co sa computer. So nabura rin lahat ng files co. Buti yung mga word documents e nabura, buti na lang mai backup sa flash drive. Kaya lang sayang yung mga pictures co na hindi co pa naa'upload sa Friendster o sa Multiply. Pero di bale na yun, di co na rin masyadong pinaghihinayangan. Kaya lang ang nakaka'asar e yung pagbura niya dun sa account co. Bakit niya kailangang burahin di ba? Account tuloi ng kapatid co ang gamit co ngayon.

Tapos sabi pa, wala daw acong sasamahang swimming. Mai swimming kase kame sa Glee Club at sa section namen e. Nagbayad na nga aco ng P70.00 para makapag'down. Sayang naman kung hindi aco sasama.

Basta, pipilitin co talagang sumama. Aco nga ang super nagpilit at nangulit sa mga kaklase cong sumama e, tapos aco pa ang di sasama.

Marami pa kaming pinag'awayan ni mama, di co na lang ilalahad dito yung iba. Basta, akin na lang yun.

Minsan nga, parang mas pinanahalagahan niya pa yung ibang tao kaysa sa'kin e. Alam co naman yun. Nararamdaman co naman e. Saka di lang naman aco nakakapuna nun e. Tapos ang dami-dami niya pang expectations sa'kin. E ano bang magagawa co kung hanggang doon lang ang kaya cong gawin, alangang ipagpilitan co pa. Buti pa yung mga simpleng nagagawa nung ibang tao e nakikita niya, pero kahet anong gawin co e niya naman napapansin. Isn't it unfair?

I only wish to be happy, that's all. Pero bakit ba parang mailap ang kasiyahan sa'kin? If only I could disappear. Sana mawala muna aco kahit sandali, para mapansin naman ng mga tao kung ano ang ginagawa co para sa kanila.

If Death visits me at this very moment, I would gladly welcome him. I'm already prepared, and it's better to die when you are prepared than clinging on life when Death comes on you way.

Saturday, March 14, 2009

Lilim Kiss



Category: Books
Genre: Romance
Author: Mizuki Kawashita

Lilim Kiss (りりむキッス, Ririmu Kissu) is a shonen manga created by Mizuki Kawashita, about a boy whose life is disrupted by a lilim who feeds on people's energy by kissing them (in this case, the protagonist). The manga spans 2 volumes, and is of the romance/comedy genre.

The story is about Takaya Saiki, a tough, but surprisingly vain guy who's practically invincible, as he couldn't be beaten by anyone at school, both physically and intellectually. That started to change when a pendant was dropped on his head by a crow at random, and he sets a lilim free after opening it. He names her Lilim, after her species, since she has no name of her own. He makes a bargain with Lilim to be her sole provider of life energy (i.e. Lilim would kiss only him), so she won't need to take other men's life energies.

After finding out that Takaya's energy is much different than others, Lilim agrees to kiss only him. Takaya convinces his parents to let Lilim stay at their house and eventually falls in love with her, his personality mellowing greatly in the process. She soon reveals that the reason Takaya's life energy nourishes her better than that of most men, is because they have moles in similar places. This could be theorized to indicate a mystic similarity between the two of them.

She was trapped inside a pendant until Takaya set her free. Once sealed in the pendant, she loses all of her memories. Eventually, Lilim is re-sealed in her bottle by Yukihiko Souma, her previous owner, who intends to reclaim her after the sealing has wiped her memory. But it didn't come according to his plan, as Takaya's desire to be reunited with Lilim is the only thing capable of breaking the seal placed on her by Yukihiko. Although she has lost her memory, she feels a strong desire to be with Takaya and no other. It is most likely that she returns his feelings; that romantic attraction to Takaya has become an integral part of her subconscious, as opposed to her erasable conscious.

wow. grabe. aco na adik!

friday night na naman. naiwan ni mama ang cord ng internet. haha. edi todo internet na naman.

dahil wala na naman acong magawa, pumunta ulit aco sa onemanga.com. nag'register na nga aco sa kanila e.

nagba'browse acong muli sa mga manga list. sheda, wala acong makitang maganda. hanggang nakita co yung Lilim Kiss.

nakakatuwa siya kase si Lilim ay isang succubus (female vampire preying on men), pero di naman talaga siya parang isang bampira. ang ginagawa niya kase, niki'kiss niya yung mga biktima niya para mabuhay siya at kinukuha ang mga life energy ng mga ito.

nakakatuwa yung mga chapters. 24 chapters lang naman kase siya e, kaya mejo madaling basahin. at muli, isang mag'damag co lang natapos. siguro mga 12:30-3:00 aco nag'basa.

nakakatuwa si Takaya e. kaya lang nabwisit aco kai Miu kase ang pa'cute nia pero ang sama nang ugali. muka ring psycho.

sa huli na mejo na'reveal ang feelings ni Lilim at Takaya sa isa't-isa. pero maganda yung kwento. naiiyak'iyak na nga aco e. (pero mas nakakaiyak yung Bitter Virgin).

hay, an'dame co pang pending na babasahing manga. naaadik na aco sa pagbabasa sa OM. ;]

Friday, March 13, 2009

Noli Me Tangere Roleplay

i woke up feeling excited for our play. kagabi pa aco excited para dito e. kaya pagkagiseng pa lang, yung play na agad ang nasa utak co.

mejo badtrip aco nung umaga. pano kase, maagang dumating si mama sa bahay. great, mai mag'aayos ng buhok co. kaya lang mayamaya e sinermunan na aco. panu kase, nagloloko yung pesteng computer. jusme naman, e di naman aco mai kasalanan nun e. computer error kaya yun! duh! kaasar.

kaya minsan nakaka'inis din na nandito si mama sa bahay e. nakaka'asar. parati na lang ganito.

**

derecho aco sa room pag'pasok. sheda, di daw dala ni remolacio yung sotana. walang costume si Arpon!

nag'aayos na sila pag'dating co. mayamaya, dumating na ang mga tao. nagsipag'bihisan na rin kame.

mejo nakaka'inis lang yung group 1. panu kase, ayaw nilang magpahiram ng ibang props. e magkaka'klase naman kame e, sana man lang nagtu'tulungan di ba? para naman sa ikaka'ayos ng play at ng section namen ito. sheesh.

no offence sa group 1. just stating my opinion. kaya nga nagba'blog e. walang samaan ng loob.

ang aking role? halata naman na e. edi si SISA! haha.

yung damit co nga e amoy aparador. panu kase, mga lumang damit yun ng nanai co na naka'stock lang sa cabinet. haha.

**

play na ng group 1!

shucks! ang ganda nung sa kanila. serious din. jusme, si andrade (bilang Padre Damaso) e nanlilisik ang mata habang nag'sasalita. haha. katuwa.

kwela din si amoranto bilang Donya Victorina. di nga lang gumagalawa yung improvised pwet nia. ;]

so, eto ang mga nakaka'tuwang eksena sa kanilang play:

ana jane (Tia Isabel): magandang iho, ibarra!!
-ah, ang ganda nga ni jayson ano?

amil (Maria Clara): ano iyon?
araojo (Elias): kahoy lang po iyon.
jayson (Ibarra): eh iyo, kahoy lang rin ba yon? *sabay turo sa basket kanina ni Sisa na ibinalagbag na lamang basta*
araojo: *tingin'tingin* hindi! buwaya yun!
*bumaba sa "bangka", sumunod si jayson at pasimpleng iniligpit ang basket*
-okay, pasimple pa kayo dian ah

jayson: *imbes na kutsilyo ang gamitin sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso, eh carrot!*
-okay, nakaka'matay ang carrot!
... alagad ng Diyos na puro kabanalan ang lumalabas sa bunganga! (imbis na bibig ang dapat na word)
-am'brutal ng salita e

wala na acong masyadong matandaan sa iba pang katuwa'tuwang parts e. basta, ganda rin nung play nila.

**

bam-ba-dum-dum!

play na namen!

sheda, first scene pa lang, nagka'gulo-gulo na. engot kase, dapat papasok kaming lahat para sa salu-salo, kaso yung mga main characters lang para sa scene na iyon ang pumunta. sheda. >____>

okay, sa ang gulo. am'bilis din ng flow ng play namen. sheda.

scene co na. haha. SISA!!

sheda, ang sakit nung pwet co pagsalampak co sa sahig. sabe co kase kay valdez (Pedro), sampalin niya aco ng malakas. kaya sumalampak aco ng todo para kunwari malakas. sheda. ang sakit.

at nagulo mag'isa ang buhok co ah. nice. magka'roon ka ba naman ng buhok na katulad ng sa'kin e.

okay na rin sana yung acting co. sabe co pa sa mga teachers na nag'judge, "nakita nio ba si crispin at basilio?" oha. mai audience participation.

kaya lang nagkamali aco. engot e, imbes na sabihen co e "aco ang ina ng mga magnanakaw!" ang nasabi co e:

"ACO ANG MAGNANAKAW!!!"

psh, bobo e. tawa tuloy aco ng tawa sa backstage.

sheesh, ang gulo ng play namen. ang gulo na rin ng ibang scene. sheda. panalo group 1. tanggap co na.

**

panalo nga group 1. sheesh. line of 8 lang average namen, samantalang 90+ ang sa group 1. mai isa pang judge na nag'bigay sa'men ng 76 chuva.

pero okay lang. may 50% exemption naman kame sa exam sa filipino sa finals e (sa group 1 buong exam), at nakuha pa acong Sisa sa intesection!! wee!

sabe pa ni sir, impress daw yung mga judge sa acting co. weh, gumaganun o! muka naman kase talaga acong baliw e. hahahaha.

**

nice. lumabas na si ser. wala nag teacher. sheda, am'boring sa room. saka nade'depress talaga aco pag nandito aco e.

umakyat muna aco sa Wordsworth. dumadame ang cutting co ah. kung kelan patapos na skul yir. baet.

aba! mukang nasalanta ang mga WW! mai mga naka'latag na tela sa sahig at doon sila nakahiga at natutulog! haha!

dun muna aco tumambay. kahet papano naman, okei lang sa kanila. hay, nakaka'miss din. nandito kase sa section na ito yung mga tinuturing cong kaibigan co talaga e. kuntento naman na aco sa section co bilang isang non-star--actually, masaya pa dahil puro kalokohan at di naman aco makakapag'bulakbol ng ganito kung star pa aco--pero iba pa rin kung kasama ang mga kaibigan mo.

sus! drama.

bumalik lang aco sa room namen para mag'recite sa Science. ano daw natutunan co sa Science. jusme, e wala nga. pero bongga, 20 ang na'recite co kahet 10 lang naman ang perfect kase kinabisado co lang naman yung Chemical Reaction chuva chuva. haha!

balik na ulit aco sa room ng Wordsworth. katuwa ng kase mai wig si Ayyah na hiniram kai Kriselle. sinuot co nga e kaya muka acong lalaki. =D

**

bumalik na rin aco sa room nung mga last period na. wala din namang ginawa. nagja'jackstone lang, yung iba nagchi'chikahan. sheda, ganito ba talaga pag patapos na skul year?

hay. patapos na nga pala ang school year. nag'graduation na nga kanina ang mga kasali sa CAT e. in two months time, 4th year na co. ka'lungkot.

auko pa. auko pang mag'4th year. ibig sabihen, malapit na acong grumadweyt. at auko pag iwanan ang Liceo. gusto co pang makasama ang mga kaibigan at kaklase co. gusto co pa ang high school life.

hayy.. pero anong magagawa co? ganun talaga..

Tuesday, March 10, 2009

I Am Fuckin' Depressed, I'm Warning You

dammit.

dammit.

dammit.



okay. so the first three words of my blog post are offensive. now what? to the hell i care!

i am so miserable, so pathetic. dammit, i feel so depressed! dang.

so i am stubborn. so what? i refused to listen to their words. i chose to remain in the darkness, i chose to be pessimistic.

and now, i am becoming a wretch. i am becoming a bad companion to those people around me. i am so lame to talk with, i am so dull and lifeless. yeah, and soon, everyone will hate me.

darn, right now, i don't care. i just want to shut the fuck off. i just want to close my eyes and feel numb. i wanna be left in an emptiness and fall into a slumber so that when i woke up, things would be fine.

but that cannot happen. i am living in reality, and no one can't escape it.

dammit. i hate it. i hate myself. i hate being me. damn.

"And now, I shut down from the world. I am pathetic. I am miserable. I would shut myself away from my friends, I would shut down from my peers, I would shut myself away from everyone. I am such a bad company, a stupid girl who brings chaos to everyone. Sorry. I'm so foolish."

Sunday, March 8, 2009

Bitter Virgin



Alternative title:ビターバージン (Japanese)
聖母劫 (Chinese (Taiwan))
Genres: drama, romance, slice of life
Plot Summary: Popular high school student Suwa Daisuke has no interest in dating newcomer Aikawa Hinako, a quiet loner. That's because she recoiled from his flirtatious touch, and he took it as a personal affront. Daisuke informs one of his buddies that he wouldn't date her, not knowing Hinako was listening. Daisuke's attitude changes after he accidentally hears her confession in an abandoned church; she's been sexually abused by her stepfather and has given up a child for adoption. His former annoyance turns to compassion and concern. Hinako is unaware that he knows her terrible secret. Believing him to have no romantic interest, she becomes more relaxed and comfortable in his company. Their relationship faces a lot of obstacles, including jealous classmates.

WARNING:This blog post may contain spoilers. If you want to read the manga without reading the spoilers, better not read this blog entry.

friday night. nakatunganga aco sa harap ng computer. hatinggabi na pero di pa rin aco inaantok.

so napagpasyahan cong bisitahin ang onemanga.com at magbasa muna ng Death Note na hanggang ngayon e hindi co pa rin tapos.

e tinamad na acong magbasa. so tiningan co yung listahan ng mga mangan para magbasa ng panibago. Bitter Virgin.na'curious aco sa title. Bitter Virgin? tungkol saan yun? so i clicked the title at sinimulang basahin ang chapter one.

mejo wala acong interest sa simula. anu ba yan, ayoko ng ganitong mga manga na simula palang e mai gusto na agad ang mga main characters sa isa't isa e. am'bilis.

pero naintriga na rin acong basahin, lalo na yung chapter 2 yata iyon na "Her Confessions". grabe, kawindang.

tuloy'tuloy na ang aking pagbabasa. at nawindang aco sa mga nilalaman. grabe talaga!actually, di co masyadong type ang mga stories kung saan di na virgin ang girl. kahet sa mga pocketbooks pa, mejo ayoko ng ganun. pero nakakatuwa kase yung story co sa fictionpress e hawig sa plot nito. tapos yung name pa ng babae dito e Aikawa Hinako, e ang name nung sa'ken e Sachiko Aizawa. naisep co rin na baka makakuha aco ng mga ideas dito.

i cannot stop myself from reading. anung oras na pero di pa rin aco natutulog. sabe co, tatapusing co lang ang ganitong chapter, pero pagkatpos co e naiintriga acong basahin pa yung susunod.

may mga part na nakakaiyak talaga. di co maiwasang tumulo yung luha co, lalo na yung sa part na nireyp si Aikawa ng stepfather nia at nung namatay yung baby ng sister ni Suwa na si Izumi nung nanganak siya.

mai mga nakakainis din na characters tulad ni Kazuki. grabe, napaka'psycotic! at nainis din aco kai Yuzu nung bigla niang sinabi kay Daizuke yung secret ni Hinako.

pero kahet bitin yung ending at ibinigay sa readers ang conclusion ng kwento, i am satisfied. kase mas gusto co rin ang mga ending na di happy ending, o pinag'iisip ang mga readers kung anong mangyayari. nakakatuwa.

seven-thirty in the morning na aco natapos magbasa. grabe, kaya bangag aco e. naabutan pa nga aco nung kuya co nung papasok na siya. imagine, natapos co ang isang 32-chapter manga sa isang magdamag! tapos, 10 o'clock pa aco nagising dahil nagligpit pa aco ng bahay.

but i am contented. i feel inspired. naka'kuha din aco ng ideas for my story. ;]

want to read the manga? click the link below.Bitter Virgin

Friday, March 6, 2009

ang brutal na WOTTAILA

wottaila.

simula ng maibento ang larong ito nila blancia e sumaya ang bawat araw sa room namen. nung wednesday lang ito naimbento, pero naadik na kame sa pagbabato ng bote.

history of name:

originally called wotjhyla. derived from Pope John Paul II's real name, Karol Wotjhyla. the late Pope's name was pronounced as woh-jay-la, while we pronounce our game as wot-tay-la. that's why i changed the spelling.

nagtaka kase kami kung pano pino'pronounced yung name ni Pope. kasama kase sa pointers e. so tinanong namen si Sir. at tuwang'tuwa si jayson kung pano ito binibikas kaya't pina'ulit-ulit nia ito.

this is the proper pronounciation:

WOT-tai-la!!


pataas yung WOT. :]

maya'maya, may sign na silang nagawa sa kamay tapos binibigkas nila iyon pagkatapos. the next dei, naimbento ni blancia ang isang laro at sigaw'sigaw sila ng "wottaila!". so ayun na ang tawag dun.

bow.

**

umaga.

nag'alarm aco ng alas'sais dahil kailangang cong pumunta sa simbahan ng mga 7:30 dahil first friday mass. pero super antok pa aco, di na aco makabangon. mag'aala-una na rin aco naka'tulog kagabe kahet walang internet dahil nag'type aco ng mga chuva.

so balik higaan aco. napagpasyahan cong huwag nang umattend ng misa. sheda. wala nga pala ang mga third year dahil pueo honor na wordsworth eung mga iyon. hayaan na. nandun si ate pam at mga second year.

ang sama e. ganian ang bagong president ng Glee Club. okei lang yun, neks year pa naman effective un e. tulog muna aco.

**

sheda. bangag na naman aco pagpasok co sa school. inaantok pa rin aco at di co madilat ng husto ang mga mata co. ilang araw na acong ganito. sheda talaga. >___>

**

TLE time. wala si Mrs. Herrera. buti na lang. di co tapos yung notebook e. e ngayon daw dapat chechekan yun. ;]

naglalaro ng wottaila sila jilliane. nakisali aco. si honey ang kalaro co. nung una e di co pa masalo pero nang lumaon e kaya co na.

whaha! wottaila novice na aco!!

iba't iba naging kalaro co. maya'maya, sumali aco kila edmarie. marami kase sila e. aco, si ed, si dela peña, si amoranto, si balanoyos, at si jayson ang kasali. maya'maya, dumami na yung bote. mga tatlo. at dumami pa ulit.

hala! kung saan na nagkada'tamaan ng bote. at malas mo kapag sabay pang binato ang bote sa'yo dahel hindi mo n malaman kung anong sasambotin mo kaya natural na sumalpok sa'yo.

grabe! ang saya!

maya'maya, sa kadahilanang nakalimutan co na, e binato co si jayson ng malakas. hindi yung batong pataas kundi paderecho kaya nakakasakit yun. ewan co kung tumama, nakalimutan co.

edo binato niya din aco. di co alam kung sadya o naduling lang talaga siya, pero sa pader tumama.

SPLASH!

ayun, wasak ang bote. nag'shower tuloi kame ng wala sa oras. lalo na si t-pain, basang'basa. shampoo at sabon na nga lang ang kulang e. ;]

**

wala. basang'basa na kami sa pawis. ang ineeeeet!! grabe. nakaka'basaan na ng kili'kili! hahaha! XD

okei lang yung. at least wala kameng mga putok, anghit, o baktol to the 10th power. haha! ops..

pumunta aco sa banio para mag'ayos ng sarili. saka mainet e, kaya naghubad muna aco ng blouse habang nagpapaypay. pumasok din ang iba cong kaklaseng babae. ni'lock na lang namen ang pinto.

chika galore nga kame e. mga kuro'kuro tungkol sa mga amoi galing sa kili'kili nina "pare" at "mare", tungkol sa farewell party na gagawing swimming, tungkol sa wottaila. katuwa. ;]

**

religion. di pumasok si sir cortez dahil pumunta sila ng home for the aged. so pano ba yan? nagyaya uli aco ng wottaila!

pumayag naman si dela pe. kumuha pa aco ng bote sa labas ng bintana. tumawid pa aco dun sa isang parang semento dahil nandun yung mga bote.

sheda nga e, sinaraduhan pa nila aco. tapos tinutulak'tulak pa cu. pag aco nalalaglag, bubong ng central bagsak co. e kala naman nila malalaglag aco. duh! mai harang kaya yun!

nag'laro na kame. inaagaw'agaw lang nung iba para tapos iba na yung magkapartner. maya'maya, si jayson na katabi co.

at ang brutal na version ng wottaila ang paglalaro naman. super hagis e. natatamaan na nga yung bintana. grabe kaya, kung saan'saan na kami natatamaan. todo ilag aco. tsk, matuto acong magsayaw nito e.

salpok dito, sapol dun. tumigil lang kame kase naiinis na sila edmarie.

nag'CR ulit aco para mag'ayos ng sarili. pagbalik co, batuhan ulit.

last na sanang pagbato co. pinulot co yung bote. todo effort aco para itaas at ibato e, ayun pala butas! basa ang teacher's table, pati ang attendance. lawa din sa sahig.

putakte! padating na si ms. macasaddu! super linis na kami ng natapong tubig lalo na aco. ginawa na naming basahan yung notebook at magazine na naiwan ng 4th year (sama). at dahel di co makita ang mop, yung walis ang pinang'mop co. haha! ;)

"natapon yung tubig ah! natapon yung tubig!" sabe co sa kanila para pag nagtanong si ms. e di madiskubreng dahil sa wottaila yung dahilan kung baket mukang palengke ang room.

**

math. nagche'check ng seatwork. pagkatpos naman nun e sinabi ni ms. ang requirements para pirmahan ang clearance.

"ivy, pahiram ng pamaypay ko." sabi ni jayson maya'maya.

"ayoko nga." biro co.

pero iaabot co rin sa kaniya. mga dalawang dipa rin ang layo co sa kania. yung facial expression ng muka co e kung ibabato co. eh inayos niya naman yung kamay niya para sambutin. tapos pinosisyon co naman yung kamay co na katulad sa brutal na wottaila. yung masakit pag nakatama. pinausog co pa si honeylou dahel katabi nia. pinausog din niya nung ayaw umusog.

at hinagis co sa kaniya yung pamaymay. BOOM! sapul sa muka. bandang ilong. aww. sakit nun. napamura pa siya.

napikon yata. =D binato aco ng notebook, dalawa. di naman maxadong masakit. aco pa, e pang'buwaya balat co. natatawa pa nga aco e.

kinuha co yung notebook at akmang ibabato co sa'kania.

"sige! bato mo, ibabato co 'tong bag co sa'yo!"


sheda. galit yata si jayson. pero parang hindi. pero binato co pa rin. sapul siya sa braso.

at padabog na nilagay niya ang notebook sa mesa. nagmura pa ng pagkalutong'lutong.

"tangina!"

wow. galit nga yata.

"galit ka na?"

di sumagot. mukang galit na.

di co na matandaan kung nag'sori ba aco. pangalwang bses co pa lang nakitang naggalit si jayson ng hindi pabiro. at sakin pa. pero kay sama talaga ng ugali co, imbes na ma'guilty, natatawa'tawa pa aco. nakakatuwa kase yung reaction nia e.

di co na muna siya pinansin dahil mukang di rin naman niya aco papansinin e. saka isa pa, nanghihina aco sa pagod dahil dun sa unang brutal na wottaila (yung bote talaga ah). kaya natulog muna aco. luckily, di aco napansin ni ms. macasaddu.

maya'maya, uwian na. grabe, super antok na aco. nanghiram pa aco nga mga notebook dahil wala acong sulat sa LAHAT ng subjects. nauna na rin si jayson. mukang galit nga.

sila apple tuloi kasabay co pagbaba. aco lang tuloi ang umabot dun sa mai kahoy sa parang tunnel papunta sa main, e kadalsan kase si jayson din umaabot dun.

**

naglalakad na aco sa mai corridor ng makita co si gerard sa baba. kinayawan co xa. pinababa niya aco. lagot. di co gusto ang expression ng muka niya.

ang inarangkadahan aco ng bunganga paglapit co.

"hoy ikaw ah! mai atraso ka! di ka pumunta sa misa kanina, nagkalat kami! puro 2nd year lang kami! nagalit pa si father samen! ... wala si ate pam! kami lang! ... ikaw pa nga daw nag'sabe kai eday na mai misa e."


nagdahilan na lang aco na hindi co alam na tuloi nga yung misa. tine'teks nia pa nga daw aco. e wala naman acong celfon.

sabe co na lang di na mauuulit. at saka nagsabi na aco na male'leit acong pumunta sa choir bukas dahil mai practice kami sa play, pero ang totoo e makiki'bertdei lang aco kai giselle.

ang sama co talaga. :]

Wednesday, March 4, 2009

WOTJHYLA!

naging masaya rin naman ang araw co. marami din kasing nakakatuwang at kasiya'siyang pangyayari e.

nagising aco dahil sa tunog ng alarm clock. alas'sais ang oras. pero dahil inaantok pa aco dahil anung oras na aco nakatulog kaka'computer, pinatay co lang ito at natulog ulit. so, balik higaan aco. the result? i woke up an hour after!

sheda, male'leyt na aco. 7:20 ang time aco. pero di pa rin aco nagmadali. gaga talaga aco.

7:30 na aco naka'pasok. shemai nga e, nandun na si sir. pero marami pa din naman ang wala. kala co nga papagalitan aco ni sir pero hindi naman.

upo agad aco dahil mejo nahilo aco at sumakit ang ulo co. sheda. siguro dahil kulang sa tulog ang lola nio. buti na lang nawala agad.

nung lumabas si quitain, nag'paalam acong bibili ng clearance folder. pinayagan naman aco. pero ang haba ng pila sa cashier dahil bayaran nga pala ng tuition ngayon, kaya dere'derecho na lang aco sa labas para magpa'xerox ng slumnote co. at pagkatapos ay ipinamigay co na.

kakatuwa nga kase dapat magpa'practice kami nun ng noli. e naging busy na sila sa pag'fill-up nun. pati si sir binigyan co din. whaha. nakakatuwa.

nakaka'tuwa ngang basahin yung mga pinagsasagot nila dun e. pero na'antig talaga aco dun sa nilagai ni mercado sa dedication.

share:

IVY, alam ko mabait ka, matulungin, matalino. Kasi alam ko talaga na lahat sa'yo sumusoporta. Alam ko nandyan naman sa tabi mo mga kaibigan mo. At alam ko Ivy tiwala ako sa iyo sa lahat ng ginagawa mo tama para sa akin. May napapasaya kang tao, at kahit malakas at grabe ang tawa mo. Para sa akin ikaw ang bestfriend ko. At thank you pala Ivy na tinutulungan mo ako noon pa.


natuwa aco sa mga sinabi nia. at mejo naawa din. kase, kahet pala ginaganun co si mercado, kahet hinuhuthutan co ng pera minsan, kahet di co pinapansin, kahet invisible siya sa akin e naa'appreciate din nia yung maliit na tulong na nagagawa co paminsan'minsan. lalo na nung sabihen niang bestfriend na daw aco. kase di ba, wala naman xang kaibigan e. iniitchapwera lang siya, pero para sa kanya e mabaet aco. (owwws)

maya'maya, nag'praktis na din kami sa noli. aco nga si sisa e. bagay naman di ba? haha.

di na bumalik si sir payawal sa room nung umalis siya. di na rin pumasok si mr. bautista. kaya nagbasa na lang aco ng pocketbook habang wala pa yung scene co. hanggang nung nag'practice kami sa filipino time sa court dahil wala kaming room. at natapos co siya nung english time. oha! bongga! less than three hours ang isang pocketbook!

**

halos hindi na rin kami nag'klase. nung science namen e kasama aco sa mga hindi pumunta sa lab kahet sinabi ni ms. noleal at 15-minute late pa yata silang pumunta. nag'kwentuhan lang kami sa room e.

kala nga namen papagalitan kame ni sir payawal kase sumilip siya sa room nung mejo patapos na yung time ng science. edi nagtaka kase konti lang kami. sabi namin nasa lab pa yung iba, na siya namang tunay. siguro akala ni sir nauna kaming umakyat kase di na nagtanong.

**

di pumasok si ms. noleal sa room nung second period nia sa'men. pati si mr. cortez.

nakaupo aco sa mai malapit sa bintana. maya'maya, naulingan co na lang nagsisi'sigaw na naman sila ng "wotjhyla!". ayun, mai naimbento na naman palang bagong kalokohan ang aking magagaling na kaklase.

ANO BA ANG WOTJHYLA?

ito ay isang laro kung saan ibabato mo ang isang bote ng mineral water na mai tubig sa iyong kalaban at kailangan masambot niya ito. kapag di niya ito na'salo, talo siya at mai puntos at nagbato.

matapos ang ilang sandali, na'impove ang laro. mai 'net' na: upuan na hinelera sa gitna at pinatungan pa sa itaas ng isa pa. dapat hindi bababa sa upuan na iyon ang bote o lumagpas sa gilid nun dahil outside na.

nagkaroon na rin ng ibang rules. at ng panel of judges na binubuo ni jayson (jaking) at amil (jakwin). naging sportscaster din aco.

parang mga tanga nga lang e. nakalimutan na ang scoring nag lumaon. at tuwing natatapos ang isang 'set', sumisigaw kame ng wotjhyla!

mai tournament nga daw bukas e. at nung kinuwento namen kai ms. macasaddu, sabi namin sa kania e finals sa friday. sa time nia.

adik talaga ang mga kaklase co. lakas trip!

**

kahapon.

di aco nakapag'post kahapon gayung unforgettable din naman ang araw na iyon kaya ngayon co na lang ilalagay.

umaga. filipino time. relaks na relaks aco sa aking upuan habang nagbabasa ng isang libro na hinram co kai honeylou dahil wala naman masyadong ginagawa nag biglang sabihen ni sir na mai nag'eexcuse sa'ken.

meeting daw ng glee club.

anu kayang pagmi'meetingan? paglabas co e bumulaga ang mga ng aking ka'choir. habang naglalakad e sinabe nilang election daw ngayun ng officers.

election na? wow. bongga. maaga pa naman para dun, pero Glee Club naman talaga ang pianaka'maagang maghalal ng officers sa lahat ng clubs e. hindi pa tapos ang school year e mai ganian na dahil mai kanta tuwing bakasyon.

so punta kami sa stage. katabi co si jayjay at ayyah. tuloy pa rin aco sa pagbabasa ng libro.

habang 'naghahanda', narinig cong sinabi ni remo, "si ivy kjfhgdkjhfk.

hindi malinaw kung anong meron aco e. parang, "si ivy president ah." or something like that.

"hoy, anong ivy!?" tanong co. wala naman sila. sheda.

okei mukang pagkakaisahan pa aco ah.

at tama nga. ninominate aco ni jayjay. close na nga daw e. ang iba pang na'nominate ay si ayyah at arsie.

grabe, ang gulo nga e. "WHOOOOO!" nag-"WHOOOOO!" at palakpakan ng palakpakan.

kalandian pa nga e, with matching speech pa.

at ayun, yung nag'botohan. aco nga nanalo. adik, parang bonding moment lang kase ang gulo.

nagbotohan pa. eto nga ang line-up:

PRESIDENT: Ivy Bernadette Nobleza (chorva!)
VP For Academic Affairs: Arsie Mauricio
VP For Activities: Remo Manikan
VP For Affairs: Adrian Espiritu
SECRETARY: Abigail Rodil
TREASURER: Jessica Tapia
REP. 1st year: wala pa
REP. 2nd year: Ponce
REP. 3rd year: Gerard Mendioro
REP. 4th year: Chrsitine Alde


katuwa nga e. eto na yata ang pinaka'magulo at pinaka'masayang election na naranasan co. at dapat nga di na nagbotohan dahil lahat ng mga nanalong iyan, lahat ang boto e.

pagkatapos e pinag'usapan ang tungkol sa swimming. sa april 5. sa pacita.

katuwa. president aco. adik! ;]

**

di co muna masyadong pinapangalandakan na president aco ng choir. wala lang. di co lang feel ipagsigawan. nagulat na nga lang aco kanina na alam ni mikmik at russel.

sana talaga maayos ang choir neks year. aba. aco na ang president e! ;]