Saturday, March 28, 2009

Farewell, Stevenson..

March 27, 2009; Wednesday

"Hindi pa rin rumi'rehistro sa isip co na ito na ang huling pagsasama'sama namin bilang isa. Parang habang nakikita co sila, naiisip cong makakasama co pa sila, na bukas ay papasok ulit aco upang makipag'tawanan sa kanila. Pero sa likod ng isipan co, alam co, ito na ang katapusan ng aming samahan."
Wacky class picture ng Third Year Stevenson. Naka'pikit pa co!

So this is it. Ang huling araw ng pagsasama'sama namin bilang Third Year, section Stevenson. At desidido acong gumawa ng mga
magaganda at masasayang alaala sa aming huling pagsasama'sama.

---

I alarmed the clock at 6am. Pero hindi aco gumisng agad ng tumunog iyon. Pinatay co lang at bumalik aco sa higaan, pinikit ang aking mga mata. I was half-asleep, though I kept my senses awake.

Where are all the excitement? Na'san na ang paga'anticipate co para sa aming Farewell-Swimming Party? Wala. Nawala ang excitement na naramdaman co kagabe, at nung nagdaang gabi, at mga araw. Wala. Wala acong maramdaman na excitement.

Maybe because even the presence of excitement, I also dreaded this day. The end.

The end. Argh, it sounds awfully painful. Erase, erase, erase. Hindi tama na ganitong klaseng bagay ang isipin co para sa ganitong okayson.

Bumangon na aco at nag'asikaso. Dahil walang nakahandang pagkain, hindi na aco nag'almusal. Tinatamad na acong mag'saing at mag'luto.

And off I go. Pumunta na aco sa meeting place namen: sa gilid ng simbahan.

Whoa?! Baket kaunti pa lang? Si jona, Hera, Randall, at Manza pa lang na naka'PE uniform pa. Whoo! Takas!

Dahil malandi aco, nagkulay nga aco ng buhok gamit yung binili ni Apple kahapon. Asar nga e, di masyadong kumulay. Yung tuktok lang, hindi kumapit yung kulay sa gilid ng buhok co. Hmpft. At si Apple, di naman nag'kulay. Mamaya na daw, sa resort na.

An'tagal.. Bakit ba parang ang tagal dumating ng iba? Hay, Filipino time nga naman oh.

Nang mejo dumami na, pumunta na kami sa elf ni Jona. Ganito pala yung itsura. Muka ngang truck. Okay lang, this is going to be fun.


Nagyaya si Edmarie na mag'PEAC. Sumama aco. And I prayed. I told God the things that I couldn't tell to anyone. And though I felt sad, I ignored the piercing pain in my chest caused by the invisible pain in my heart. But still, I felt incomplete.

Bumalik na kame sa elf. Dumami na sila. Umakyat aco sa elf at pumwesto ng bonggang'bongga sa itaas na bahagi ng mismong front part ng sasakyan, sa pinaka'tuktok. Nagsimula na kaming mag'ingay, yan tuloi, napagalitan ng mga taong'simbahan.

Waiting. Kala mo naman Ponan guapo ka dian sa shades mo! Muka ka pa ring kuneho!

O Honey, anu yangkinukuha mo dian?

Dala'dala pa pala nila si Alexander, and teddy bear ni Jayson (name courtesy of Apple dahil ka'amoy daw ng dating teacher namen sa English yung stuff toy, si Mr. Alexander Dela Vega). Kinuha co iyon.

Sabi co nga, di man kasama si Jayson, may representative naman siya sa outing namen.


Dumating si Sir maya'maya. Naka'uniform pa. Whoo! Cutting! Pinaalalahanan kaming umayos para walang ma'disgrasya sa swimming. Di pa kase siya sasama dahil bawal talaga ang swimming sa school. Tatakas lang siya mamaya.

Cutting ka, Sir Payawal!!

"O, pray muna. Ivy.. Ivy.."

"Po?"

"Pray na."

Okay ah. Aco ulit ang magli'lead ng prayer. Aco din kase ang nag'lead ng prayer namen nung lalaban kame sa Noli roleplaying contest.

"Sana po maging masaya at memorable ang araw na ito. Sana mag'enjoy ang lahat at walang madisgrasya. At sana po, *smiles* hindi mapagalitan ang mga tumakas."

Natawa sila dun sa huling part ng prayer na tungkol sa pagtakas. Haha. Goodluck sa kanila.

Nang umandar na at di na aco mapapansin ni Sir, pumwesto na ulit aco sa highest part ng elf. Haha. Pasaway. For once, I became the "tallest" among them.


Dun aco naka'pwesto sa taas ng elf. Kita nio naman yung mga building. Adik, muka acong timawa sa pic na ito!

Nasa Suki pa lang, sumigaw na aco. Kumaway'kaway pa aco sa mga tao. Nakakahiya nga daw aco e. Hsus, tawa din naman sila ng tawa sa'ken e.


Nagsisi'sigaw aco habang buma'byahe. At nung malapit na sa McDo, bumanat na ang Steve.

"O, sa McDo ah! Sigaw ng WcDo!"

Wala pa naman si WcDo e. Ewan co kung saang lupalop naroroon. Kaya nung tumapat sa McDo, hiyawan na ng, "WcDo! WcDo! WcDo!" with matching WcDo sign.

Haha. Adik talaga kame o!

Joyride! (Wala aco sa picture na ito dahil nga nasa taas aco, katabi ni Kathie na kumuha ng pic na to.)

Stolen shot? Medyo. Di sila prepared e! =D

Pagdating sa Pacita, tinanong kung sinong may alam ng daan papuntang Legaspi. Dahil taga'don lang din si Manza, nag'prisinta siya. Bumaba siya sa likod ng elf para lumipat sa unahan habang sila Jaja at Jona ay lilipat sa liokd.

Maluwalhating naka'akyat si Jaja sa likod ng truck. Habang si Jona na siyang may'ari ay nahirapan dahil naka'mini skirt lang siya.

Umandar na ang sasakyan. Tawanan kame dahil naiwan si Jona. Hahabol'habol pa siya e.


"Kuya, naiwan po si Jona!!" hiyaw namen sa drayber na dere'derecho pa rin sa pagpapatakbo ng sasakyan.

Siguro natauhan din si Kuya at inihinto ang elf. At sa wakas, naka'sakay din si Jona!

Napadaan kame sa may tulay. At naghiyawan kami. Dahil kulob, nag'echo ang mga boses namen.

Ilang metro lang ang layo sa tulay, nakita na namin ang Villa Legaspi. Hiyawan na naman!

Villa Legaspi, here we come!

Habang naghihintay kaming maka'pasok, nag'picture-picture muna. Mga cam whore talaga!

Picture muna. Aba! Bakit wala aco dian!?

Naghihintay sa labas. Tao po!

Talagang hinarangan sila para makita aco sa camera eh noh! Hahaha!

Uy, kunwari stolen shot!

May nagbukas na lalaki kaya pumasok na rin kami sa loob. Parang bahay nga lang sa entrada e. Tapos nakita co yung pool. Maliit lang pala. Di ito yung ine'expect cong itsura. Pero okay lang naman. Di naman aco ganun ka'disappointed.

Yan yung itsura ng pool. Yung upper part, yan yung Kiddy Pool.

Magkahiwalay ang room ng bois at girls. Pumunta na kame sa room namen at nagbaba ng gamit. Pagkatapos ay syempre, picture'picture na naman.

Nasa loob ng room.

Picture of girls with Quitain and Alexander na hawak co pa rin. Girl daw siya e!

Nu ba yan! Gulo namen o!


Bois ng Stevenson sa tapat ng pinto ng room nila. Kala mo naman ang gaganda ng katawan nio, puro naman buto!


Nagpalit na kami ng pang'swimming. Lumabas na kame para sana mag'shower but WTF?! Wala daw tubig!

Aaah! Arya na lang sa tubig!

Lulusong na sana kame kaya lang biglang nagtanong yung matandang masungit na babae na ang dami nang uban at ang lakas pang manigarilyo.

Nasan na daw yung kalahati ng bayad namen. Kalahati pa lang daw kase yung nabayad e. Damn, nakai Karen pa pala na siyang Treasurer namen at wala pa rin sa kasalukuyan.

Ang sunget magsalita nung matanda e, nakaka'pang-init ng ulo. Hmpft. Pinaki'usupan at pinaliwanagan na lang namen dahil wala pa yung adviser namen at nasa kania yung pera. Ibibigay naman namen e.

Hmpft. Parang tanga talaga yugn matanda. Grabe sunget. Di man lang kami pakitaan ng maganda e kami ang costumer e!

Umupo aco sa mai gilid ng pool at tumabi kay Bajaro. Mejo nababanas na kami. Na'san na ba kasi si Karen e?

Wala pang lumulusong sa tubig. Uuuy.. Nagkaka'hiyaan. Nakalimutan co kung sinong unang lumusong; yung mga bois. Pero sumunod na rin aco, hinahanap ang pinaka'mababaw na part.

Nandun sila Cua sa right side. Tumalon aco sa part nila.

Wow. Grabe. Mejo malalim din. Four feet na yun ah! Ang hirap talagang maging maliit!

Swimming'swimming na kame. Grabe enjoy!

Dahil nga mejo di co maabot ang 4ft. na muka namang di 4ft., lumipat aco sa Kiddy pool. Haha. Grabe, palipat'lipat aco ng pool. Ang saya mag'swim, especially mga classmates mo kasama mo.

Tambay muna aco dito sa Kiddy Pool. Haay.. Ang liit co kase e!

Nangulit aco na saluhin aco kase tatalon aco mula sa Kiddy Pool pababa ng 6ft. E syempre, dahil hindi co abot yung 6ft, kailangan ng patnubay ng mga matangkad.

Ayun, si MacMac, pumayag. Wee! Ang lalim!

SWiM. SWiM. SWiM.

Nako. Sheda. Yung blouse co na mai butones, bumubukas. Nasisilip tuloi ang di dapat masilip. Uwaaah! Umahon aco e. Magpapality na lang dapat aco ng t'shirt. E nakita co yung basketball shirt ni Ana Jane, ayun na lang ang sinuot co. Ipinatong co sa damit co. At bumalik na ulit aco sa pool.

Ayun, langoy pa rin kame ng langoy kahet di naman talaga marunong.


Naglaro pa nga kame ng lusutan sa ilalim e. Haha. Di co pa nga makaya'kaya. Hmpft. Pero maya'maya, natutunan co rin kung pa'no.

Grabe sila Kazu. Nako, ilang beses acong tinulak'tulak. E hindi co nga masyadong abot. Whew! Kumakapit na lang aco sa kung sinong makakapitan na malalim. Tuloi, lumulublob din sila.


Ang bata, tumatalon pa rin mula sa Kiddy Pool papunta sa 6ft. part. Nahikayan co sila Olid at Valdez na saluhin aco. Hahaha.

But WTF?! Sabi nila Kathie tsinatsansingan na daw aco e. Di co naman alam. Yung unang time na sinalo aco nila Olid, ayun, mejo lumayo aco ng konti. Pero yung mga onwards, di co naman alam na ganun. Hell, sheda. Ampft. Di bale, sila naman nagkakasala. Ampft talaga!!

Maya'maya, nagka-ayawan na yung iba. Kaunti na lang tuloi yung natira sa pool.




Friday, March 27, 2009

My Hug-Collecting Day

My Hug-Collecting Day : Ang Huling Pagsasama'sama sa Room E-301


"Time moves swiftly, especially when we enjoy it. And before we know it, we have to say goodbye, in order to start a new beginning."


March 26, 2009; Thursday

Last day.

Nagising aco ng maaga dahil balak cong maagang pumasok. Whoo, 10:30am aco nagising! That's a feat for me, considering that we only have afternoon classes.

Pero ayun, ang usapang pagpasok ng 11:00, naging 12:30. Ano ba namang aasahan nio sa'ken?

Pero pagdating co dun, kaunti pa rin ang mga tao. Siguro wala pang sampu. Mamaya pa siguro magdadatingan.

Room E-301. Ang room na sampung buwan din naming ginamit. Mami'miss ko ang mga alaalang nabuo sa loob ng silig na ito. ;'[


Ang kalat ng room. Labu'labo na ang mga upuan e!


View sa labas ng room. Tsk, tsk. Bintana pa lang, parang sinalanta na. Sino bang mai gawa ng basag nian? Si Patriarca ba?


I feel like crying. This is our last day in this room as a Stevenson. And when I looked around, it seemed... different. The decorations are gone, the sunshine coming inside the room because of the now bare window, the chairs in messy positions.

Oo, makalat nga ang classroom namen dati pa lang. But this messiness is different.

It's because classes will soon be over.

Nostalgia takes over me. Matatapos na ba talaga? Hindi co matanggap. And funny, I could feel this strange pain in my chest.

But this isn't the time for this kind of stuff. I don't want to ruin the last moments.

So sinulit co na ang pakikipag'bonding. Super kwentuhan nga tungkol sa TV5 e. Whoo! Mga ka'shake! TV5 NA KAME!!

Grabe nga e, hibang na hibang sila sa SA (Special A). Nako, ang dame co nang nahuhumaling dun. Pero di co talaga siya magustuhan e. @____@

Maya-maya, kinuha na rin ni Andrade yung laptop. Mai presentation daw kase. Siguro mga pictures ng Stevenson.

Ang presentation na pinakita e collection ng pictures namen simula nugn June. Bawat isa e meron dahil alphabetical order; meron ding mga group pictures at stolen shots. Sheda, nilagay pa yung isa cong mejo stolen shots na muka acong aso! Sama!

Yung mga kanta nga e parang tanga lang. Batang-bata ka pa, tapos yung "Tatanda, at lilipas din ako.." Adik nga e.

Sumisigaw din kame ng WcDo kada pinapakita yung picture nia. Na halos karamihan e katabi si Jayson, kaya siya nga daw si Jollibee.

Pero habang pinapanuod co yun, habang nakikita co yung mga pictures namen na nagpapakita kung anong klaseng taon ang nangyari sa third year life namen, di co maiwasang matawa... at malungkot.

Sheesh. I hate this feeling. Masayang balikan ang mga alaala, pero ang nakakalungkot ay babalikan mo ito sa mga panahong may matatapos na, babalikan mo ito kase baka wala ka nang pagkakataong balikan pa itong muli. Habang nakikita co yung mga pictures namen, mga kahit nagtatawanan kame at nag'aasaran sa mga kaitsurahan, alam cong pare'pareho kami ng nararamdaman.

At eto na naman, I could feel the strange pain again in my chest. And the invisible hole in it started to grow larger.

Pagkatapos ng presentation, nagpatugtog na lang. At yari, nandian si Bro. Ador. Lagot. Hulasan ang mga tao e; kanya'kanyang upo. Pinag'evaluate kame ng mga teachers.

Haha. Kay Ms. Noleal aco. Buti na lang lumipat aco sa tabi ni Apple. Nilagai co talaga dun na hindi siya marunong dumisiplina ng estudyante at kinakaya'kaya lang siya, at wala talaga kameng natutunan sa kanya. Haha. Ang bad co. E totoo naman e. Saka di naman masyadong brutal ang words na ginamit co.

I started collecting hugs after that. Alam co lahat ng babae e nayakap co. At eto, nalulungkot na naman aco habang niyayakap co sila.

The hole in my chest becomes larger and larger, tearing it to pieces.

Last day na namin itong magkakasama'sama sa room. At ang sakit. Ang sakit na maghihiwalay'hiwalay na kami. Nagyon pa naman masaya na acong kasama sila, nasasanay na acong sila ang nakikita.

Pero ano bang magagawa co? Hindi naman puedeng masunod ang mga gusto mo. At lahat ng bagay ay nagtatapos. Kailangan 'yon, kailangang magtapos ang mga bagay upang makapagsimulang muli.

Nayakap co na ang halos lahat ng mga babae. Teary-eyed na aco, pero pinipigilan co lang. Ayokong umiyak. Ayokong magpakitang nalulungkot aco. I tried to hold the tears until I can.

Niyakap co din ang ibang boys na naging ka'close co tulad ni Manza at Jaynard.

At nilapitan co si Jayson.

"O ano, galit ka na naman ba sa'ken?" tanong co sa kanya.

"Hinde ah."

"Nako, kakabati lang natin e magkaka'away na naman tayo."

"Hinde, hinde nga aco galit. (Pero mukang asar yata) [...] Pa'no naman kase, tumawag ka sa bahay e tulog na aco nun!"

Tulog ah.

"Tulog? Sus. If I know, nagga'Grand Chase ka pa nun!"

At nakipagbangayan na naman aco.

Yayakapin co sana siya pero ayaw nia. Ang daya. Di huwag. Hmpft.

Niyakap co pa ang iba. Embracing them tightly as I can. I still don't want to let go. I hate this part. I hate letting go to the precious things I've learned to love. But I have to. I have no choice. Why am I feeling such strange pain? OA co naman. Pero I can really feel it. I can feel the pain.

And the tears I was trying to hold back were stubborn. I could feel the stinging feeling in my eyes. And before I knew it, umiiyak na aco.

I hugged Apple, trying to conceal the tears. But they noticed. And the tears kept on coming. I continue to cry as if there's no tomorrow.

And the hole grew rapidly, eating my heart up. The piercing pain becomes more and more pronounced. I could feel it, and it hurts. It hurts like hell. Damn, I'm so stupid for letting the tears flow but I cannot stop. I was too painful.

Siguro nga OA lang aco, siguro nga masyado lang talaga acong pathetic. But the tears just came; I didn't summoned them.

Ganito talaga kapag matatapos na ang isang masayang kabanata sa buhay mo.

How many times had I experienced departure, endings? Many, many times already. And each time I have to let go, the same feeling comes. But still, I'm not used with that feeling; I still don't want to deal with them. I hate this, I hate it.

Akala pa nila si Jayson ang dahilan ng pag'iyak co. Duh. Adik ah. Kaya sinisisi pa nila si Jayson.

"Ikaw kase Jayson e, di mo niyakap!"

I want to roll my eyes at that moment.

Niyakap tuloi aco ni Jayson habang nakatalikod aco. Nakayakap din kase aco kay Apple e.

Niyakap co din pati si Andrade, kahit inasar co siyang basa na naman siya at parang nilabhan ang damit.

Nakita co na lang, pati si Balanoshi at Jaynard ay nahawa na sa kaartehan co.

Bagong iyak. Am'panget co.

Ang arte co noh? Di kase talaga mapigilan e.

Muka nga acong tanga, natawa aco habang naiyak. Natatawa kase aco sa sarili co dahil nakakatawa naman talaga. Pati nga yung pader sa mai electric fan e niyakap co e. Dumating na rin si Sir. Nag'usap-usap tungkol sa swimming. At ayun, kasama na si Jaynard. At si Jayson ay hindi pa rin. Nako.

Nakita rin ng iba na naiyak na nga co. Ayun, natatawa sa'ken. Hay.

Bago umalis, niyakap co rin si Sir. At sabe ni Sir, "May bukas pa."

Syempre, iba na ang bukas.

Today is my Hug-Collecting Day.

At nung niyakap co si Sir, naiiyak na naman aco. Tumahan na aco e. Kaya ayun, inasar nila aco ng, "IYAKIN! IYAKIN!"

Natatawa na lang aco. Okay lang, totoo naman e.

Nakita pa nila MacMac at Olid na naiyak aco. Nabanggit co na gusto cong kunin yung pangalan ng Stevenson na laminated sa labas. At kinuha nga! Haha. Sssh. Wag kayong maingay na nasa akin ah. Sa'tin-sa'tin lang to!


Thank you Olid sa pagkuha. Wag kayo maingay ah. Basta, ebindesya, ikaw ang kumuha.


Nung uwian, sinamahan namen si Apple bumili ng ulam nila at bumili ng pangkulai sa buhok. Pati nga aco ibinili e. Kulay red. Tapos nag'7-11 muna kame. Libre ni Manza dahil may gift check siyang P100. Ineksakto nga namin e. Dumating din yung iba, pagkatapos ay nagkakayayaan silang mag'SM.

Ang saya ng araw na ito pero ang lungkot din. This is our last day together. I feel sorry for the things I wasn't able to do, but I don't regret anything. Even they caused me pain.

Bonding Moments

March 25, 2009; Wednesday

Am'bilis ng panahon.

Hindi co alam kung bakit parang nagka'countdown pa aco kung ilang araw na lang ang natitira sa Junior life co. Pero nalulungkot din aco dahil konti na lang ang matutuldukan na ang pagiging third year co. Kung kelan matatapos na ang lahat, saka naman aco nawawala sa sarili. Hay..

--

Kagabe, tinanong co pa nga kai Andrade kung mai practice nga, meron nga daw. Luko'luko nga 'yon e. Pagtawag co kase, tinanong co kung pwedeng maka'usap si "Emmanuel". Sabe ba naman nung babae sa kabilang linya na hula co'y yung kapatid niyang second year,

"Kuya, si Ibyang!"

Aba't ang loko, mukang ipinagkakalat ang nickname co. Sheda, iyon kase yung tawag ng iba sa'ken e. At nung tinanong co kung baket alam nang kapatid niya yung nickname cong iyon, ang sagot ba naman e.

"Kinukwento kase kita sa kanila e. Lahat kinukwento co. Kahet nga yung yung paglipat niyo ng bahay, alam e."

Langya, proud pa siya habang nagku'kwento nun. Ang damuho, napaka'tsismoso talaga!!

Matapos mag'chika galore ng ilang minuto sa telepono, nagpaalam na rin aco. Alas'dos na aco nakatulog dahil kakagising co lang nung tumawag aco sa kania ng mga 11:30. Wala na naman kase yung internet cord dahil tinago na naman ni Mama kaya wala acong gagawin. Tsk. Maaga pa naman pasok co bukas.

--

Dahil nga maaga ang pasok co, in'alarm co yung alarm clock ng 6am. Ayun, katulad ng parati cong ginagawa, gumising aco para patayin ang alarm clock at pinagpa'tuloy ang aking paghihimbing.

Kaya ayun. Nagising aco nang mga 7:20. At dahil sobrang sakit ng leeg co at buong katawan na para bang binugbog aco. Kaya humilat muna aco sandali at 7:30 na aco bumangon.

Hindi na nga aco nag'almusal at derecho ligo na aco. Hindi na rin aco nakapag'tali ng buhok dahil quarter to seven na ang oras sa relo namen. Advance naman yun e. Di bale, kung sakaling late aco at nagsisimula na ang practice, uuwi na lang aco ulit para ipagpatuloi ang aking pagtulog.

Pag datin co sa school, may mga nagpa'practice na nga sa Main. Pero mga 4th year para 'yon na nagpa'practice ng graduation. Sabe ng guard nasa extension daw yung mga awardees para sa Recognition.

Buti na lang pagkadating co dun nakita co na sila Arpon. Di na aco magmu'mukhang tanga kaka'hintay.

So, apat pa lang kame. Wala pa si Jayson. Pero maya'maya e dumating na rin, mga malapit ng mag'alas-otso.

Ni'share co pa nga sa kanila yung tungkol sa poknat co. Haha. Oo, may poknat aco. At ang laki. Kagagahan co kase, wala acong magawa kagabe. Saktong nakita co yung chane at pinagdiskitahan ang buhok co. May sayad talaga aco. Actually nung Mandei co pa kinaka'likot yung buhok co e. Kaka'kutkot co, ayun, napoknat tuloy yung ulo co. Sa gitna pa naman. Di tuloy aco makapag'tali nang may hati kahet ayun na yung hairstyle co ilang araw na. May sayad talaga aco. Di bale, tutubo pa naman yan e. Nagka'ganian na rin yung buhok co dati pero tinubuan naman ulit ng buhok. Ang tanong, kailan? Buti na lang bakasyon na.

So nag'practice na kame. Sheda, inaantok talaga aco. Psh. Lulugo'lugo na nga aco habang nagpa'practice e. Una naman kase ang mga Best in Religion kaya wala na acong gagawin onwards.

Natapos rin ang practice, sa wakas! Sa Friday nga daw ibibigay yung Programme e. Lagot. Wala kame sa Friday dahil nga sa swimming. Okay lang 'yun. Madali nang gawan ng paraan.

Hindi co pa nga nababanggit uli kay Mama yung tungkol sa swimming. Basta, may hinanda na acong 'script' kung sakaling hindi aco papayag. At kung hindi co pa rin nakumbinse, tatakas na lang aco. (Haha. Bad girl!)

Umakyat na rin kame sa room. Habang nagla'lunch sila at aco naman at nagsusulat ng sa music (dahil hindi pa nadating ang baon co), nagkwentuhan muna kame. Nawalan na nga sila ng gana dahil nagkwento'kwento kami ni Andrade nang mga hindi kanasa'nasang bagay. Haha. Sama talaga.

Kung saan'saan na napunta ang usapan namen. Grabe, ang dami cong nalaman. At isa ito sa mga bibihirang pagkakataon dahil nag'share si Jayson ng tungkol sa kania na hindi niya naman ginagawa dati. Pinuna co kase siya na ang dame'dame niyang nalalaman tungkol sa ibang tao pero hindi naman siya nagku'kwento tungkol sa sarili niya. E ang sagot niya, wala naman daw kaseng masaya o malungkot na nagyayari sa family life niya. Ano yun, neutral? Hus, imposible!

Actually, mga trivias pa nga yung mga sinabi niya e. Eto:

*Hindi siya marunong maghimay ng isda. Minsan nga, nagpapasubo pa daw siya sa nanay niya dahil natitinik lang siya kapag isda ang ulam nila e. Nakaka'gulat kase kahet ngayon daw, sa edad niyang 'yon e nagpapasubo pa siya. Grabe!

*Dahil hindi nga siya marunong maghimay ng isda, one time e nasalaksak sa gilagid niya yung tinik ng tilapia yata yun. At ang ginawa niya para matanggal? Pina'chane niya sa nanai niya! Hahaha!

Grabe talaga, nagulat kame sa mga shinare niya.

Napunta din kame sa mga usapang... uhm, sa'men na lang yun. Ewan co kung sinong nagpasimula nun, si Andrade yata. Ang dame nga nameng napag'usapan tungkol dun e. Hahaha!

Marami pa acong nalaman tungkol sa kanila. Hay, bonding moments. Minsan na lang 'to, lubos'lubusin na.

--

Maya'maya, napunta kame sa topic tungkol sa "lovelife" ni Jayson, kung lovelife nga ang maitatawag dun. Napag'kwentuhan kase namen si Le-ann e. At ayun, nagkwento kame ng mga haka'haka namen at teorya tungkol sa kanila.

E nabanggit co yung napapansin namen ni Apple na parang pine'pair namen kay Jayson. Ayun, naintriga sila at hinula'hulaan. Akala co naman gets na nung iba kung sino. Mali'mali naman ang hula nila. Ang sabe co kase, iba ang pagtingin ni Jayson sa kania. Para bang nagniningning ang mga mata at iba ang kanyang tawa. Haha. Pati si Jayson nakihula!

Ang tagal nilang hinulaan 'yon. One time nabanggit ni Edmarie kung sino 'yon e. Ico'confirm co na sana kaya lang mai sumingit sa usapan namen kaya na'udlot at pagbubunyag. Haha.

At ayun, nabanas yata sila. Nagsabe'sabe na ng, "Sabihen mo na kase, mag'oopen ka, di mo naman itutuloy." Pero di sila nakatingin sa'ken.

Lumabas aco, nakita co si Ayyah kaya kinuha co yung mga pictures co nung bata na ilang araw na sa'kania.

At nabanggit co sa kaniya ang napaka'laking dilemma na hinaharap co ngayon.

At ang gaga, nahulaan! Waaah! Pero hindi na rin siya nag'insist na i'push pa ang kaniyang nalalaman dahil alam niyang di co rin naman sasabihen. Mahirap na, baka madulas ang dila co at mabanggit co a. Nangako pa naman acong walang makaka'alam nun at wala acong pagsasabihan.

I don't know what had gotten over me, but I suddenly felt down.

Nagkulong aco sa CR. And I just notice that I'm crying. Damn, grabe ang emotional outbreaks co lately. Umiiyajk nang hindi co alam ang dahilan.

Lately, there is an almost unbearable pain in my chest. But I know it's not because of illness or something. It was because of emotional reason. It was as if there is a hole in my heart. Ang sakit. Parang, alam mo yun, may kulang. May hinahanap ka. May gusto kang gawin pero hindi mo magawa.

Maybe it was because of the upcoming end. Maybe it was because we will soon part ways. Maybe it was because we had less than a week to go. Maybe it was because it seemed that all the conflict came when the end is near and it is more difficult to patch the things up. Maybe it was because I am just too stupid, too pathetic.

I hushed myself. I was supposed to savor the moments. Not ruining it. I wiped away my stupid tears. Geez, I'm really pathetic.

Bumalik na aco sa room. Siguro nga na nabanas na sila sa'ken. Nagkailangan na rin kaya di na rin sila masyadong magpansinan.

Okay, aco na naman mai kasalanan. Inopen'open co pa kase yung topic na 'yon e. Ampft. So, magka'galit na naman kame ni Jayson?

I'm so stupid. I'm ruining everything, thanks to my stupid, pathetic self.

Nasira na rin ang mood co. Darn. Medyo tahimik tuloi aco.

Maya'maya naman e bumalik na yung mood co. Pero di pa rin kame masyadong nagpapansinan nila Edmarie.

I hope everything will be fine tomorrow.

--

Bago siguro mag'10pm, tumawag aco kila Andrade. Wala lang, nakipag'chikahan lang. Kung anu'ano ngang napag'kwentuhan namen e. At mai pasasabugin daw diya bukas. Nako, kanina pa yan, ayaw sabihen.

Tinanong co nga kung galit sila Jayson. Sabe di naman daw. Mejo naiinis lang daw dahil hindi co pa sinabe kung sino yung babaeng 'yon.

Anong oras na kame natapos magtelebabad. Siguro mga 10:30. Natandaan cong tatawag pa pala aco kay Jayson dahil itatanong co kung anong oras siya papasok at kung galit ba siya sa'ken.

Nako. Ayaw naman kaseng patawag nun sa bahay nila e.

But I still tried. Akala co nga hindi nila bahay yon kase mejo nakalimutan co na yung number niya e (pano ba naman, hinulaan co lang kase yung last digit kase ayaw ibigay yung buo!).

Pero sa kanila nga yon. At sa pangalawa cong beses na pagtawag sa kanila, serious voice na naman. Nagulat pa nga aco dahil nag'iiba yung boses niya, nagiging... pambabae? Tapos super hina pa kaya di co marinig. Nako. Parati na lang! Pero sa school grabe ang bungaga. Ibang'iba talaga yun sa bahay nila.

Tinanong co kung anong oras siya papasok. Bahala na daw. At tinanong co rin kung galit na naman ba siya sa'ken. Hindi naman daw. Hsus! Parate naman e! At inaantok na daw siya at matutulog na siya kaya di pa yata umabot ng 2 minutes ang pag'uusap namen.

I'm so stupid. >____>

Monday, March 23, 2009

WAR: Stevenson VS. Browning

Hay. Bakit ganun? Kung kelan naman patapos na ang school year, saka pa nagdadatingan ang mga conflicts.

So, may conflict na naman na kinasangkutan ang Stevenson. Nagkaroon kame ng iringan sa Browning. Ganito kase ang istorya nian e.

Di ba nga, nanalong second placer ang Browning sa play. At dahil mabait kame, ni'congratulate ni Amoranto si Jogie na isang Browning na siyang gumanap bilang Triburcio. Tapos nauwi yun na parang sinabihan daw yata loser kame or something like that. At ipinagkalat daw ni Jogie na sinabi ni Amoranto na kaya sila nanalo pati ang Wordsworth e nandaya ang mga ito.

Sino ba si Jogie? Eto yung definition ng mga Stevenson na nangigigil sa kania:

Bobong hapon na baboy na mai putok.


O, di aco nanguna dian. Sila Jayson pasimuno ng ganiang definition. Nakikitwa lang aco.

Share co na rin yung GM ni Jayson sa YM.

J A Y - S O N (3/21/2009 9:36:37 PM): Gm.. dandang gabi!!! marami na nag t2xt xkin at nag pPm..my hayop daw na lumalapastangan sa stevenson..ow???prng kilala qu.. un ba ung matabang hapon na my putok na bobo(no offence)na taga browning??..my mga nag tatanung kz.ahhh..c jogie V Inokuchi ba un???aa~~oi rachel..pag xbihan mu pinsan mu..hahaha..may resbak daw sa monday ei..ndi qu lng alam..hahah.. wlng mai22long ang play sa pag unlad ng pilipinas!!!haha..mabuti ng talo kesa BOBO!!!ang bitter mo daw sbe ng mga first place!!!


Partida, classmate nia yan dati. Di co kase na'save yung status message nia kahapon e, nakaka'tuwa din. ;]

E nakaka'irita din naman kase. Kaya nagtataka aco kung baket ang dameng nagtatanong ng number ni Jogie. Pati si Andrade, ang status message nung Linggo e ganito (or something like that):

Hayop ka Jogie! Mamamatay ka din!


E sino ba naman kase di bang hindi maiirita? Storymaker e. Tapos pangalan pa ng Stevenson ang nadadawit.

Papayag ba naman kaming maapi si Amoranto? Syempre hindi!

Aba, kahet naman kase ganian si Amoranto, di naman siya yung klase ng tao na unang mang'aaway. Saka nakaka'inis kaya na sinisiraan kame tapos di naman totoo.

Ang dame nga daw nag'GM tungkol dian. At dahil nasa hybernation period aco at hinahayaang mabulok yung cellphone co, eto ang mga nasagap co sa mga kwento, at mga naging resulta ng conflict:

*Minura'mura daw ni Jogie si Jaja matapos nitong mag'GM. At eto pa sabe: "Wag ka nang mag'salita! Kababaihan [taong-bayan] ka lang naman e!"
Side comment nila: Baket siya ano bang ginawa niya? E tumayo lang naman siya e! Hayaan niyo na, ayon lang naman achievement niya sa buhay since birth e.

*Nadamay ang buong section ng Stevenson at Browning. Tuloy, marami daw galit kay Amoranto sa Browning at galit naman ang lahat ng Stevenson kay Jogie.

*Nabunyag lahat ng baho ni Jogie. Pinagkalat tuloy na mai putok siya, "bobo", at bakla nga daw na niligawan pa daw ni Kubo noon. At ang tawag pa sa kanya ni Sir Melboy dati e "Joy-Joy".

*Hindi halos nagkikibuan ang mga Stevenson at Browning sa isa't-isa.

Pagpasok co pa lang kaninang 7am (maaga dahil mai practice ng Recognition) e ayun na agad ang pinag'uusapan namen. Kahit nga mai Browning lang dian sa tabi'tabi, deadma.

Ang status message nga daw ni Jogie nung weekend, "Stevenson loser!". At ang kay Ayyah e "Ang bitter mo naman." So alam na din pala ng Wordsworth. Naghahamon nga rin ng rematch e. Ewan co lang kung kanino galit, kung sa'men ba o sa Browning o wala.

According to Jayson (ulit! Sheda, ang dame nang special mention nun sa blog co ah!), in'english niya pa daw yun sa chat. Parang ganito daw yata yung usapan e:

Jogie: Ang corny naman ng acting mo e!

Jayson: E baket ikaw, tumayo ka lang naman e!

...

Di bale nang corny, 'wag lang bobo!

[usap-usap. maya-maya..]

[English'english, no reply na, dugo ilong!]

Bye! I'd rather kill myself than talk to you, moron! Or should it be, shitface?

Luko'loko talaga yun si Jayson, kapag trio mang'okray, aba'y grabe ba naman!

Pagpasok nga ni Amoranto kanina, syempre pinakita talaga namen na all-out ang support namen sa kanya at sa kanya kame naniniwala. Syempre, si Amorantz pa, e labz namen yan!

Pagdaan nga nila Jogie sa room namen kanina e, sigawan ang mga tao.

Edmarie: Hoy, sinong sinasabihan mong loser ha!!!?

Aco: Whhhhhoooooooo!!!! (Wala naman acong ibang masabe e!

Iba pang Stevenson: Booooooo! Whhhhhoooo! Joy-joy!! Joy-jooooooooooy!!!!!! (Wala na rin silang ibang masabe

Aba, basta kahet mai conflict, mai unity kame para dian. Rematch na lang! Tingnan natin kung sinong magaling. Aba, kung natapos lang namen yan, edi sana wala ang Browning sa pwesto nila!

Sunday, March 22, 2009

Just A Week To Go

"Everything has its own ending. And whether we like it or now, we have to let go of the things we learned to love to move on to a new beginning."



Isang linggo na lang. Isang linggo na lang at isang school year na naman ang magtatapos. Matatapos na ang school year 2008-2009, mai mga ga'graduate na naman, habang kami, iiwan na ang aming Junior life.

Ewan co ba, maisip co lang ang bagay na iyon e nalulungkot na aco. The mere idea of ending gives an unknown pain in my chest. Para bang sasabog ang dibdib co.

Ayoko sa lahat ay ang mga pagtatapos. I hate goodbyes, I hate endings. I hate it when we have to let go, I hate the words of goodbye. Dahil kahit sabihin pang walang mababago, I know something would change. And slowly, after the goodbyes, evryone will continue with their own life, and soon, it was as if no one would remember that chapter of their lives.

Patapos na ang taon, pero parang walang umiintindi masyado sa bagay na ito. Nagtatawanan pa rin kami katulad nung umpisa at kalagitnaan ng taon, nag'aasar na parang walang bukas. Siguro ayaw muna nilang maisip na matatapos na ang taon, o kaya naman ay wala talaga silang pakialam kahit matapos na ang lahat. It easier this way, hindi co masaydong malapit nang dumating ang katapusan. But I know the end is fast approaching, and I could just savor the moments 'til it last.

Sa totoo lang, natutunan co na ring mahalin ang section co. Eto ang pangalawang pinakamasayang school year para sa akin, pangalawang pinakamasayang section na kinabilangan co. Napalapit na sa puso co ang mga classmates co, ang adviser co, ang mga teachers co. Kahit sabihin pang ilang beses din kaming nagkaroon ng mga conflict, nagkaroon ng mga alitan at awayan, nagbarahan at plastikan, iba pa rin yung bonding moments that we've shared. Iba pa rin.

Pero ngayon, matatapos na naman ang isang kabanata sa buhay co. Pero anong magagawa co? Ganun talaga. May mga bagay na nagtatapos upang makaroon tayo ng bagong simula. May mga bagay na dapat iwan sa nakaraan upang maka'usad sa hinaharap. At sa loob ng isang linggo, magtatapos na ang school. Katulad ng parating nangyayari. Sana lang, kahit matapos na ang school year, hindi matapos ang samahan, at hindi makalimutan ang mga alaala naming nabuo.

Best in Recognition =D

March 22, 2009; Saturday


Dahil sabado, late na naman acong nagising. Mga 2PM na rin yun; nagpakasawa kaseng mag'internet nung Biernes. Pero di rin aco nakapag'basa ng mga manga, hanggang around 2AM lang aco giseng e. Maaga pa nga pero dahil sa sobrang pagod at antok dala siguro ng play e natulog aco ng maaga.

Pagka'gising co, kumain lang aco at nagligpit'ligpit ng konti. Konti lang, kaya super kalat pa rin ng bahay. Hay. Nakaka'tamad kayang maglinis!

Mga 3:30 e naghanda na aco para pumunta sa school. May choir kame ngayun, at anong oras na. Kunsabagay, di rin naman nagsisipag'datingan ng maaga yung mga choirmates co, pwera na lang siguro kila Arbu at Tan na super sipag umattend.

Dahil malandi aco, nag'try acong magkulot ng buhok using the curler that I borrowed from Vanessa. Pero di siya kumulot dahil basa'basa pa ang buhok co; sa halip, nag'amoy spraynet lang yung buhok co. Anyway, kulot naman na talaga ang buhok co e.

Pumunta na aco sa school. Pagdating co, nandun na sila Adrian. Puro lalaki nga, kami lang ni Tan at Ponce ang babae. Anyway, dadating pa naman siguro ang iba.

Tumabi aco kai Eday. Pinag'usupan yung sa swimming na ang daming conflict sa date. In the end, May ang naging tentative date. Pinag'usapan din namin yung tungkol sa sweldo namen sa choir.

Di na kami nakapag'practice. Wala nga si Ate Pam e. Sheda, aco na naman ang magte'take over. Eh sa June pa kaya effective ang pagiging president co. Psh.

Ang gulo nga ni Sir. Sabi co kase, Lent na kaya kailangang Lent songs ang kanta. Pero ang pambungad daw namen e "Bayan Magsiawit Na". Nyay! E dapat "Alay Kapwa" e. Sheda.

Bwisit nga yung mic nameng mga babae. Hindi rinig yung boses namen, tuloy ang hina. Kaya lumipat aco sa pwesto ng boys at ayun, okay na siya. Lumakas yung boses co. =D

Nung Ama Namin na, sa di malamang kadahilanan, tatawa'tawa si Eday na katabi co, pati si Ablay. Tuloy e tumigil na sila sa pagkanta. Kahet aco, nahahawa na rin. Di co naman alam kung baket sila natawa. Yun pala, natatawa sila kase super chin up aco dahil di co abot yung mic. Dun kase sa mic ng mga girls e inayos talaga ni Eday according to my height e. Binaba co tuloi yung mic. At si Sir, mejo naasar siguro sa'men. Sila kase e!

Pagkatapos ng misa, as usual, nagkayayaang mag'kwek (kwek dahil isa lang. ayun ang tawag namin dun dahil sa mga Wordsworth na nilalabag ang batas ng pag'uulit ng salita).

Nagkayayaan pa ngang pumunta sa bahay e. Sabi co kila Eday na lang, lalakarin lang naman, pero as usual e tumatanggi. Ang daya talaga ng lalaking 'yon, ang dami nang napuntahang bahay pero sa bahai nila ayaw magpapunta.

Sa huli, sa kwek'an din ang bagsak namen.

Nagkwentuhan pa nga kame. Nabanggit co na at last, after 6 years nang pag'aaral co sa Liceo e makaka'akyat na rin aco ng stage on a Recogintion Day.

"E anong award mo?"

"Best in Recognition. Err.. Religion."

Bobo. Tawanan tuloy sila. =D

Maggala'gala pa sana kame, perp dahil nag'uwian na sila e umuwi na rin kame. Nangulit pa nga sila Eday at Arbu na pumunta e super kalat. Kaya sabe co next week na lang, o next next week.

I'm glad. Excited na acong pumasok sa mandei. :)

Friday, March 20, 2009

Finally

Ang daming naganap ngayong araw na ito. They made me feel frustrated, but despite that, I'm very happy. At last, I think the depression is over.

Play na ng Noli. Grabe, excited na aco. Maaga acong nagiseng para ihatid ang kapatid co sa school, pagkatapos ay nagbukas ng computer at nag'Plurk (love it!

Sheesh.. Late na aco. Sabe kase 8am pumunta sa school para makapag'practice pa. 9am na aco nakapunta. Am'bigat-bigat ng dala co kase bukod sa mga costumes, dala co din yung kurtina nameng malaki kaya mas lalong bumigat. Kaya ayun, pagdating co sa room na nasa katuktukan pa ng extension e lawit na dila co.

Di pa naman sila nagpa'practice. So pinakuha co kay Andrade yung laptop ng school na hinihiram kai Ser para maayos na ang aming sound effects. Puro nga Mozart yun e.

Inayos co na yung mga background music namen. At habang inaasikaso co yung pagpili ng mga sounds, ayun at nag'aayos naman ng speakers na gagamitin si Jayson. Sheesh.. Ayun, di pa rin kame nagpapansinan. Gustong-gusto co na nga siyang pansinin kaya lang naiilang aco. Pff.

Maya-maya, dumating na rin si Sir at nag-"practice" ng play namen.

Nakakainis nga e. Lahat na lang ng practice namen, puro balasubas. Wala na kameng matinong practice. Nakaka'asar kase ang daming interruptions. Psh.

Aco naman si Sisa, todo bigai. Adik e. Na-"antig" nga daw ang damdamin ni Sir. Di co lang alam kung kaya cong umiyak sa actual play; sabe kase nila umiyak daw aco.

Pinag'lunch na kame. Di muna aco nag'lunch dahil maaga pa at wala pa yung baon co. Inaayos co pa rin yung sound effects. At nung kakain na aco ng lunch, ewan co ba pero wala acong gana. Pero gutom aco, tinatamad lang talaga acong kumain. So matapos ng mga tatlong subo e niligpit co na rin ang baon co.

Nagbibihis na ang ibang mga section. Kaya kami ay nagbihis na rin. Nagulat pa nga aco sa itsura ni Andrade as Padre Damaso dahil talagang nag'iba yung itsura niya nang maglagai siya ng pekeng balbas using an eyeliner. Kamuka niya si... Hudas? Later na'realize namen na kamuka niya yung mga maskara sa Moriones Festival.

Nagbihis na rin aco as Sisa. Isang cream polo shirt at paldang mukang pang'labandera ang suot co. Ang luwag pa nga ng palda; super lawlaw at kita na yung shorts co kaya nilagyan co na lang ng pardible. Ni'try co pa ang itsura co kapag baliw na co kaya ginulo co ang buhok co at nagtali ng plastic sa katawan at buhok co.

Matapos makapag'asikaso, umakyat na kame sa Auditorium. Una ang Browing. Hmm.. okey lang yung sa kanila, pero di ganun kaganda. Sunod ang Wordsworth na talagang bonggang'bongga. Pero sa totoo lang, sa tingin namen e kaya naming talunin yun. Maganda kase ang mga props nila at lahat sa eksena e gumagalaw talaga at di lang basta nakatunganga--bagay na kulang sa'men. Pero kaya namin yun.

Bumaba na rin kami pagkatapos ng Donya Concolacion at Sisa scene ng Wordsworth. General practice kase. Asar nga kase sinasabihang practice na e ayaw pang magtata'tayo. Nagsisisigaw pa aco.

To my dismay, ang gulo ng aming "general practice". Dapat nga dere'derecho na, pero ang dami pa ring interruptions. Si Lopez nga e ilang beses cong sinigawan at binungangaan dahil parang tanga na nakatunganga at di alam kung saang scene papasok.

Asar talaga. Ang gulo.

Scene co na. Sabe co kay Valdez, na gaganap na Pedro, e totohanin na ang sampal. Naka'ilang ulit din kami kase sabe co lutungan yung sampal para masakit at para maiyak aco, e mahina pa'rin.

Dun naman sa next scene kung saan mababaliw na si Sisa e nabanas talaga aco. Panu kase sila Morada na siyang Guardia Civil e mukang tanga lang sa paghuli sa'ken. E sabe co umayos na e. Ayun, super sigaw tuloi aco at nag'emote pa.

"Para naman kaseng tanga e! Sabe ngang umayos na di ba? Alam niyo nakaka'frustrate kayo. Nagkakandahirap na yung iba nating kaklase tapos yung iba pa sa inyo ayaw magsiayos. Nakaka'frustrate talaga kayo. Ginagawa na nga ng iba yung lahat para umayos itong play naten tapos kayo ganian pa. [...] O ano, edi totoo na acong umiiyak!?"


Umiiyak na kase aco nun. Tahimik lahat e. Walang nagsasalita. Drama co. Nakaka'asar naman kase, nakakabwisit kaya.

word of the day: frustrate

Ewan co, mai kinuha yata aco sa mai bandang lalagyan ng portfolio. Tapos lumapit aco kay Almandral para tumutok sa electric fan. At natatawa'tawa aco habang umiiyak dahil natatawa aco sa sarili co. Natatawa na rin si Almendral sa'ken.

"E kase naman e, nakaka'inis sila." Sabi co habang umiiyak'tumatawa.

Pumunta aco sa CR para mag'ayos ng sarili. Pam'busabos na nga damit co, lalo pa acong nagmukang busabos kakaiyak. Haay, am'babaw talaga ng luha co kapag galit o naiinis aco. Pero kapag kailangang umiyak tulad ng sa role co as Sisa e di aco maiyak. Asar.

Back to normal ang Stevenson pagbalik co. Parang di sila tumahimik kanina nung nagalit aco. Parang di man lang naantig ang mga damdamin at na'guilty. Hay, tigas talaga ng mga muka. Pero kahet naman ganian sila, labs co sila.

Okey na sana aco, nainis lang aco kai Karen na gaganap bilang Consolacion dahil sabe cong sabihen na ang mga lines nia e sabi niya sa play na dw talaga. Ayun, nabanas na naman aco.

"Bala kayo. Tinatamad na acong mag'practice." Inis na sabi co sabay punta sa likod.

Umakyat aco maya'maya para manuod sa iba pang nagpe'perform at para magpalamig na rin ng ulo. Wala, mas maayos pa rin ang sa'men compared sa ibang section. Confident nga kame e. Nagku'kwentuhan kame nila Andrade at Manza na kami at Wordsworth lang magkalaban. Mai chance pa nga na matalo namen ang Wordsworth dahil maraming unique na part sa'men.

Malapit na kame. Actually kame nga yung last na magpe'perform. Wala na ngang masyadong nanunuod sa ibang section at maingay na. Icu'cut din daw pag mahaba dahil hangang 30 minutes lang daw. Inasikaso na namen ang kailangan.

Dan dan dum dan..

Kami na.

Oha. Unique ang scene 1 namen. Ang ibang sections e pare'parehong may nagsasabi na "Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Jose Rizal chuva chenes eklavu.." samantalang sa'men e si Rizal talaga ang nagsasalita na ginagampanan ni Manza. Nabasag pa nga yung plato co nung nadapa ang katulong na si Edmarie.

Bongga, lahat sa'men mai sound effects.

Katuwa nga nung Araw ng mga Patay Scene. Inaayos kase ni Jayson yung mga puntod e biglang bumaba na yung kurtina kaya biglang pasimpleng tuwid siya ng tayo.

Katuwa din ang Suyuan sa Asotea Scene kung saan kunyaring nag'kiss si Jayson at Amil.

Langya, baklang-bakla talaga si Quitain as Crispin. Nagtatawanan nga yung mga audience at niloloko siya.

Scene co na. Parang tanga, kumatok agad si Valdez as Pedro e di pa nga aco nakakapagsalita. Okey din yung paghaltak at pagsampal niya sa akin kahet di masyadong malakas.

Sheda nga, mali yung lyrics nung kanta cong 'Sa Ugoy ng Duyan". Umulit yung 1st two lines. Pero di naman siya halata.

Okay naman ang performance co. Kaya lang di aco naiyak.

Bongga din ang Pangingisda scene namen dahil unlike sa ibang section na parang tangang nakipag'klaban sa buwaya sa sahig, meron kameng cellophane na mukang dagat. Aba, aco yata nakaisip nun!

Pagkatapos nung scene na yun, biglang sabi ni Sir, "Cut na!"

Cut na? Lahat kame nagtaka kung baket ang bilis. 10 minutes pa lang yata yun. Grabe kaya! E sabe daw ng judges e cut na. Anu ba yon?

Nabuo tuloi ang mga ispekulasyon. Maganda daw kase yung sa'men kaya ayaw nang ituloi dahil baka matalbugan ang star. Sheda, asar talaga lahat.

Misa na tuloy agad ang sunod. May black make-up na aco kaya muka na acong busabos. Eto picture co:







Di ba, muka talaga acong busabos?

Pagkatapos e yung scene namen ni Karen. Tinamaan rin aco nung jumping rope na latigo although di masyadong masakit. E sabe co sa kanya lakasan niya e.

Pagkatapos nun, ending na agad. Asar talaga. Tumataas pa nga yung palda co nung patay na co e.

Bumaba na kame. Asar na asar ang lahat sa'men e. Lalo na nung nalaman namen na third placer lang kame. Di naman sa di kame tumatanggap ng pagkatalo, kaya lang alam naman namen na hindi iyon ang nararapat na place namen, lalo't Browning ang secong, Wordsworth ang first. Tanggap pa namen na natalo kame ng Wordsworth kaya lang Browning?

Dapat second sana kami kung natapos lang namin. May chance pa nga sigurong matalo ang Wordsworth nun. Asar talaga. Nung kame nga magpe'perform, naglabasan yung mga estudyanteng kani-kanina lang e nagkukwentuhan at walang ginagawa habang yung ibang section ang nagpe'perform. Tahimik rin sila. Nag'akyatan din ang mga teachers. Kase, expected nilang maganda. At maganda naman talaga sana, kundi lang na'cut. Asar. Eto mahirap sa school namen e, mga star sections lang ang pinapahalagahan. Pano magkaka ayos ang mga star ang non-star kung mismong teachers ang nagsasabong sa'men?

Ang dameng na'frustrate at na'dismaya. Asar talaga..

**

Pumunta na si Sir sa room at mejo napag'kwentuhan nga ng tungkol sa play. Sigaw nga ng sigaw ang lahat ng "LUTO!!" e. E ganun talaga e, basta para sa'emn kami ang nanalo. Rematch na lang, yung buo! Haha!

Nag'announce na ng mga best. Eto yung mga aattend sa recognition:

Leadership Awardee: Emmanuel Lexriel Andrade
-pinag'isipan daw talagang mabuti ni sir kase nga maraming conflict regarding sa pagiging president niya.
Most Industrious:Jayson C. Corpuz
-di man lang naglilinis ng room yan ah, partida. Haha.
Most Cooperative: Edmarie Macasinag
Best in Conduct: Jaynard Arpon
Best in Religion: Ivy Bernadette C. Nobleza


At last! Sa loob ng anim na taon co sa Liceo, makaka'akyat na rin aco sa stage on a recogintion day!! Haha!!

Pero sa totoo lang, alam co nang may award aco kaya di na aco masyadong nag'react kanina. Sinabi na kase yun sa'ken ni Sir Cortez dati e. Palibhasa hanga parati sa reporting co.

**

Uwian na. Matatapos na ang araw. Di pa rin kami nagpapansinan ni Jayson. Sabe nga daw nila Almendral, aco na lang daw talaga ang hinihintay ni Jayson na pumansin sa kania. Two weeks din kaming no pansin sa isa't isa.

Pero pinangako co sa sarili co na hindi matatapos ang week na ito na hindi kami nakakapag'usap. Kinalabit aco ni Kathie at sinabi ngang kausapin co si Jayson. Di muna kame bumaba, hinihintay pa namen siya. Nung lumabas na siya, lumabas na rin aco.

I gathered all my guts to talk to him. Hinawakan co ang braso niya at sinabeng, "Ui, bati na tayo."

At ang sagot? And ine'expect co: "Baket, di naman kase aco galit sa'yo e. Kulet."

Pero di na ito yung serious na "di aco galit sa'yo" unlike before. It was Jayson's usual way of talking. Good sign.

"E baket di tayo nagpapansinan?"

"Aba.. Di nga aco galit [...]"

Nagbibiro na rin siya. At kami, pinutakte ng asar. Puro "aiyeee...".

"Basta ah, bati na tayo. Bati na tayo ah!" Sabe co kay Jayson.

At paulit-ulit siya na hindi naman daw siya galit sa'ken. Ni'dare pa ni Honey si Jayson na yakapin aco. And to my surprise, he did! At para i'emphasize ang kaliitan co, nag'crouch pa siya para yakapin aco. :))

Niloko co pa nga siya habang naglalakad kame na tungkol sa satus message niya sa YM dati at yung sinabi niya rin dati sa mga classmates co.

Ang pagtitiwala ay isang mahalagang bagay sa buhay ng ito. Dapat itong pakaingatan dahil kapag ito'y nawala, di na ito mababalik pa. Pinapatawad na kita pero hindi na maibabalik pa ang dati kong pakikisalamuha sa iyo. ^^ wengks. ang drama ko.


Nanahimik naman siya tungkol dun. Anu daw yun.

Bati na kami. Bati na kami. Finally. At last. Sana, di magkatotoo yung sinabi niya status message niya. Sana kung anu man yung nasira sa'men e maayos.>

But at least, my depressions has ended. And I'm glad. :)